Dear diary,
Hi! I'm Hope, I'm sixteen years old, all the way from Quezon City! Hahaha!
This diary is mine, sa akin lang, pero inilaan ko ito, para sa iisang tao. Inilalaan ko ito para kay Johanne Felix Montemayor.
Heartthrob siya sa school namin. Pinagkakaguluhan siya ng mga babae sa academy, kasi nga, gwapo, matalino, mayaman, at magaling siyang sumayaw. Hihihi.
Pero diary, ibahin mo ako, hindi ako kagaya ng iba niyang tagahanga na halos ipakita na ang kaluluwa nila sa kanya, hindi rin ako kagaya ng iba niyang tagahanga na halos makipagpatayan para lang mapansin niya. Mas gusto kong umupo lang sa malayo at tignan lang siya, o kaya naman ay magsulat sa diary na 'to tungkol sa kanya. Hindi naman kasi ako kagaya nila na gustong maging boyfriend si Johanne. Ako kasi, gusto ko lang ng inspiration para pumasok sa school, para ganahan na mag-aral, at mas maging positive sa mga bagay-bagay.
Haaayy, basta alam niyo na ang punto ko kaya ko ginawa 'tong diary. Secret lang natin 'to ha? Sa atin lang 'to, wag niyong sabihin sa kanya. Mamaya sabihin pa ng iba na ilusyonada ako, kapag nakarating ito sa mga tagahanga niya. Masama bang magkaroon ng inspirasyon?
Love, Hope❤
BINABASA MO ANG
The One who Bugs Me the Most
RandomLahat naman siguro ng tao sa mundo, nagkaroon ng paghanga sa isang tao. Paghanga, crush. Naramdaman mo na ba yung feeling na tinatambol ang dibdib mo? Kapag malapit lang siya sa'yo? Naranasan mo na ba, ang pagtigil ng mundo, noong nagtama ang paning...