Simula

1 0 0
                                    

Simula

Nandito ako ngayon sa kwarto ko, nagbabasa habang nakahiga, sabado ngayon at tuwing sabado naglalaba ako.

*ting!*

Tumayo agad ako ng marinig ko ang tunog ng washing machine, pumunta ako sa pwesto ng washing machine namin sa likod at inikot ulit ang timer-ran nito. Nung narinig na yung pagikot sa loob, lumabas na ulit ako at pumunta sa kwarto, humiga at hinawakan ulit yung binabasa kong libro.

Nadaan yung mata ko sa orasan namin, 2:34pm na pala, hindi ko namalayan. Bilis ng oras.

"Ate!!! Nasan kaaa"

"Dito!!" naiinis kong sigaw.

"Laro na tayo, bukas na yung shop." Sabi ng kapatid kong si Timmy, tumingin naman ako sakanya at umirap.

"Kita mo ng naglalaba pa ko, yayayain mo ko." Umirap ulit ako sa kawalan at sinara ang libro na hawak ko.

Umiling siya, "Pwede naman ituloy mamayang gabi ah? 'di kaya bukas, linggo naman eh."

Umupo ako at sinoot ang tsinelas ko, "Hindi pa ko naliligo."

"Ano naman? Mabaho kana ba? Paamoy nga ng kili kili mo!" Sabi niya at akmang pupunta sa pwesto ko ng hinarap ko ang isa kong paa sa muka niya.

"Tumigil ka nga, malapit na ko matapos, isang labahin nalang" Sabi ko, lumabas ako ng kwarto at dumiretso sa sala.

"Dali na kase, Ate! Wala ng bakante mamaya." Umiling ako at nag isip isip.

Tinatamad na tuloy ako maglaba, nakakainis naman 'tong si Timmy!

"Sige na nga, tara na. Magsusuklay lang ako at maglalagay ng liptint." Malditang sabi ko at pumunta sa ulit sa kwarto ko.

"Sa shop lang mag papaganda pa!!" Inis na sigaw niya.

"Pake mo ba!!"

Pagtapos ko mag ayos, kinuha ko na yung wallet ko sa lamesa. "Hoy, tara na!" at naunang lumabas ng bahay, bahala siya mag lock nyan!

Malapit lang naman yung shop, 'di gaanong malayo, mga 75 steps lang siguro nasa shop kana galing dito sa bahay, Hahaha.

Quantum Café

Umakyat na agad ako dito at sinalubong ako ng mga tropa ko.

"Eto na pala eh!!"

"Hoy, libre mo ko Tims!"

Sigaw ng mga tropa ko, pinakyuhan ko sila at tumawa, nakita kong walang nakaupo sa pc 2, favorite kong pc.

"Kuya To, open nga sa 2!" sigaw ko at wala pang sampung segundo, nakaopen na agad yung pc ko.

"Ate hindi mo naman ako inantay!" Sabi ng kapatid ko, tumawa ako. "Hindi ko alam kung nasan yung susi kanina, ngayon ko lang nahanap kaya ngayon lang ako nakarating, Epal ka talaga." dugtong niya at inirapan ako.

"Hi, bebi." Sabi sa ng nasa gilid ko, napatingin naman ako 'don at nakita kong Daryus pala 'yun. "Tara laro, bebi."

"Tara." sabi ko at nag open na ako ng account.

League of legends, isa sa mga kinaka adikan ko na online games pati narin ang kapatid kong si Timmy. Ininvite na ko ni Daryus, inaccept ko naman ito.

"Ano role mo?" Tanong niya.

fast forward, ( Note: karamihan sa nagbabasa dito hindi alam laruin ang League of legends o tinatawag na LoL kaya ipapafast forward ko nalang :))

Nang matapos yung last game namin, tumayo na ako. "Kuya To, out na!"

"60 pesos, Tims." Naglabas na ako ng pera at inabot kay kuya To.

"Hoy uuwi kana?" Tanong ni Daryus.

"Oo."

"Ge, ingat." sabi niya at nagpatuloy sa paglalaro.

Tumakbo agad ako papuntang bahay, kinuha ko yung susi na nakasabit sa gilid ng pinto at binuksan ito. Dumiretso agad ako sa likod at inikot ang washing machine. Inayos ko ang huling damit na lalabhan at nilagay ito sa basket, binuksan ko yung t.v para manood ng balita.

Tinignan ko yung orasan, 6:50pm. Sinimulan ko na mag sampay ng mga damit na naidryer ko na.

"Ate, ano ulam natin ngayon." Sabi ni Timmy na kakapasok lang.

"Ewan ko, ano ba ulam kila Lolo?" Sabi ko at nagpatuloy parin sa pagsasampay.

"Adobo, kuha nalang ako 'don. May kanin ba tayo dito?"

"Oo meron, kumuha ka ng mangkok sa kusina."

Pumunta na siya sa kusina at kumuha ng mangkok, buti nalang patapos na ko maglaba kung hindi siguro malalagot nanaman ako kay Mama.

Pagtapos ko mag sampay at mag banlaw, naisipan ko ng maligo muna bago kumain.

"Hoy, Ate! kumain ka muna bago ka maligo." Sabi ni Timmy habang kumakain.

"Basa ako, mabilis lang ako." Sabi ko,  kinuha ko yung tuwalya sa kwarto at dumiretso na sa cr.

Pagtapos ko maligo, wala pa akong saplot ay naisipan ko na kumain muna bago magbihis.

"Ate, bronze 2 labas ng division ko." inis na sabi ni Tims.

Humalakhak ako, "Mahina ka kasi, lalaruin ko nalang minsan." Tumungo siya at pinatay niya na ang t.v

9:23pm

Pumasok na ko sa kwarto, kinuha ko yung libro na binabasa ko kanina at saka humiga. Maya maya naisipan ko nalang mag isip isip at tumingin sa kisame.

Tahimik ang buhay ko pag wala sila Mama, walang nananakit sakin, walang naninigaw sakin, walang humuhusga sakin. Maayos naman ang pag aaral ko, kung may bagsak ako, nababawi ko naman agad. Sa shop at bahay lang man ako, hindi ako gumagala, hindi ako umiinom. Pero bakit nila ako sinasaktan? Oo, nababastos ko sila dahil naiinis ako sa mga sinasabi nila tungkol sakin.

"Timothy!??!!" Narinig ko may tumawag sakin galing sa labas, malamang sila Mama na 'yan.  Naisipan kong matulog na, si Timmy na mag bubukas ng pinto, hindi pa naman tulog yun.

Maya maya hindi pa ko masyado nakakatulog, narinig ko ulit ang boses ni Mama.

"Ano na 'to! ba't hindi pa tuyo yung mga damit?! kita ng gagamitin ko bukas sa trabaho ang uniporme ko eh!!" Sigaw ni Mama, tinakpan ko naman ang tenga ko gamit ang unan at pumikit.

"Ano ginawa ng Ate mo ha Timmy?"

"Naglaba."

"Ano oras ba 'yan nag simula mag laba?!"

"Tanghali."

"Bakit hindi pa tuyo yung mga damit kung tanghali nag simula yan?!"

"Malay ko."

"Yari sakin yang Ate mo bukas.."

Kung eto lang din naman takbo ng buhay ko, ayoko na. Mas pipiliin kong mamatay nalang kesa sa araw araw ako bugbugin, nakakasawa. Lagi nalang ganito..

~
note: sana nagustuhan niyo 'tong unang chapter :))

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 26, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Timothy: The RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon