HILING
Written by: Arviejay28May mga bagay na naging isang malaking bahagi ng ating buhay. Ngunit, ang lahat ng ito ay hindi permanente.
-----
Warren's POV.
Dumating na yung panahon na pinakahinihintay ng lahat ngunit ito ang araw na inaayawan ko.
Unang araw sa skwelahan, tila nagdadalawang isip ako kung ipagpapatuloy ko ba ang aking paghakbang papasok sa classroom na nasa harapan ko.
"Papasok ba ako o, papasok?" Napahawak ako sa aking batok, at sinimulang maglakad paatras ngunit sa hindi inaasahan, may natapakan ako na paa kaya mabilis kong naramdaman ang kanyang kamay na nagtulak sa akin ng malakas
"Aray! Tumingin ka nga sa dinadaanan mo"
"Sorry, sorry. Hindi ko sinasadya" hingi ko ng paumanhin sa babae
"Tanga ka ba? Nasa harapan mo ang pupuntahan mo pero naglalakad ka ng paatras, ano ka? Si Michael Jackson?"
"Sorry na nga e" hingi ko ulit ng paumanhin at tinalikuran siya. Michael Jackson? Bakit naman nadamay dito yung taong patay na? Saka humingi naman ako ng pasensya, ano pa'ng problema niya?
"Hoy! Bumalik ka nga dito! Bastos!" Lumingon ako kung saan siya naroon. Napangiti na lang ako dahil nabuo ang aking desisyon nang dahil sa babaeng iyon. hindi muna ako papasok ngayong araw dahil wala namang gagawin.
Nagtungo ako sa likod ng paaralan, tahimik ang lugar na ito kumpara sa classroom. Paghuni lamang ng ibon at ihip ng hangin ang tangi kong naririnig.
Habang sa aking pagpapahinga, may narinig ako na isang kakaibigang musika na pumukaw sa aking atensyon.
Tumayo ako sa aking pagkakaupo at sinundan kung saan nanggagaling ang magandang musika na iyon. Papalapit nang papalapit ang naririnig kong musika, pag-strum sa gitara at tinig ng isang babae. Nakakita ako ng isang lumang silid at sa tingin ko, dito nanggagaling ang magandang musika.
Lumapit ako dito at sinilip kung ano ang nasa loob. Nakita ko ang isang babae na nakaupo sa gitna ng silid at tanging sinag lang ng araw ang nagbibigay liwanag sa taong ito.
Sobra akong namamangha dahil naririnig ko ngayon ang boses ng isang taong may pangarap at may pagmamahal sa musika.
'Tanging ikaw lamang ang aking iibigin
Walang ibang hiling kundi ang yakap mo't halik
San ka man ay sana'y maalala mo
Kailan man asahan 'di mag-kalayo''Tanging ikaw lamang ang aking iibigin
Walang ibang hiling kundi ang yakap mo't halik'Sumulyap ako sa paligid ng silid at ito ay puno ng mga lumang instrumento. Hangang sa hindi ko na mapigilan ang aking sarili at tahimik akong pumasok sa loob ng silid upang hindi ko ma'istorbo ang babae sa kanyang pag-kanta.
Ang ganda ng kanyang tinig, samahan pa ng perpekto niyang paggamit ng gitara at mala anghel na mukha.
Sumandal ako sa isang lumang piano at hinayaan ang aking sarili na makinig hanggang sa matapos ang kanyang pagkanta.
'Hindi malilimutan mga araw natin kay sarap balikan
At lagi mong isipin walang ibang mahal kundi ikaw'Tila ayoko ng matapos ang oras na ito. Muli ko siyang sinulyapan para makita naman ang kanyang mukha
'Malayo ka man ay sana'y maalala mo
Kailan man pangako 'di mag-kalayo---'Nahinto ang kanyang pagkanta at napatingin sa aking direksyon dahil sa tunog na nanggaling sa aking cellphone, panandalian kaming nagkatitigan sa mata ngunit umiwas kaagad ako ng tingin.
YOU ARE READING
HILING
Non-FictionAno'ng gagawin mo kung sakaling magkagusto ka sa isang taong may gusto ng iba?