LAST CHAPTER. EPIC ENDING

395 14 5
                                    

"Ate! ate! tulungan mo ako please! bumalik ka dito! ate! ate! ate!"

-----

pasado alas dose na ng madaling araw. hindi pa rin ako makatulog. ayokong matulog. hindi naman si Meeka ang katabi ko eh. natatakot ako. sino tong katabi ko matulog? kailangan kong balikan yung matanda kanina. isang malaking tanong ang iniwan nya sakin nang sabihin nyang lalake ang kasama ko. babalikan ko sya bukas.

"Meeka" i whispered.

Hindi sya ito. hindi nya ako kayang sigawan sa harap ng mga tao, higit sa lahat hindi nya kayang humawak ng ganon sa kamay ko. ang sakit kaya. nagmark pa nga. 

"bukas. bukas ko malalaman ang sagot." 

kinuha ko ang unan ko at kumuha ng comforter sa aparador, at saka naglatag sa sahig, hindi ko kayang tabihan ang isang taong hindi ko kilala.

......

Umaga.

"Ma, pa, kuya, lo, Good Mornig..." bati ko sa kanila, nasa hapag na sila at kumakain ng almusal. 

"good morning din hija..." bati nila.

pinilt kong ngumiti kahit hindi good ang morning o.. baka kasi magtaka sila. teka... nasan na yun?

"ma, si Me- Meeka?" 

"pupunta daw sya dun kina isay, hindi ko alam na kilala nya pala ang anak ni Mitring..." masayang sabi ni Lolo. 

"Isay?" sino yun? anak ni aling mitring? sino sila?

"hindi ba lagi kayong magkasama ni meeka dati... hindi mo ba kilala?" tanong ni papa.

("-.-) (-.-") ("-.-) (-.-")

"weh.. ma, binibiro lang kayo nyan... baka nakalimutan mo lang?" epal naman itong si snorlaxx.

"hindi ko talaga yung kilala no!" asik ko sa kanya, ket kelan, epal to.

"hindi mo ba natatandaan yung bata dun sa kabilang kalye.." sabi ni lolo.

"lo, hindi po kami pumupunta don.."

"baka, bagong kaibigan ni Meeka.." si papa nagsalita.

"siguro nga.." kibit balikat silang lahat.

hindi eh. kahit nung nakraang 2 taon, never kaming pumunta dun, kaya imposibleng may kakilala sya dun, tsaka ako ang lagi nyang kasama,at ang ,kaibigan nya, ay kaibigan ko rin...

"hoy! wag tulala ! kain-kain din!" pukaw sakin ni kuya. nakatulala kasi ako.

"hmmp!"

pagkakataon ko na rin itong pumuntba ulit sa bayan.. at kausapin ang matandang yon!

"dahan- dahan naman!" si kuya na naman, pinipigilan akong kumain, binibilisan ko nga, para makaaga ako dun sa matanda.

"ewan ko sayo!' yum.yum.yum.yum.

........

"masaya ka ba dyan?"

"akin na yang katawan ko!"

"akin na to ngayon eh!"

"ibalik mo ako sa pamilya ko! akin na katawan ko! huhuhuhuhuhu"

"mahina ka kase!"

"ayoko dito! akina na yang katawan ko... please..huhuhuhu"

"ang mga mahihina, hindi para sa mundong ito... wag kang magalala, pansamantala ka lang naman jan... tapos....kukunin ka na rin ng iba.. hintayin mo lang sila.."

*evil laughs*

"huhuhuhu.. ate, tulungan mo ako!"

--------------

Ang Lumang PeryahanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon