Manila..Manila..Manila. Bakit pa kasi dito? Mag-aaral ako dito pero malayo kela nanay at tatay. Okay naman ako sa Probinsya namin. Pero gagawin ko 'to para kay sa pamilya.
Andito na ako sa Terminal. Sumakay ako ng bus galing dito sa probinsya ko tapos papuntang Manila. Tinext ko si nanay
Lala:
Nay! Nakasakay na ako na ako ng bus.Kailangan kasi ipaalam kay nanay lahat ng kilos ko.
Nay:
Sige anak. Ingat ka ah.. labyuSi nanay talaga minsan may pagka-jejemon. Hahahaha!
Lala:
Labyu din nay! Sana nga po okay ako dito. Sige na po bye na.Nay:
Sige nak bye.Madilim-dim na nung naka-sakay ako dito.
"Oh pasalubong kayo diyan oh.. pasalubong,pasalubong!"
Papunta pa lang ako kuya sa Manila. Saka na po pagpabalik na. Papakyawin ko po.
Umandar na kami mamaya-maya. Anlamig! Sinarado ko ung bintana. Payat ko pa naman, baka lipadin ako. Natulog na ako muna para kinabukasan full energy. Yakap na yakap ko yung bag ko. Kumain naman ako sa bahay ng hapunan kaya okay na ko.
______________________________________
"Oh! Baba na mga Manila dyan oh"
Nagising ako sa sigaw na yun. Andito na ako sa Manila. Habang bumababa ako sa bus, may tumulak sa akin at siyempre nalaglag ako. Masakit! Sakit sa pwet kaya kuya! Sino ba kasi yun?!
"Hoy bakit mo 'ko tinulak ah?"
"Miss, wag ka pong manisi sa kalampahan mo" Hala? Ako lampa? Tinulak mo nga ako eh..
"Grabe ka kuya! Ikaw na nga naka-abala galit ka pa?" Tama lang sayo yan!
"Hindi ako galit. Stupid"
Uy. Alam ko yan stupid-stupid na yan ah! Grabe talaga! Wala pa po akong isang araw dito sa Manila. Sabi ko na nga ba eh..
"Edi ikaw na hindi Stupid.:
"Talaga, ikaw lang yun noh."
"Kainis! Gusto mo talaga..."
"Ser,Mam. Wag na po kayong mag-skandalo dito. Nakaka-abala po sa ibang pasahero." Kasi naman 'to si kuya! Nakakainis. Sira na tuloy araw ko.
"Lampa kasi..." pasimple niyang binulong. Wow! Ako pa talaga ah.. magic talaga.
Umalis din ung asungot na yun. Ramdam ko pa rin yung sakit. Tinulak niya talaga ako eh.. bawal akong magka-mali. Tsss okay na yun. I well porget it. Tama naman siguro inglesh ko?
Pumunta na ako sa dorm na sinabi sa akin ni tatay. Hinahanap ko 'to at pinagtanong-tanong sa mga tao dito. Sa wakas, nahanap ko rin siya. Kukay brown na konting yellow. Kumatok ako sa pintuan.
"Tao po?" Tapos may nag-bukas ng pinto. Si ate, mga 35-40 years old yung mukha niya.
"Ikaw ba yung anak ni Greg Buenavidez?" Kilala niya pala si tatay.
"Opo, ako nga po. Kaibigan po ba kayo ni tatay?"
"Oo. Noong highschool magkaklase kami." Kaya pala parang sure na sure si papa dito sa dorm na 'to. Pumunta kami sa kwarto ko na maganda din naman. Ako lang mag-isa dito. Ganito kasi yung dorm. Isang tao isang kwarto.
"Ako si ate Shienaji Kin o kaya ate Shien. Ako ang may-ari ng dorm na 'to,. Yung bayad mo naman..." tapos lumalit sa akin at bumulong.
"400 lang kada-buwan. May disxount ka dito" sabay kindat ni ate Shien. 100 pesos 'tong budget ko ngayong buwan. Bibigyan daw ako ni Nanay at Tatay ng 1000 kada buwan bilang budget ko.
YOU ARE READING
Till I met you
Teen FictionMeet Heaven. Isa siyang Probinsyana also known as "Ang Probinsyana" kasi mapagmahal siya sa kanyang magulang at sa kanyang kapatid na si Chaemi o A.K.A Kulit. Si Shawn naman ay isang hearthrob na gusto maging independent. Ayaw niyang may kumo-contro...