LAST CHAPTER part1

400 6 0
                                    

Masaya ang lahat.

Puno ng tao ang pinakamagarbong peryahan sa isang bayan ng Palawan

Fiesta ng bayan.

Tawanan, hiyawan at hagikhikan ang umaalingawngaw sa buong peryahan. takbuhan ng mga batang wiling-wili sa paglalaro. Hiyawan ng iilang mga nakasay sa mga rides at sigawan ng mga taong nananalo sa bawat palaro.

Ang bahay Salamin,kung saan ito ang pangunahing atraksyon ng peryahan. ay makikita ang mga kabataang dalang-dala sa ilusyong hatid ng mga salamin.

hindi magkamayaw ang peryahan sa dami ng tao ng gabing iyon.

makalipas ang ilang minuto.

BOOM!!!

mula sa bahay ng salamin. may sumabog. napakalas. napahinto ang kasiyahan.

BOOM!!

sumunod pa ang ilang mga estante at rides ng peryahan na sumabog! mula sa mga kawad ng kuryente.

BOOM!! BOOM!!!

May apoy. may sunog!! mainit!  ang gate ng peryahan, nakakandado. Walang makalabas.

ang kaninang mga tawanan, hiyawan, at hagikhikan ay napalitan ng mga saklolo, mga iyak, mga awa. mga sakit na dulot ng pagkakagulo at sunog.

hindi mabuksan ang gate. walang makalabas. WALA. NASUNOG ANG BUONG PERYAHAN.

ang masayang Fiesta ng bayan, ay nauwi sa isang trahedya, trahedyang nakatatak na sa kasaysayan ng bayan na iyon.

__________________________________________________________________

"Ate! tulong! Ate! Tulong!"

"Meeka! Meeka! halika na dali" nakita ko si Meeka na nandun lang sa bahay ng salamin, humihingi ng tulong sa'kin, tumatakbo ako, palayo sa bahay salamin na iyon, ngunit si Meeka.... hindi sya makaalis dun.

tumatakbo ako. takbo. takbo. takbo. mamaya pa, naramdaman kong may hawak na ang kanang kamay ko. lumingon ako. hindi si Meeka ang hawak ko! yung lalaki! yung lalaking duguan. yung lalaking nakakatakot! nakangiti sya sa akin. hawak ko pa rin sya, tumatakbo pa rin ako. nakakatakot ang ngiti nya. 

"WAAAAHHHHH!"

"ate! ate, anong nangyayari sa syo?" tanong sakin ni Meeka.

bigla akong napayakap sa kanya. hinimas nya ang likod ko. Panaginip. Isang panaginip. lagi na lang. isang linggo na.

Matapos ang insedenteng iyon sa peryahn, gabi- gabi na ako dinadalaw ng ganung panaginip. paulit-ulit. dahil hindi pa tapos ang bakasyon, nandito pa rin kami.

"okay ka lang?" tanong nya ulit?

tumango ako.

"sige na ate, matulog ka na! babantayan kita" saka sya ngumiti sakin.

si Meeka. nakakapanibago. ang bait na nya!  hindi na nya ako inaaway, sinasagot-sagot at higit sa lahat inaasar. ewan? narealize nya ata yung mga kasalanan nya sakin nung niligtas ko sya.nung nakaligtas kami dun sa peryahan na yon.

isang lang masasabi ko KADIRII!!

UMAGA.

"good morning ate!" yuck talaga to. isang linggo na tong gento. 

"yuck! Morning!" bati ko. ngumiti lang sya.

dati pag ganyan ako.. simula nang dadakdak bunganga nito eh.. ngayon alaws na.. iba talaga nagagawa pag natatakot ano?? takutin ko kaya ito, araw-araw? hehe.

"Kain na!" nagyaya na sya.

I'm sick in her games na talaga. uuntog ko na to sa pader. brutal to sakin eh.. sweet lang to pag may pagyayabang, may kailangan at may papagawa.

Ang Lumang PeryahanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon