The Beginning

14 1 0
                                    


|The Beginning|

"Here comes the DJ of the year!"

Napailing na lamang ako sa sinabi ni Miles, ang bestfriend ko. She's also one of my workmates from the radio station. Sabay kami nakapasok sa internship sa Sound FM. Hanggang ngayon nagtatanong pa rin ako sa sarili ko kung bakit magkaibigan pa rin kami lalo na't magkaiba talaga kami sa isa't isa.

"Shut up, Millicent! I need to work." I opened the door and I saw Joseph who's busy checking my equipments. Katulad namin, DJ rin siya pero nauna siya ng ilang taon sa amin kaya naman mas maalam siya.

"Good morning Seph!" tawag ng maingay kong kaibigan kaya naman napatingin siya sa amin. Tumuwid ito ng tayo at ngumiti.

"Good morning, Holly!" masayang bati niya. Napatingin agad ako kay Miles na ngayo'y nakangisi at tumataas taas pa talaga ang kilay. Napangiwi na laman ako dahil alam ko ang iniisip niya. Bumawi agad ako at ngumiti kay Joseph.

"Good morning din, Joseph!"

Narinig ko ang ipit na tawa ng kaibigan ko kaya naman di ko na napigilang sikuhin ito. Kahit kailan talaga 'tong si Miles!

"By the way, Holly I bought you some breakfast!" sabi ni Joseph sabay turo niya sa paper bag ng isang sikat na coffee shop na nakapatong sa table ko.  

"Eh ako meron din bang breakfast? Di pa ako kumakain eh!"

Pinanlakihan ko ng mata si Miles na ngayon ay ang lawak ng ngiti. Come on! Kakain niya lang kaya sa buffet breakfast sa cafeteria! Gusto ko tuloy isako ang kaibigan ko at ihagis sa Bermuda Triangle para wala ng magulo.

"Sorry Miles, I didn't know you'll be here. Maybe next time." he said.

"Sure! I'll never say no if it's food and if it is free!" Miles happily replied. I groaned inside and I know it is rude but I wished this conversation is over. Pero mukhang nagkakatotoo ang wish ko ng biglang magpaalam si Joseph.

"Okay girls, I'll just see you around! Bye, Holly..." Joseph tapped my shoulder and he then looked to my friend standing beside me before he went out.

Pagkaalis na pagkaalis ni Joseph ay sinarado ko na ang pinto ng studio ko. Kahit 'di ako nakatingin ay ramdam ko na ang pang uusisa ni Miles.

"He likes you, Holly!" pang-aasar niya. Umupo na ako sa swivel chair ko at binuksan ang laptop. I just can't talk about things like this with my friend.

"Ewan ko sayo! I need to work and I don't care." I said.

Mukhang hindi niya ako tatantanan dahil umupo pa talaga ito sa desk ko at kinuha ang paper bag na dala ni Joseph kanina. In-open ko ang social media accounts ko at ng radio station para maiayos na ang messages at requests ng mga listeners.

Miles opened the paper bag and grabbed the bread from it. Mapapailing na lang talaga ako sa katakawan niya. Pero kahit gaano pa karami ang kainin niya, hindi ito tumataba. Hindi katulad ko na kailangan pa ng strict diet para lang ma-maintain ang magandang pangangatawan.

"Give Joseph a chance. Ano pa bang hahanapin mo? Pogi, matangkad, matalino, mayaman at masarap. Hmm..." mapagpantasyang tanong ni Miles.

"You know the answer is. I'm busy and I don't want any distraction." I said without looking at her.

"Ay sus busy daw! Ang sabihin mo di ka lang makapag-move on sa ex mo!" Napatigil ako sa pagscroll dahil sa huling sinabi niya. I know this 'ex' topic will always come up whenever we're talking about other boys.

I hate talking about the past. Ako yung tipo ng tao na kapag may ginawa kang masama sa akin, ayoko na ma-involve kahit kailan. I'm a forgiving person. I never hold grudges against someone. But I always hate being involved with someone or anything from the past. The world goes on and so am I.

Begin AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon