KRISTINE'S P.O.V
Ito na ang huling araw na makikita ko si mama at makakayakap sa tagal tagal ko syang na nakasama parang hindi na ako sanay na mawala pa sya , patuloy paren ang pag agos ng aking mga luha habang pinag mamasdang inililibing si mama .'Ma i promise na ipag hihiganti kita sa doctor promise ma na makakapag tapos ako ng pag aaral at tutuparin ko na ang plano ko , hindi ako titigil hanggat hindi ako nakakaganti sa doctor na iyon , ma i miss you and i love you ingat ka jan ma ha ? Ako na ren ang bahala sa mga utang naten , ma salamat sa lahat ng sakripisyo at pag papalaki saakin ng maayos , ma hinding hindi kita kakalimutan lagi akong dadalaw sa puntod mo kapag may problema ako dadalawin parin kita ma , sana nandito ka lagi sa paligid ko at ginagabayan mo ako ma , hindi ako mawawalan ng pag-asa ma tutuparin ko ang hiling mo saakin lahat ng medalya na makukuha ko pag graduate ko sayo ko isasabit yun ma dahil hindi ako mag kakaroon ng medal ng dahil sayo ma thankyou sa lahat kahit wala ka na itutuloy ko paren ang buhay ko ma iingatan ko amg sarili ko kung naririto ka man o naririnig mo man ako ma i love you and i miss you"
Halos mamaga na ang mga mata ko kakaiyak , nalibing na ren ng maayos si mama at nililigpit na nila ang kanilang mga gamit
Lumapit ako sa puntod ni mama at dun ako lalong napa hagulgol.
Napaluhod ako sa lupa at napatakip sa mukha , hindi ko kayang tingnan si mama sa ilalim ng lupa na mahimbing na natutulog she need a rest alam kong pagod na sya kaya kailangan nya ng mag pahinga
Pero hindi ako sanay na mawala lang saakin si mama ng ganon ganon nalang !? Di rin ako sanay na hindi ko sya makasama't makausap , hindi ko na ren makikita ang mga ngiti nya na nag papagaan ng loob ko sa tuwing may problema ako.
Bakit ba kasi nangyari pa to ?! Bakit ba kasi si mama pa ang napiling sunduin ng langit ?! Masyado pang maaga para mawala na si mama sa mundong to , halos mamanhid at nahihirapan naren akong huming kaka hagugol
Promise to you ma na magiging magaling na doctor ako pag laki ma mababawi ko na ren ang lahat ng naagaw saatin noon at maipag hihiganti na kita.
Inalis ko sa pagkakabalot ang aking kamay sa mukha at tinititigan ang naka-ukit na pangalan ni mama sa isang makinis na bato
Ilang sandali pa ay unti unting bumubuhos ang patak ng ulan hanggang sa lumakas na ito
Wala na akong pake kung mabasa man ako at magkasakit basta hindi ko iiwan dito si mama sasamahan ko sya hanggat sa gusto ko.
--
Ilang oras na akong nakatambay sa puntod ni mama basang basa na ako sa ulan at hanggang ngayon ay hindi parin ito lumilipas ramdam kong nang hihina na ang katawan ko at unti unti ng lumalabo ang paningin ko
Hanggang sa may isang lalakeng naka itim at may dalang itim na payong na papalapit saa akin , hindi ko na kinaya kaya bumagsak na ang aking katawan sa lupa , nakita ko ang isang lalaki at alam kong nakatingin ito sa akin at isinilong nya ako sa kanyang payong , hindi ko na maaninag mukha nya dahil nga sa nanlalabo na ang aking mga mata at hindi ko ma maigalaw ang aking katawan
Ilang sandali pa ay dahan dahang pumikit ang aking mata at doon na ako bumigay , maya maya ay ramdam kong may bumubuhat saakin papalayo sa puntod ni mama hindi ko na maidilat ang mata ko at hinayaan ko nalang na kunin niya ako .
YOU ARE READING
Love... or Revenge ?
Fanfictionnamatay ang iyong ina dahil sa isang doctor na pabaya , hindi nito ginamot ng maayos ang iyong ina kaya ito nawalan ng hininga. ng makalipas ang ilang taon ay nakapag tapos ka ng iyong pag aaral at tutuparin mo na ang iyong plano .... Planong mag hi...