Dear diary,
Lahat naman siguro ng tao sa mundo, nagkaroon ng paghanga sa isang tao. Paghanga, crush. Naramdaman mo na ba yung feeling na tinatambol ang dibdib mo? Kapag malapit lang siya sa'yo? Naranasan mo na ba, ang pagtigil ng mundo, noong nagtama ang paningin niyo? Naramdaman mo na rin ba, ang pakiramdam, na para kang lumulutang sa ere, nang dahil sa kakaibang epekto niya sa'yo?
Ako, oo. Naranasan ko na ang lahat ng nabanggit ko. Naramdaman ko na yung feeling na, tinatambol ang dibdib ko, kapag malapit lang siya sa akin. Naranasan ko na rin na tumigil ang mundo, sa pagkakataong nagtama ang aming mga paningin. Naramdaman ko na rin ang feeling, na parang lumulutang ako sa ere, nang dahil sa kakaibang epekto niya sa akin.
Itinuturing natin silang espesyal, dahil parte na rin sila ng puso natin. Sila ay ating naging inspirasyon, sa mga ginagawa natin. Isipin lang natin sila, ginaganahan na tayo, na gawin ang mga dapat nating gawin..
Ako nga pala si Hope Arcameda, ang nagsulat sa diary, na ngayo'y binabasa niyo. Ang diary naman na ito ay dahil sa isang lalaki, si Johanne Montemayor. Ang lalaking palaging gumugulo sa aking isip, at puso.
The one who bugs me the most.
~
BINABASA MO ANG
The One who Bugs Me the Most
RandomLahat naman siguro ng tao sa mundo, nagkaroon ng paghanga sa isang tao. Paghanga, crush. Naramdaman mo na ba yung feeling na tinatambol ang dibdib mo? Kapag malapit lang siya sa'yo? Naranasan mo na ba, ang pagtigil ng mundo, noong nagtama ang paning...