Oo, yung dare kay Laurence ay may kinalaman kay Corinth.
Kahit na di masyado okay. Tawa lang ako na kunyaring aprub sa dare.
"Ayieee. LaurInth ftw!"-sigaw ko
"Hoy Shan"-Yach
Binigyan ko siya ng nagtatakang tingin
"Ikaw ha"-Yach
"Ha?"-ako
"tsk tsk"-Yach
Anong problema nun?
*
Ang dare ay yayakapin ni Laurence ang bag ni Corinth for like 10 seconds at habang ginagawa niya yun puro tilian ang naririnig ko.
Hahays bahala na nga.
*
Kinabukasan nag iba na ang seating arrangement. Seatmate ko si Corinth sa kanan at katabi ko sa kaliwa si Laurence pero may space na namamagitan kasi yun ang gitna ng classroom.
Watizhapining.
Kung si Laurence at Corinth lang naman ang titlian ng marami...eh bakit kailangan ako pa ang unang makaka witness ng mga kilig moments nila? Hays
Alam niyo yung masakit na sa looban ko ang nakikita ko pero kasiyahan ang ipinapakita ko sa labas.
Mahirap, oo pero kailangang mag tiis.
*
This is the day before Valentines Day.
And natataranta na ako baka hindi tanggapin ni Laurence ang chocolate bukas.
Tapos na ang klase at karamihan sa mga kaklase ko late na umuwi.
At ang bunga ng isipan namin na walang trip ay gumawa ng secret circle.
Secret Circle kung saan shineshare mo feelings mo and stuff. Especially sa lovelife.
Ang mga kasama ay
-Ako
-Corinth
-Maria Rita
-Jenny
-Luis
-Laurence
-Jess
-Andy
-Gwen
at marami pang iba.
Nakacircle kaming naka upo at napagpasyahan namin na sabihin kung sino ang crush ng bawat isa.
Opcors nataranta ako.
Inuna namin kay Luis.
Ang kanya raw ay si Ysa.
hehe I ship them talaga.
Tapos si Andy kay Jericho raw. Halata naman kasi talaga dati pa.
Kay Corinth naman...hays
si Laurence. Pero ang ginawa ko nung sinabi niya kung sino ay tinulak tulak ko siya ng mahina kay Laurence.
Kay Maria Rita naman.Hmm wala raw eh.
Tsk tsk
Kay Jess naman..hehe si AngelCharcoal.
hehe code name for Franco. Ewan ko kung paano naging Anghel ng Uling si Franco.
Si Gwen naman ay kay Jericho nanaman.
Di ko alam kung bakit may gusto si Andy at Gwen Kay Jericho...eh bully naman yun. Pero sabagay, mabait naman yun.
At dumating na ang oras ng aking pagbitay.
di joke lang.
Dumating na ang oras kung saan ako na ang magsasalita.
"Oh Shan. Sino sayo?"-Corinth
"Ah ano...si ano"-ako
"si?"-silang lahat
"Si ano. si Yun nga. Si ahhh ehh ihhh"-ako
"HA?sino ba yaaan?"-Jenny
Nabwiset ako dahil nagkukunwari siyang walang alam. tae naman eh.
"Si ano nga. si Lau- Lau"-ako
"Ha? Lolo mo ang crush mo? Yaks INCEST"-Luis
"What the?! hindi ang sabi ko si LAURENCE!"-ako
Nagulat ako sa sinabi ko at mukhang nagulat rin silang lahat.
"Ahhh okay. Move on"-Corinth
hala?
Tapos sumunod si Jenny.
Sa kanya raw yung si Miggy nga raw. yung a year older sa amin?
At nandito na ang most awaited part.
Ang oras kung saan sasabihin na ni Laurence kung sinong natitipuhan niya.
"Sayo Laurence sino sayo?"-Andy
"Ahh si Arisse"-Laurence
DI NAMAN SIYA MASYADONG STRAIGHT FORWARD ANO?
Pero ngayong nalaman ko na nag smile nalang ako at tumawa ng mahina.
Kasi alam kong pwede na akong tumigil. Hindi na ako aasa. Di na ako masasaktan pa lalo. Kasi alam ko na kung sinong gusto niya, at hindi ako yun.
Masakit pero kailangang tanggapin.
At ang ngiting nasa labi ko ang nagsasabi na suko na ako
*
Valentines Day na at ito ang araw kung kailan bibigyan ko na siya ng tsokolate.
Oo suko na ako. Pero di na ako makakaatras sa dare.
Hindi naman kasi ganun kadali makamove on.
Recess Time na at ang mga ugok kong mga kaibigan humingi ng tulong kay Robert (classmate ko rin).
Nung pagbell ng pag bell. Tumakbo si Robert patungo kay Laurence at hinawakan ang braso nito para di na makalayo.
Aba't baliw rin pala to.
Naglakad na ako patungo kay Laurence. Pero parang nabigla siya nang may nakita siyang chocolate sa kamay ko. Para bang ayaw niya.
kaya nasabi kong
"Kung ayaw mo. Pakibigay nalang kahit kanino. O kaya kay Robert nalang."-ako
Inabot ko ang chocolate...pero di niya kinukuha.
Kaya kinuha ko ang kamay ni Robert. Binuksan ang palad nito at sinabing
"Enjoy nalang pre."
Tapos tumingin ako kay Laurence at ngumiti nalang.
Ngumiti ako
kahit ang sakit sakit na.
***

BINABASA MO ANG
The Time We Had
RomanceWas it right to let go? *** written by:samanthaEstrada_ Cover made by: heirarchies Thankyouuu