Chapter 4

17 5 1
                                    



"Oh, baba." utos nya nang matapat na ang sasakyan nya sa harap ng aming bahay. Ang gentleman naman. Sa isip ko. Pag sinabi ko yun sa kanya malalagot ako. Baka magalit eh. Hinatid pa naman ako pauwi.

Ang gara nga ng sasakyan nya. Like, duh? He is Ethan Zachary de la Rosa. What should I expect? Nagkalat ang pamilyang yan sa larangan ng business at sa marami pang propesyon.

"Bababa ka o itutulak kita palabas?" sambit nya nang nakatitig na sa akin. Nagulat naman ako. Can't he be a little gentle? Babae kaya ako. Ang gaspang talaga ng ugali nito.

"Teka lang naman, eto na." at saka umakto akong bababa nang maalala ko, "Oo nga pala. Hoy Mr. de la Rosa, meet me tomorrow sa office ng SSG. Thank you ulit sa paghatid" saka ko sya nginitian pero bigla naman nya ako hinila para pigilan akong bumaba sa sasakyan nya. Ano ba talaga? Akala ko ba pinapababa na nya ako

"What? Why?" Finally! Nakapagsabi na rin sya ng something na hindi harsh. He's been too harsh on me simula pa noong nasa clinic kami.

"Okay, just so you know, I'm the SSG President of the school at ako ang naatasan na ayusin ang gulo na ginawa mo at ng kasama mo noong nakaraang araw." tuluy-tuloy kong sambit na nakatingin sa mata nya.

May pa-confuse look ka pang nalalaman ha. Kunwari hindi mo alam anong tinutukoy ko. No, no, no.

"What are you talking about?" Sige, pagbutihin mo pa ang drama mo, Mr. de la Rosa. Hindi na yan uubra.

Tinaasan ko sya ng kilay saka sinabing "Wag ka nang magmaang-maangan pa. Alam ko na ang ganyang galawan"

"I don't understand you" ramdam kong inis na sya.

"Eh diba nakipagbugbugan kayo sa labas ng school?"

"What? No! Hindi ako kasali doon."

"What? No! Hindi ako kasali doon" I mimicked. "Wag ako. Haynako, Ethan. Just meet me sa office nang matapos na ang work ko. 4 pm. Activity period. Sharp!" saka ko siya nginitian.

"Stop making faces! And don't mimic me" Ang scary na. Tinaasan na ako ng boses. Hindi ko na naikubli ang pagngisi ko. Nakakatawa ang reaksyon nya. Kita ko ang pamumula ng mukha nya sa inis.

"Basta, bukas ha! Kapag di ka pumunt—"

"I don't know what you are saying. Get out of my car. Naiirita ako sayo" seryoso nyang sabi habang nakatingin pa ng diretso sa aking mata, na syang dahilan para hindi ko matapos ang dapat kong sabihin. Ano bang problema nito?

Hays. Nakakainis talaga ang ugali nito. Hindi ko siya maintindihan. At bakit ba sya naiirita sa akin? Edi sana hindi nya nalang ako hinatid pauwi. Nakakainis naman eh. Badtrip. Pasalamat ka may utang na loob ako sayo kung hindi, lasog lasog na ngayon ang katawan mo.

"K. Bye. Basta meet me tomorrow sa SSG office!" saka ako lumabas ng kanyang sasakyan.

Ibinaba nyang ang window shield saka sumigaw ng "Balak mo bang sirain ang sasakyan ko?!"

"Sorry naman" sabi ko na may pilit na ngiti at saka ako nagdoorbell. Napalakas ba mashado ang pagsara ko ng pinto ng sasakyan nya? Hindi naman ata. Hmp. Napaka-stressor ng halimaw na yon.

Isang linggo na ang nakalipas simula noong napag-usapan namin na magpakita siya sa akin sa office. Napakawalan-hiya. Hindi nya ako sinipot. Magkaklase kami sa Filipino pero hindi ko naman siya mahagilap kasi lagi syang absent. Hindi ko naman alam kung may kaibigan ba siya dito para mapagtanungan ko kung nasaan ba ang gago na 'yon.

Napagsabihan na ako ng SSG adviser dahil bakit wala pa daw akong nakuha na impormasyon sa nasabing nangyari. Natapos nalang ang palugit na binigay sa akin ay wala pa rin akong naisusumite na pangalan sa OSAS. Hindi naman daw ako ganoon dati. Maayos ko naman daw na nagagawa ang mga inuutos sa akin. Ngayon lang daw ako pumalpak. "Sorry, Maam. Hindi na po mauulit. Sorry po kung nagpabaya ako"

The WayWhere stories live. Discover now