TBWS I. Nang Dahil Sa Order

22 5 3
                                    

[kung saan may french fries]

Dug.dug.dug.

Isang bff fries ang padating. Hindi ko yun inorder pero yun ang dadalhin sa 'kin..

Nagugutom ako lalo. Kumakawala na ang mga alaga ko sa tiyan.

Dug.dug.dug.

Hindi ko na matiis. Slow motion syang naglalakad hawak hawak ang tray. Ang swerte ko naman ngayon.

Dug.dug.dug.

Hindi ko na kaya!

"Tulungan na kita kuya. Ang bagal mo namang magserve.", sabi ko sa crew. Di pa sya sumasagot pero kinuha ko na ang tray.

"Miss teka.", tawag nya. Ahh. Tama, yung bakal na may number pala kukunin nya.

"Bakit? Number 20 po oh! Thanks!", saad ko sabay bigay nung numero. Pinaalis ko na sya. Nakakahiya kaya kapag may nakatingin sa'yo habang kumakain.

Pero speaking of nakakahiya..

"Ang lakas nya namang kumain." Lumingon ako para malaman kung sino ang nagsasalita ng katotohanan. Isa sa pitong lalaki. Siguro mga kasing edad ko lang. Pero wala akong pakialam. Gutom ako. period.

Salamat po sa aking kinakain ngayon. Grabe! Tatlong bff fries tapos pitong hamburger. Itetake out ko na lang yung iba. Fries na muna, favorite!

chomp.chomp.chomp.

Feeling ko ako lang ang nandito. Lasap na lasap ko ang bawat katas ng mantika. Este, lasa pala.

chomp.chomp.chomp.

Binuksan ko yung ketchup na nasa sachet. Bwisit, sarap talaga ng ketchup dito! Manghihingi ulit ako mamaya, itatake out ko din.

chomp.chomp.chomp.

Punong puno yung bibig ko. Ang sarap talaga nito. Ayoko nang lumabas dito, baka mamaya, may biyaya na namang mahulog. Hayy..

chomp.chomp.chomp.

"Pakifollow-up nung order namin!" Halos lahat ng kumakain dito napalingon sa sumigaw. Gosh! Di ba siya makapaghintay? Pito naman sila eh. Mag-usap usap na muna sila diba?

"Sir. Ano po bang order ninyo?", rinig kong tanong ng crew. Ako, kain lang dito. Wala akong oras na usisahin ang--

"Dalawang Bff bundles. For four and for three."

Nabilaukan ako bigla. hindi kaya.. Nako hindi noh? Nagkamali lang yung akin, pero hindi kanila 'to!

Umalis na yung crew. Siguro para asikasuhin na ang mga order ng mga lalaking yun.

"Kuya. Pahingi po ng paper bag.", pakiusap ko pagkadaan nya sa akin. Narinig nya pero sabi nya, wait.

Nagpunas na ako ng bibig. Basta fries talaga, wala lang sakin. Tatlong bff fries ang naubos ko wow! Hindi kaya tumaas ang cholesterol ko?

Dumating na ulit yung crew. May dala siyang isang tray. May large fries at coke float. Kinabahan ako lalo. Yun yung order ko ah?

Inabot nya sa akin ang paper bag. Isa-isa ko nang nilagay ang mga burger. Sarap ng amoy, kaadik!

"Hindi ito ang order namin!", sigaw nung mga lalaki.

"Isang large fries? Isang coke float? Sa tingin mo kasya samin yan?", tanong nung isa.

Sorry ng sorry yung crew. Tumakbo na siya para ayusin ang order. Nagtitinginan na din yung iba. Nagbubulungan.

Binilisan ko pa lalo ang pagliligpit. Lalabas na ako!

"Miss? Ikaw yung sa 20 kanina hindi ba?", tanong ng crew sa akin ng mapadaan sya. Tumango-tango ako. Patay! Bakit ako umamin?!

"Miss, nagkapalit po ng order.", sabi nya pa. Mukhang kailangan magtaray-tarayan dito ngayon.

Kaso may problema, di ko kayang itaas ang kilay ko. Bakit ba kasi ang bait ko? choss!

"So kasalanan ko?", sabi ko ng.. seryoso nalang. Poker face para mas weird. Eh basta ganun nga!

"Hindi naman po pero--"

"Bigyan nyo na lang ulit kami ng order namin." Nagulat ako sa pag-upo ng isang blonde na lalaki sa harap ko. pero, MAS nagulat ako nang mag-upuan pa ang iba. Hinila nila yung katabing table.

"Sir, paano po yung bayad--"

"We'll talk.", seryosong sagot nung nasa harap ko. Nakatulala lang ako. Pinagtitinginan na din ako ng mga tao dito.

"Miss?", tawag nya sa akin.

"Miss?", ulit pa nung isa.

"Miss?", bwisit! Tama na!

Sa gulat ko, nabuksan ko ang paper bag saka sinuksok ang ulo ko. Para akong nagmukmok sa loob.

Shete! Nahihiya ako! Hindi dahil sa nagawa kong kalokohan. Kasi, dahil ang gwagwap--

Nahihiya ako! Kinikilig ako! Adik ako!

This is THE BEST WORST STORY of my life!

Teka, paano yung babayaran ko? Putek! May problema pa pala!

Mas lalo ko tuloy sinuksok ang ulo ko sa paper bag..

Infairness, ang bango ng mga burger..

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 15, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Best Worst StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon