Alexa's POV
'Ayoko na talaga i am sorry Alexa' mga salitang sinabi niya
na tumagos sa puso ko'Please naman ok naman tayo ah'sabi ko habang nakaluhod at umiiyak.
'I am sorry talaga Alexa'
bumuntong hininga ako at tumayo habang pinupunasan ang mga luha ko.
'Sige papalayain na kita.pumapayag nako pero pwede bang makasama ka ulit ngayong gabi lang at bibitaw nako' sabi ko ng may tapang.tumayo siya ng maayos at bumuntong hininga din 'sige' maikli niyang sagot.naisipan kong umuwi muna at mag palit ng damit.tinawagan ko si April na pumunta sa bahay namin at kinwento sakanya ang lahat ng nangyari. Pagkarating niya ay pinaakyat ko siya sa kwarto ko.
'Besh! Nako masarap na talaga manapak' sabi niya na ikinatawa ko ng mahina 'Pero Besh nandito ako para tulungan ka,tutulungan kita makalimot' tinulungan niya ako pumili ng susuotin ko mamaya,sa bar nga pala kami pupunta.
Nakasuot ako ng simpleng kulay red na dress na below the knees at naka dollshoes ako na kulay black 'Yan besh pak na pak dapat sexy ka ngayon para ipamukha sakanya na sinaktan niya ang isang dyosa tulad mo' napangiti nalang ako 'lets go na ecxited nako makita yung forever ko' sabi niya na habang nag lalagay ng lipstick.may crush si April kay Kuya Kevin siya daw yung forever niya
Pumunta na kami ni April sa bar naka suot siya na black na dress at may mga bracelet na suot.pagka pasok namin nakita ko agad si Blake kasama si Kuya Kevin,James at si Kuya Vincent.Si April naman ay dumiretso sa mga inumin.Umupo lang ako sa sofa kung saang walang tao,nang biglang dumating Si Joseph the 'fuckboi' and as usual may katukaang babae,hindi mo aakalain masyadong inosente ang pangalan pero napaka baboy pala.
Umorder ako ng beer at ininom iyon,bigla kong napansin na halos magkatabi na kami ni Joseph hawak niya ang bewang ng babae habang nag tutukaan ito.kahit kailan talaga ang baboy ng lalaking ito sa tabi ko pa talaga.
Umorder ako ng 4 na na bote ng alak nilagay ito sa shotglass at saka ininom.'You can go now naboboring nako' sabi ni Joseph habang tinutulak ang babae at umupo ulit sa tabi ko at bigla akong inakbayan. 'You know you can try it, kanina kapa nakatingin masaya naman masarap pa' tinangal ko ang kamay niya sa pag kakaakbay 'Shut up Joseph hindi ako katulad mo baboy' sabi ko nakakainis tong baboy na toh.
Nakita kong nakatingin saamin si Blake na may kaakbay na babae at may hawak na alak,bigla ako nag iwas ng tingin at uminom ulit ng alak. 'Alam mo bang kissing is more fun than loving' sabi niya ng napansin niya na tumingin ako kay Blake.'Shut up Joe please pwede bang uminom nalang tayo' sabi ko at inabutin si Joseph ng alak 'Sige po Madam,cheers' at sabay kaming uminom.
Nahihilo nako,nakita kong inaalalayan ako ni April papunta sa kotse ni Joseph 'ihahatid ko na kayo' sabi niya at inalalayan din ako.nakita kong lumapit si Blake saamin 'Kung iinom ka siguraduhin mo muna na kaya mo, at please lumayo ko kay Joseph' bulong niya 'Hey back up bro kami na ang bahala dito' sabi ni Joseph 'Iniisip ko lang si Alexa baka kung ano ang mangyari' Sabi ni Blake na may diin.
'Blake wag mona ako isipin and besides i don't need you anymore sabi mo nga diba ayaw mona so stop acting na parang close tayo WALA NG TAYO NOT EVEN A FRIEND' may galit at diin kong sabi.
'Dahan dahan lang Besh' sabi ni April habang inaalalayan niya ako.
'Kung kay Joseph ka lang din babagsak hindi ako papayag' huling sabi ni Blake na narinig ko.
YOU ARE READING
Memories
Romance'The More You Hate The More You Love' Ang mag kaaway na si Alexa at Joseph ay naging magkasinta pero happy ending kaya ang story nila....