Kristine's P.O.V
Matapos ibigay saakin ng nure ang room number ni mama ay dali dali akong sumugod at agad na binuksan ang pinto nito.
Halos humiwalay na ang aking kaluluwa at mablangko ang aking isipan sa aking nakikita , nanlambot bigla ang tuhod kaha agad akong napatumba sa lupa , agad ring tumulo ang aking luha sa mata at napabilis ang pag tibok ng aking puso dahil sa kaba.
Nawala na ako sa pag iisip dahil sa nakikita ko ngayon ni hindi ko man lang maigalaw kahit kaunti ang aking katawan habang pinag mamasdan ang aking ina na nag hahabol na ng hininga.
Wala na akong ibang marining kundi ang pag tunong ng Accelerometer at ang pag habol ng hininga ni mama.
Halos manlambot ang buo kong katawan at pag hagulgol na lamang ang aking nagawa
Shit ! Anong nangyayari ?? Bakit nag kakaganyan si mama ? Diba dapat inaasakiso sya ng mga doctor at nurse !? Asan na sila ?! May pasyente silang malapit na mamatay oh !! Bwisit sino ba ang doctor ni mama ?! Asan na sila ?!!!!
Sa wakas at naigalaw ko na ren ang aking katawan at konting manhid nalang ang aking nararamdaman.
Agad akong tumayo at tumakbo patungo sa kinaroroonan ni mama upang tulungan syang lumaban ngunit huli na ang lahat ...
*tuuuuuuuuuuuuuuuut*
Wala ng buhay ang kaninang nanay na pilit na nilalabanan ang sakit.
Tuloy tuloy na ang pag agos ng aking mga luha sa mata at malakas na hagulgol nalang ang aking nagawa.
Niyakap ko ito ng mahipit at basang basa na ito dahil sa mga luhang pinakawalan ko.
Halos madurog ang aking puso at mabuo ang matinding galit dahil sa mga pabayang doctor
Hindi ko matanggap na wala na si mama hindi ako papayag na ganito na lamang sya habang buhay
Kumalas ako sa pag kakayakap kay mama at nag tungo sa pinto upang humingi ng tulong
"Tuloong !!! Tulungan nyo po kami !!! Tulungan nyo po si mama !! Plssss buhayin nyo sya nag mamakaawa ako !!" Mangiyak ngiyak kong Saad ko at parang wala man lang nakarinig o walang pakialam ang mga tao dito lalo na ang mga nurse na tinitingnan lang ako at dinadaanan lang ako
Halos uminit lalo ang aking puso kaya hindi ko na mapigilang mag salita ng kung ano ano
"Anoba ?! May mga tenga ba kayo ?! Anong klaseng tao kayo ?! Nakaka gago lang ah !? May puso ba talaga kayo ?! Rinig nyo naman siguroyung sinabi ko kanina noh ?! Gusto nyo pa bang ulitin ko ? TULONG !! TULUNGAN NYO PO SI MAMA BUHAYIN NYO SYA PLSSS !! Oh ayan !! Unulit ko na !! Aka gusto nyong ulitin ko ulit ?! Anong klaseng hospital ba to ?! Walang kwenta ang mga doctor masyadong pabaya sa pasyente alam naman nilang nanghihingalo na sila pero iniiwan nyo paren ?! Nakaka gago na kayo ah ?! Ano wala pa bang kikilos diyan ?! Baka gusto nyong mag reklamo ako sa gobyerno o sa pulis ?!" Sigaw ko kaya nabaling lahat ng attensyon nila saakin
Maya maya ay may dumating na doctor at marami rin itong kasamang mga nurse
"Ikaw ba ang doctor ng mama ko ?" Mahinahon kong saad ngunit bakas parin ito ng galit
Inayos muna nito ang kanyang salamin at tumayo ng maayos.
"Oo ako nga ang doct-"
Hindi ko na ito pinatapos sa pag sasalita ng bigla ko itong sinampal ng malakas na ikinagulat ng lahat maging sya ay nabigla sa aking ginawa
"Ano ? Masakit ba ? Hahaha kulang pa nga yan eh !" Saad ko at napansin ko ang isang papel na nakadikit sa kaniyang uniform.
"Dr. Clark joseph stavellion " walang imosyion kong pag banggit ng kaniyang pangalan.
Ilang sandali pa ay tiningnan ko na ito sa kaniyang mga mata , bakas sa kanyang mukha ang takot at kaba kahit malamig dito sa hospital ay pinag papawisan parin ito
"Anong tinutunganga nyo jan ? Buhayin nyo si mama ?!" Pasigaw kong pag uutos sa kanila na syang sinunod naman nila.
Huminga muna ako ng malalim at kinalma ang sarili bago umupo sa upuan , narinig kong sinarado na nila ang pinto
Napa hawak na lamang ako sa ulo at napa tingin sa kisame.
Hindi ko na talaga alam kung ano pa ang gagawin ko , nkakainis ! Bakita ba kasi nangyari pa to ?!
YOU ARE READING
Love... or Revenge ?
Fanfictionnamatay ang iyong ina dahil sa isang doctor na pabaya , hindi nito ginamot ng maayos ang iyong ina kaya ito nawalan ng hininga. ng makalipas ang ilang taon ay nakapag tapos ka ng iyong pag aaral at tutuparin mo na ang iyong plano .... Planong mag hi...