Papikit na ang mata ko nang narinig ko ang tunog ng gitara.
In-on ko ang screen sa cellphone ko at...Hays
Eraserheads nanaman
Pinatay ko na ang music sa phone ko at tinanggal ang earphones sa tenga ko.
Pumunta na ako sa lamesa ko kung saan naroon ang laptop kong di masyado nagagamit sa social networking sites
Che-check ko lang facebook ko
Nung nagload na nakita ko na may isang message na unread.
Nakita ko na...galing kay Anna?
Hindi naman kami naguusap masyado ah.
Tapos nabigla ako sa conversation.
Anna: "Okay na kayo ni Geri?"
tapos ang reply
"Huwag dito"
Wow. Parang alam ko na kung kaninong acc to.
Sa kanya 'to
Ang galing. Halos lahat ng latest messages about kay Geri. Di naman obvious na may something sa kanila no?
Pero akalain niyo? All this time akala ko ako ang unang naka move on. Hindi pala. Siya pala eh meron na ngang bago.
Tiningnan ko kung tama nga ang hinala ko kung kaninong account ito.
Pumunta ako sa profile
Laurence Torres
bumalik ako sa kama
tumawa ng mahina at napa isip
Oo nga pala. Ako ang tumapos.
***
The Time We Had
written by: samanthaEstrada_
Copyright ©2014
Prologue
BINABASA MO ANG
The Time We Had
RomanceWas it right to let go? *** written by:samanthaEstrada_ Cover made by: heirarchies Thankyouuu