Second Part

4 0 0
                                    

Warren's POV.

Natutuwa ako sa aking nalaman. Yung babaeng kumakanta sa music room at yung babaeng umiiyak sa parehas na lugar ay Miles ang pangalan at ito ay pinsan ng KAIBIGAN kong si Ivy.

Tila pinakinggan ng Panginoon ang natatangi kong hiling na sana, makilala ko ang babaeng hinahangaan ko at ito nga ay si Miles.

Napapangiti ako sa tuwing naaalala ko si Miles. 'Kay gandang pangalan na bumagay sa kanyang magandang mukha. Ang saglit na pagsulyap sa kanyang labi na kusang ngumingiti.

Pero biglang nawala ang ngiti ko sa labi. Bakit kaya siya umiiyak nung araw na iyon?

Namukhaan niya kaya ako? Kung papipiliin ako, sana hindi. Ayokong makilala niya ako sa maling panahon

Sa ngayon, marami akong naririnig na magagandang bagay tungkol sa kanya. Pero ang malaman na may boyfriend siya ay hindi ko nanaising malaman, ito ang sinasabi kong maling panahon. Hindi ko siya pwedeng lapitan at suyuin dahil alam kong may magagalit, pero pagkakaibigan lang naman ang nais ko, at sa tingin ko ay makatutulong dito si Ivy.

Magkaibang-magkaiba ang kanilang ugali. Si Ivy, isa siyang mabuting kaibigan na ang tanging alam ay manira ng araw, ngunit si Miles naman--- Wala akong alam tungkol sa paguugali niya. Basta, gusto ko siya at iyon lang ang natatangi kong alam.

-----

Nagdaan ang mga araw kasabay ang pangungulit ko kay Ivy. Marami akong gustong malaman tungkol sa pinsan niyang si Miles. Katulad na lang ng kung ano ang hilig nitong gawin, ano ang gusto niyang subject para naman matulungan ko siya kung nahihirapan man ito. Sana, makalapit man lang ako sa kanya para kaibiganin ito.

"Ivy"

"Pwede ba Warren! Tigilan mo na nga ako, wala akong alam sa kanya"

"Ivy sige na, number lang naman e"

"Wala siyang cellphone, taga bundok yung tao na 'yon"

"Ilang taon na siya? Ano'ng section niya? Saan siya nakatira? Marunong rin ba siyang mag-piano?" Tinignan niya ako ng masama

"18, Senior high taking off the mother of strand, STEM. Liwayway subdivision, lahat ng instrumento alam niya. Ngayon, masaya ka na?"

Napaisip ako. 18 siya, 19 ako. Isang taon lang pala ang tinanda ko sa kanya.

"Pero ano'ng number niya?" Hindi niya ako sinagot, kinuha niya ang kanyang mga gamit at tuluyan ng umalis sa cafeteria.

-----

Miles's POV.

Ano'ng nangyari?

Isang tanong na, nakakapagpagulo sa aking isipan dahil hindi ko makuha ang natatanging sagot mula sa taong gusto kong makapagsabi nito.

Hanggang hindi ko nalalaman ang dahilan niya, patuloy akong guguluhin ng aking isipan.

Iniisip ko ang posibleng dahilan kung bakit niya ako nagawang lokohin at ipagpalit sa ibang babae. Pero wala, ano ba ang nagawa ko sa kanya? May pagkukulang ba ako bilang girlfriend niya? Nasaktan ko ba siya? Natapakan ko ba ang pagkatao niya?

Tumulo na naman ang aking luha dahil tila masisiraan na ako ng ulo, kumikirot yung puso ko. Gusto kong sumigaw ngunit hindi ko magawa.

Kinuha ko ang panyo ng isang lalaking nagpahiram sa akin nito. Sino ka? Ikaw ba yung taong nasa lumang music room? Kung ganon, ikaw rin ba ang taong nagmamay-ari ng kwintas na napulot ko sa nasabing lugar?

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 14, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

HILINGWhere stories live. Discover now