Chapter One : You + Me

77 4 0
                                    

 DARA's POV

BABAAN NA PO!! narinig kong sabi ng masungit na kundoktor. Paano ba naman kanina, P500 kasi yung binayad ko, eh P28 lang yung pamasahe tapos tinanong niya ako kung mayroon akong barya. HELLO manong! Magbabayad ba ako nang ganun kalaking halaga kung may 28 pesos ako. Kaya yun, nasungitan tuloy ako. Yaan niyo na nga siya. Hindi naman tungkol sa kanya yung story na to eh. kundi tungkol sa AKIN! :)

Ah. Eh! Excuse me po! Makikiraan lang po. Excuse.~ Siguro nagtataka kayo kung nasaan ako noh. As i've said earlier, nasa bus ako. Paborito ko kasing upuan yung sa pinakalikod. Ewan ko kung bakit. Siguro dahil kapag mayroong humps na nadadaanan yung bus feeling ko nakasakay ako sa carousel. HAHA. 

Excuse po manong!! Bababa po ako! ~ After a minute. Yes! Buti nalang naka baba ako nang buhay sa bus na yun! Grabe yung mga pasahero, biruin mo kulang nalang dun sila sumakay sa bubong. Kala nila ah! Expert na ata to pag dating sa mga siksikan. haha. Ngunit biglang nabasag ang aking kasiyahan nung tinignan ko ang aking swatch. Tumataginting na 8:45. HALA! Male-late na akoooo! Kumaripas ako ng takbo. Feeling ko nasa karera ako dahil sa bilis kong tumakbo. Hindi ko na nga inintindi yung mga stop lights eh. Jay walking na kung jay walking. Wala akong pakealam. At saka hindi ko nga kilala si JAY eh. Basta ang alam ko, I'm dead meat pag nalate nanaman ako.

After 13 minutes of walking, running and dashing....

Phew! Grabe! Daig ko pa ang tumakbo sa olympics! Buti nalang nakaabot ako sa class ko. Muli kong tinignan ang aking relos. 8:58. YES! SUCCESS! OH YEAH! AH HUH! Papasok na ako ng room like a boss nang biglang may narinig akong katakot takot na boses. MS. LOPEZ! Late ka na nga nagsasaya ka pa diyan sa labas! Alam mo! Kung may ranking ang mga late, siguradong heneral ka! Ah. Mrs. Garcia, hindi pa naman po ako late eh. May 2 minutes pa po. Ah Ganon! So mas marunong ka sa akin. Edi palit nalang kaya tayo, ikaw nalang ang mag teacher at ako nalang ang studyante. Ah. Eh. Wag nalang po! Hindi po ata bagay. (oooops! Bakit ko ba nasabi yun? Ang shonga kooo!) Ah hindi bagay ah!? How dare you talk to me like that. At dahil dyan, I'll give you a punishment. Ikaw ay magiging guide ng bago nating freshmen student na papasok bukas. Sige na! Go back to your seat! 

Guide? Ako? Agad agad? Kaya nga ako pumasok dito eh para mag aral tapos gagawin niya akong tour guide ng isang freshmen? iiSH!

Nag lakad ako papunta sa aking upuan na para bang may lamay o sabihin na nating para bang may prosisyon. Yung tipong naglulupasay na yung namatayan sa sahig habang tinutugtog yung "DI KITA MALILIMUTAN". Kainis talaga. Sa tingin ko dapat na akong bumili ng bagong alarm clock. Kelan kaya maiimbento yung alarm clock na nagsasalita. Sigurado pag boses ni Mrs. Garcia yung nilagay ko dun magigising ako kaagad. Hehe. 

Ako nga pala si Dara. My full name is Sandara Lopez. Ako ay kasalukuyang nag aaral sa Sacred Heart Institute of Technology. Wag niyo nang balakin pang i-abbreviate baka kung ano pa ang mabuo niyong salita :) 4th year college na ako with a course of Mass Communication. Kapag breaktime ko pumupunta ako sa aking part time job, ang pag di-deliver ng mga asian cuisine like sushi, ramen at kimchi. Mayroon akong nakababatang kapatid na lalaki. Si Andy. Nag aaral din siya sa school ko. Freshmen siya. Masasabi kong average lang ang pamumuhay namin. Hindi kami mayaman at lalong hindi kami mahirap. Kung baga sa coke eh sakto lang :) Hindi pa ako nagkaka love life. Ni hindi ko nga alam kung anong feeling nang ma in-love eh. ANO BA YUN? NAKAKAIN BA YUN? Hanggang dumating ang araw na nakilala ko si Tyler....

(FLASHBACK)

Nagmamadali rin ako nung panahong iyon dahil baka masira na yung pinapadeliver ng boss ko na kimchi. Excuse me! Coming through! Makikiraan po. Nasa Pacific Star University ako ngayon. School ito nang mga rich kids. Pangarap ko nga ring mag aral dito eh kaya lang yung tuition fee rito eh katumbas ng nang pagkain namin nang isang taon. Ganun kataas ang tuition fee dito. Tinignan ko ulit kung san ko ide-diliver ito. HRM room 1. Mukhang mga mahihilig sa pagkain ang pag dadalhan ko nito ah. Pero ang sabi nila HRM daw ang pinaka madaling course. WEH? at ito rin daw yung mga bagsakan ng mga bachoy/MAth haters/Walang ganang mag aral st puro petiks ang alam. Pero hindi ako naniniwala dun! Naniniwala akong mayroon lang silang passion for cooking at syempre mahilig din silang kumain :) Idol ko nga sila eh kasi di sila natatakot matalsikan. Pag pasok ko ng main door ng school nila bumungad kaagad sa akin ang kanilang elevator. SOSYAL! Agad akong humabol hanggang bukas pa ito. Ngunit habang papalapit ako nang papalapit unti unti naman itong nagsasara. Aaaaah! Makakaabot pa kaya akoooo!

Aaaah!

BLAG!

Nakaaboooot!

Nakaabot ang braso ko pero ang katawan ko ay hindi na.

Araaay! At ayun napilayan ang mga braso ko. At dun ko narin nakilala si tyler. Siya kasi yung nasa loob ng elevator nun, tutulungan niya sana ako pero malas ako eh swerte lang yung braso ko. Siya rin yung tumulong sa aking pumunta sa ospital para magpagamot. At syempre siya rin yung nag bantay sa akin hanggang gumaling ako. At nung gumaling na ako saka lang siya nagtapat sa akin ng kanyang nararamdaman. Pero sabi ko mag hintay muna siya hanggang maka graduate kami. Pumayag naman siya. YES! :)

(END OF FLASHBACK)

11 months na ang nakalipas simula nang mangyari ang mga yun at isang buwan nalang at ga-graduate na kami. Hindi na nga ako makapag hintay eh. Hindi na ako makapag hintay na maging official kami :) SANDARA + TYLER = SANDLER. Naks! parang Adam Sandler lang ah. Haha. Oh well, back to reality nanaman.

Dahil last subject na ito at uwian na, wala na akong maintindihan sa mga pinag sasasabi ng professor namin. Blah blah blah blah. Yada yada yada yada. Gusto ko nang umalis dito dahil may date pa kami ni tyler ngayon eh. Ayokong ma-late :) Ayoko na ngang tignan yung orasan eh dahil parang nang aasar lang. Yung tipong the more you look the more na babagalan niya. Kaasar lang. At dahil dun biglang nag ring yung phone ko. riiiing~ .  Nabulabog ang buong klase. Pinag tinginan ako. Parang ngayon lang nakarinig nang ganung ringtone. Tagabundok? Sinenyasan ko yung prof ko na emergency call ito at agad akong lumabas. Pero kasinungalingan lang lahat nang iyon dahil si Tyler yung tumatawag.

Oh! Tyler! Hello?

Kamusta Dara?

Heto okay lang naman. Ikaw? 

I'm good! Ah may sasabihin sana ako eh.

Anu yun?

Mukhang di matutuloy yung date natin dahil busy dito sa school eh. Maraming pinapagawa. Sana maintindihan mo.

Ah. Ganun ba? Okay lang naman. Di naman kita masisisi eh. Hehe. Okay lang ako. Wag mo akong intindihin. O. Okay lang ako.

Oh sige na. Yun lang naman ang gusto kong sabihin. Bye!

Okay! Bubye tyler! :) 

toot* toot* toot*

BOOM! Yung feeling na end of the world na. Yun yun eh. Masakit.

Pagkatapos ng phone call na iyon muli akong pumasok sa room na parang may namatayan ulit at tinutugtog ulit yung "Di kita malilimutan" at parang may prosisyon. So upseting. At mas lalo pang lumala dahil pagka upo na pagka upo ko sa aking upuan agad naman na nagdismiss ang prof      namin. Haaaay! Bwisit lang. Wala nang time para mag emote. TSK. At yun imbis na nasa date ako ngayon eh umuwi nalang ako ng bahay na para bang lutang at lugmok sa problema. 

Nandito na po akooo! :(

Oh! Dara napaaga ata ang uwi mo? Kala ko ba may pupuntahan ka ngayon?

Eh. Na cancel po kasi eh. Busy po yung kasama ko. Kaya yun. Sige po punta na po ako sa room ko.  BYE!

Tignan mo nga naman itong bata na ito. Para bang namantayan sa kinikilos niya eh. Hay!

Nang makarating na ako sa kwarto ko, hinagis ko nalang yung bag ko sa tabi at dumapa sa aking higaan. At hindi ko namanlayan na nakatulog na pala ako. (LAGOT! Hindi ko nanaman na i-alarm yung phone ko. PATAY ako bukaaas! Waaaa!)

∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞

Salamat sa pagbabasa ng I'm you and You're me!

Pa vote and comment nalang po. Kailangan ko po yan para ganahan pa akong ituloy ito. HAHA Salamats ♥

I'm YOU and You're METahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon