Prologue

2 0 0
                                    



Sa buhay hindi maiiwasan ang sakit, pagkapoot, pagkamuhi at galit. Ni hindi nalang natin iniinda dahil sa mga taong mapanghusga na umiikot sa buhay natin, naming dalawa.

After the Happiness nandyan ang sakit, dahil sa pagiwan sayo ng taong lubusan mong minamahal, yung taong gustong gusto mong makasama habang buhay na handang bigyan ng pamilya pero ayon lang ang masakit, Ang pinaglaruan lang pala kayo ni tadhana...

After the Happiness bibigyan ka ng hindi mo malilimutang ala-ala na sa sobrang saya niyo, hindi niyo alam na meron na palang plano ang tadhana kung paano kayo dudurugin o kung paano niyo dudurugin ang isa't isa.

After the Happiness 'yan yung naramdaman ko, na sa bawat kilig, bawat ngiti sa labi, hagalpak ng tawa doon mo maiisip na...

May kasiguraduhan ba 'to?

Na totoo ba to?

Totoo ba s'ya?

Mahal n'ya ba talaga ako?

Magiging kami kaya kung ipagpapatuloy ko 'to?

Handa ba n'ya akong ipaglaban?

Worth it ba ako sakan'ya?

Handa na ba akong mahalin s'ya?

o

Kung pangmatagalan ba 'to?

o

Pangmadaliaang kilig at saya lang?

Pero syempre, dakilang tanga at mapaniwala tayo kaya hala sige! ariba! walang makakapigil basta alam natin sa sarili natin na mahal tayo ng kinikilala nating mahal pero mahal nga ba talaga tayo? o laro laro lang?

Hindi alam kaya subok lang ng subok, hanggang sa makakaya. Dahil kahit na anong sakit, hirap... Hindi pa rin natin mapigilan ang pusong magmahal sa isang taong paglalaro lang naman ang alam

Mahalin ang isang taong hanggang pakilig at bigay ng matatamis na salita pero hindi pala talaga tayo ang mahal

Gustuhin ang taong sinubukan tayong gustuhin pabalik pero iniwan ding lumuluha

Gustuhin man na bumalik, ibalik pero hindi pa rin sapat ang rason na mahal mo s'ya dahil hindi ka naman n'ya mahal

Masaya s'ya... Masaya ka ba?

Malungkot ka... pake n'ya ba?

Nagpapakasaya ka... totoo ba?

Minahal ka ba?... diba saglit lang?

Dinaramdam mo pero 'di ka naman minahal...

Selos na selos ka pero wala ka namang karapatan...

Nagmamahal ka, one sided love nga lang :)

Kaya After The Happiness, make a move! also move on, move on to the people who always hurt you, who always bring you down and also the people who always feed you with lies, cheep up! We don't all deserve this kind of treatment, we deserve the love and care in this world, made by God!

------------

After The Happiness, Prologue.

CallMeEyen

After The HappinessWhere stories live. Discover now