Chapter 1

1 0 0
                                    


Heto ako, nakasakay sa tricycle habang papunta sa amin. Ansaya ngayon araw, sa sobrang saya gusto ko ng magwala at tumalon sa Pasig River! magpakaanod nalang sa sakit na nararamdaman, 'diba?

Yung maiisip mo nalang talaga na mawala ka na lang kaysa isipin lahat ng sakit, bakit masakit? bakit gusto ko ng mawala?

NAKIPAGBREAK LANG NAMAN SAKIN ANG MAGALING KONG BOYFRIEND ERR EX BOYFRIEND! HINDI LANG BASTA EX! LONG TIME BOYFRIEND KO PA HA! ISA S'YANG MANLOLOKONG GAGO NA ARGHHH!

Okay cut it out! Hindi ako luluha, hindi ko siya iiyakan. Bahala siya sa buhay niya, hindi ko talaga siya iiyakan. Tangina niya lang, sinayang niya ko? then fine! makita niya ang sinayang niya... Hindi ko talaga siya iiyakan, im happy, better pa nga!

- After 10 minutes

"Manong dito na lang. Salamat"

Kabubukas ko pa lang ng gate namin, tumulo na luha ko. Asan na yung pageemote at pagsasabi mo ng Hindi ka iiyak, hindi ka talaga iiyakan?! Asan na yon?!

NAPAKAPLASTIK MO TALAGA KAHIT KAILAN SELF! PATI SARILI MO PINAPLASTIK MO!!!

Dare-daretso na lang ako sa kwarto ko at dali daling nilock yon, baka pasukin agad ako dito ng bakla kong kapatid tas isumbong ako kay Papa.

Andaming katanungan ang pumapasok sa isip ko kung bakit niya ginawa sakin yon! Ako na sapat na para sa kanya, para na s'yang nakabingwit ng perlas sa maalat na dagat! 'Tas kanya lamang ipinagsawalang bahala, gago s'ya... NAPAKAGAGO N'YA!!!!

Binuksan ko na lang ang bluetooth speaker ko then nagpatugtog, para hindi halatang umiiyak ako. Magwala 'man ako ay parang wala lang.


- At the school


Nagayang pumunta sa garden si Eloisa kasi nabobored s'ya sa room, bakasyon na lang din naman at wala ng ginagawa. Pwede na kaming gumala dito sa school, pwede din namang hindi pumasok.

"Alam mo Leslie, hindi ko maintindihan kung bakit nagtitiis ka dyan sa boyfriend mong sinto-sinto! Ampanget panget na anlakas pa manloko." grabe s'ya kung makapanlait, galit na galit talaga s'ya kay Gino.

"Kung ikaw nasa posisyon ko 'Loi ganto din ang gagawin mo..."

"No way! Hahanap na lang ako ng iba kaysa magpakatanga sa lalaking hindi better noh!"

May tama naman siya noh? pero 'diba kapag mahal mo, handa kang magpakatanga at ibigay lahat ng gusto niya hanggang sa makakaya mo?

o ako lang talaga itong si tanga at uto-uto pa? sobra naman.

"Na space out ka na naman! Alam mo kapag niloko ka na---"

Napatigil kami sa paglalakad nung nakita namin si Gino na may kaakbay at take note! Naghaharutan ang dalawang ahas at isang higad sa harapan naming dalawa.

'Wag mo ipakita na masasaktan ka self! sasampalin talaga kita, kahit magmukha akong tanga'

"GINO!"

Napataas naman ng tingin s'ya sakin, 'wag kana nga magpadala sa kagagahan mo Leslie Grace! Kung gusto mo magmahal, dapat sa better na lalaking hindi ka pagsasawaan! Hindi ka lolokohin!

"Hey my beautiful girlfriend, what are you doing here?"

"SINO NA NAMAN YANG BABAE NA KASAMA MO GINO!"

"Don't make a scene here, nakakahiya!"

"Then tell me! Who's that bitch!?"

Gigil na gigil na ako habang nakangiti kay Gino para hindi mahalata ng ilan na may problema na naman kami, ayaw na ayaw na ni Gino na nadadawit s'ya sa chismis ng school pero lagi naman s'yang nagawa nito.

"Ary. I think Ary is better than you, better in bed actually..." At bumulong siya sa tenga ko "Napaka-arte mo kasi, bye. Break na tayo."

At bumaling naman s'ya sa higad na 'yon! Mga tangina n'yo, karmahin sana kayo.

Hindi na ako iiyak, malakas ako! Ano naman kung makipagbreak s'ya sakin? Hindi naman s'ya ganon kagwapuhan, hindi 'rin katalinuhan at walang kabait bait sa katawan! Hindi s'ya worth it iyakan Leslie, listen to the people who always there for you.

"Hayaan mo na 'yon, wala s'yang kwentang lalaki. Marami pa d'yan... marami pa."

Hinagod n'ya ang likod ko para pakalmahin ako, hindi ako iiyak! Hindi ako magpapakita na mahina ako. Ayokong isipin nila na kawawa ako, na kaawa-awa ako.



Sige heart! ilabas mo lang, masakit pero kaya natin to. We can live without him diba? Wala s'yang kwentang lalaki, his not even worth it.

Walang humpay ako sa paghikbi, pagpalis ng luha at pagtapik sa dibdib ko. I don't know what to do, gusto ko s'yang sampalin at murahin... Sipain ang itlog n'ya hanggang sa mabaog s'ya ng tuluyan! Puro lang naman s'ya libog, ni hindi marunong makuntento. I hate him!!!!!

Napatingin na lang ako sa cellphone ko na nagring... natawag si Loisa, bakit kaya?

"Tara dito kayla Bryan! Kailangan mo ng kadamay, taraaaang magpakawasteeeed whoo"

Napailing na lang talaga ako habang naririnig ang mga kaibigan kong minumura si Gino, at nangunguna do'n si Ivan.

"Pass ak--"

"Walang pass pass, kun'di isusumbong kita kay Uncle."

"Alam mo? T**gin* mo sagad!"

Pinatay ko na lang yung tawag at nagayos ng sarili, wala akong pakialam kung mukha akong basura. Dalwang bahay lang naman ang pagitan tas nando'n ka na.

"Hi guys what's up?"

Tas bigla na lang akong pumiyok at humi-hikbi, ano ba Lie!? Tanga ka na nga nagmumukha ka pang tanga! Napakaplastik mo talaga kahit kailan.

Niyakap naman ako ni Ivan, hindi ko alam kung bakit... tinapik-tapik n'ya likod ko at bumulong ng bumulong ng mura.

"Alam mo 'di mo deserve ang ganito Lie, cheer up. Am'panget mo na nga lalo ka pang puma-panget!"

"Shut up!" Pinunasan ko yung pisngi at leeg ko sabay humarap sa kanila na may pekeng ngitu sa labi.

"TAGAAAAAAAAAAY PARA SA PUSONG SAWI!!!"

Sabay sabay silang sumigaw habang nakataas ang kamay, mga isip-bata talaga.

'Paano ako malulungkot, kung nand'yan sila para sakin?... Paano ako kung wala sila sa tabi ko?... Im so lucky to have them by my side'

Hindi nila ako pinapainom kasi bawal daw ang iyakan, tawang-tawa pa sila habang sinasabi 'yon.

Pero iniisip ko, bakit ba kami nagkaganito? Bakit ba s'ya nagkaganito? Ibang iba na s'ya simula ng maghiwalay ang parents n'ya na pati relasyon namin nagkaproblema. Oo aaminin ko, inintindi ko s'ya kasi 'yon lang ang kaya kong gawin pero pati sarili n'ya hindi n'ya iniintindi.

'Nahihirapan din ako, 'di ba?'


-

CallMeEyen

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 15, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

After The HappinessWhere stories live. Discover now