♡ 6

2 0 0
                                    

HEART'S

Thirty minutes in advance nasa classroom na ako, while waiting for my students chineck ko muna ang blueprint para kay Tita Florence. She needs it na kasi dadating na daw ang anak niya. May binago lang ako dapat hindi obsolete at dapat yung may touch ng maka bagong trend. Living in Japan helps me alot, halos doon nangunguna kung ano ang trendy sa world market.

Habang tinigignan ko ang blueprint... may naalala ako bigla.

FLASHBACK

Hindi ko inakala na makikita ko si Akino sa firm kung saan ako nag OOJT. Since na nagka hiwalay na sila ni Love hindi na siya na gawi sa bahay, although they were friends and see each other pero hindi na talaga siya nag papakita sa bahay. Ewan ko kung bakit, pero ngayon nakakagulat at nakakailang kasi muntik na nga niya akong ma pasok sa penthouse niya. Simula noon hindi na siya nag pakitang muli. Ewan ko ba kung alam niyang hindi ako si Love o di kaya alam niya na pero na nahihiya lang siya.

Si Arch. Troy ang ka team ko pero pilit niya akong pinasasama palati kina Akino at Carl. Makasama na naman kami ngayon kung saan dapat si Arch. Troy ang mag iinspect pero ako ang pinadala niya.

"Isang magandang araw na naman ito para kay Engr. Mikhael."ngiting bungad ni Carl habang nag hahanda ako nang mga gamit para dalhin sa site.

"Bakit naman?"

"Eh kasi kasama na naman namin ang Puso niya." Ngiting aso niya. Alam kong ako ang tinukukoy ni Carl pero para sa akin Biro lang yon.

"Huwag mo akong asarin dyan Carl, subrang nakakahiya ka naman." Tawa ko pero mahina lang habang nag aasikaso ng laptop ko.

"Heart wag mong pansinin yang si Carl, walang magawa lang talaga yan." Sabi agad ni Mikhael mula sa likuran namin, narinig pala niya. Nilingon ko siya agad at nahuli kong pinandilatan niya ng mata si Carl.

"Yes po" ngiti ko at bumalik sa ginagawa ko.

"Po??? Hoy Heart... 4 years lang ata ang agwat natin... wag mo nga akong ma po dyan. O ito ayosin mo rin yang mga blueprint... " for the first time sinigawan niya ako. Nagulat ako doon.

"At yang design mo... walang bago.... pang students parin ang gawa, dapat mag try ka nang bago ayon sa kung anong uso ngayon, maka luma ka eh." Pahabol niya habang binigay ang mga blueprint na gawa ko para sa isang subdivision project. Pangit ang gawa ko? Eh pinuri nga ni Arch. Troy mga sinubmit ko.

"Hoy! Mag po po parin ako kasi matanda ka sa akin! And For your information si Arch. TROY ang boss hindi ikaw! Engineer  ka.. architect yun! SA USAPANG BAHAY, HANGGANG PUNDASYON KA LANG, ANG ARCHITECT PATI INTERIOR NANG BAHAY PINAPAKILAAMAN NAMIN!"Sumigaw din ako at nag walk out dala dala ang mga gamit para sa site at sumakay na sa SUV na ggamitin namin.

Sinundan ako ni Carl na pinalilipat ako front seat.

"Heart please naman... doon ka sa unahan umupo... baka ako na naman ang pag balingan niya ng galit." Pumasuk na rin siya sa sasakyan at tumabi sa akin sa likuran.

"Ayaw ko nga. May tupak yang boss mo."

"Hay nako, at pinatulan mo naman... sus Heart sige na naman oh baka boung araw yong bugnotin eh"

"Ah basta... subrang laitero niya... akala mo naman hindi nagpa gawa ng design noong college pa siya." Kung wala siya mood, paki ko ba.

"Ay yung dream house mo?" Ngiti ni Carl.

"Bakit mo alam yun?" Na curious ako bigla.

"Eh kasi... " hindi natuloy ang sasabihin ni Carl kasi pumasok na kasi si Mikhael sa sasakyan.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 05, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

TangledTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon