Waaaaaa.... umaga na pala. Maliligo na ako. Ayoko ma-late sa first day. Kinuha ko na yung kailangan sa pag-ligo ko. Yung tuwalya, Shampoo, sabon at iba pa. Konti pa lang yung naliligo. Yung iba ata dito medyo hapon yung pasok eh..
Pumila na ako sa banyo. 1 lang naman yung nasa harapan ko at yung nasa-loob ng CR patapos na.
Lumabas na yung nasa-loob ng CR. Tapos biglang nag-salita yung nasa harapan ko.
"Ikaw na una" naka-smile si ate sa akin. Bakit?
"Ay sige lang. Ok lang ako dito. Mauna ka na" Kawawa naman kasi siya naghintay-hintay ng matagal pero papaunahin niya ako
"Hindi. Gusto ko kasi huli ako dahil wala pa akong shampoo. Nagpabili ako. Medyo malayo pa naman yung bilihan." Ayt.. okay.
"Sure ka?" Bakit ang layo kasi ng binilhan nung inutusan niya.
"Oo" tapos nag-smile ako sa kanya.
"Thank you." Tapos pumasok na ako sa Banyo.
De-tabo yung pagli-ligo. Walang shower-shower. Paano kaya 'to si Keith? Hindi siya sanay kasi mayaman yun eh. Sanay lang yun sa shower. Eww bakit ko siya iniisip. Kadiri ka Lala.
Feel kong kumanta dito sa banyo. Ganun yung trip ko pag nali-ligo. Maganda kasi boses ko pag nasa banyo.
Tagpuan by Moira Dela Torre.
Chorus
At nakita kita sa tagpuan ni Bathala.
May ngiti sa mata na hindi maintindihan.
Tumingin kung saan sinubukan kong lumisan.
At tumigil ang mundo.
Nung ako'y tinuro mo..............Hindi talaga ako sure sa lyrics kasi hindi naman ako masyadong nakaka-kinig sa music na yan kasi wala akong music sa CP ko. Iba naman. Ano bang pwedeng kanta? Ah okay alam ko na.
Baliw Sayo by Jroa.
Nung una kitang makita.
Binihag mo agad ang aking mga mata.
At dahan-dahan ng nahulog ng hindi ko na malayan.
Na ikaw pala, ikaw na nga ang matagal ko nang hinintay.Ooh-ohhh. I'm falling in love with you...
Ikaw ang laging sigaw ng puso.....
Kaya sana naman, ako'y panisinin mo.
Pagbigayan ang pusong ito.
Na mahalin ka, aalagaan kita
'Cause there something 'bout you baby..Tapos pinutol ko yung kanta at nagbanlaw na ako. Pagkalabas ko yung mga kadorm-mates ko nakanga-nga.
"Uy! Bakit kayo nakanga-nga?" Ang kulit talaga nitong mga ka-dorm ko.
"Ganda ng boses mo lude!"
"Angelic voice!"
"Ang ganda nung kulot-kulot"Nakakahiya! Narinig pala nila akong kumanta sa banyo. Aisshhh.. nakakahiya talaga. Akala ko bahay namin eh..
"T-thank you! Una na ako" inis-smilean ko sila. Nakakahiya talaga. Sana hindi ako nakita ni Keith >•<
"Wow naman ate Lala! Galing kumanta. This is the Voice!" Argghh.. ayan na naman siya sa mga pang-aasar niya.
"Pati ikaw narinig mo?"
"Malamang may tenga ako" nakakagigil yung mga sagot neto ni Keith. Gusto niya ba away? Sabihin niya lang. Joke lang! Hindi ako pala-away nuh. Bait ko kaya•-•
"Edi wow." Wala akong masagot eh. Atsaka hindi naman kailangan ng sagot yung sinabi niya.
"Sige na dun ka na Lampa!" Tapos tumawa siya.
"Iluwa mo yung pagkain!" Papaluwa ko talaga sa kanya yun. Porket kahapon may pagkain. Aisshhh! Mga lalake talaga.
"Mamaya na. Umalis ka na nga! Ahahahah" Maka-alis na nga talaga. Nakakinis. Nang-aasar na naman si suplado!
YOU ARE READING
Till I met you
Ficção AdolescenteMeet Heaven. Isa siyang Probinsyana also known as "Ang Probinsyana" kasi mapagmahal siya sa kanyang magulang at sa kanyang kapatid na si Chaemi o A.K.A Kulit. Si Shawn naman ay isang hearthrob na gusto maging independent. Ayaw niyang may kumo-contro...