Duda

28 2 0
                                    

"Uumpisahan ko ito habang iniisip ang tayo.
Kung anong meron sa ikaw at ako

Masaya ang mundo ko
kapag ikaw ang kasama ko,
Sa bawat segundo o minuto
Makita ko lang ang mga ngiti mo
At marinig ko lang ang mga tawa mo
Ay buong-buo na ang araw ko

Madalas tayong hindi nagkikita
Madalas din na hindi nagkakasama.
Pinpilit ko sayo'y magtiwala
Na hindi ka tumitingin sa iba.

Sa mga panahong wala ka sa tabi ko,
Naiisip mo rin kaya ako?
O masaya ka kasama ng mga kaibigan mo
At ako'y nawawala na sa isip mo.

Mahal kita. Oo. Mahal na mahal kita.
Pero minsan hindi ko maiwasan ang magduda.
Sa mga taong iyong nakakasalamuha,
Meron ba sa kanilang nagpapalimot sayo sa aking mukha?
(Napatigil ako saglit at natawa)
Meron nga ba?

Ano nga namang alam ko?
Baka nga.. siguro.. ewan ko.
Pero wag sana umabot sa punto
Na ako ang kasama mo,
Pero sya ang iniisip mo."

Hugot na iyong Dulot.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon