Chapter 6 - start of luck..

37 1 0
                                    

Chapter 6

*Kristine's POV*

Bakit...

bakit?

bakit ba...

bakit ba kasi...

ginulo ko ng ginulo ung buhok ko dahil sa inis.. hindi naman kasi required to, pero bakit..... BAKIT SUMAMA PA KO DITO?? ako lang mag-isa at wala akong kilala! wala din akong makausap dahil puro koreans ang mga katabi ko dito.. sinubukan kong kausapin ung isang korean dito, pero na-nosebleed lang ako..

ang bilis mag-salita..

good thing at mga Kai stans tong mga to.. hindi naman ako masyadong O.P.. nakikisigaw lang ako sa kanila twing ung team na nila Kai ung maglalaro.. but unfortunately, para yatang wala pang naaambag na score si Kai doon..

"KAI OPPA!!! FIGHTING!!!!!!!"

sigaw ng mga katabi ko.. nakikiligalig lang ako sa kanila, para naman hindi ako O.P at tsaka kunwari na nage-gets ko sila.. meron pa nga kong katabi na sobra sobra ang pagmamahal kay Kai na umabot pa sa puntong halos lumabas na ang litid sa lalamunan nya.. gusto ko sanang matawa, pero maalala ko nga palang ganun din pala ko -_-

nandito kasi ako ngayon sa.... hindi ko alam kung anong tawag sa event na to, pero parang sport fest ito.. iba't ibang idol ang nandito, at kasali si Kai.. representative kasi siya ng exo.. pati din pala si Kris..

"KAI!! KAI!! KAI!!"

napalingon ako sa may gilid at nakita kong papasok na ng field si Kai.. automatic na napangiti ako dahil hindi ko akalain na nakakausap at tinatawagan ako ng taong yan.. at oo, tinatawagan ako ni Kai pagkata......

wait, hihinga muna ko..hoooo! ok, nakahinga na ko..

un na nga.. tinatawagan na nya ko, after nyang kunin ung number ko nung nagpunta kami nun sa court.. ilang araw na ang nakalipas nang mangyari un.. nagulat nga ko kasi hindi ko ung ineexpect.. after kasing kunin nila Luhan at Chanyeol ung numbers nila Bambi at Kate, nagulat ako ng bumaling din siya sa akin, hawak ung phone nya.. akala ko nga ibibigay nya sa akin ung phone nya, un pala kukunin nya ung number ko..

^_^ syet..

for emergency purposes daw.. ^_^

syet ^_^

"exo.... KAI!"

the MC introduced.. nagpalakpakan na ang lahat, except sa mga katabi kong over sa hiyaw.. hindi ko sana pakikisamahan tong mga to kundi lang dahil kay Kai eh.. imagine? halos kalahating araw na kong nagno-nosebleed dito? at tsaka, sana kasama ko sina ate Charm dun sa dorm namin at natutulog na lang..

"OMMO!!! KAI OPPA!! FIGHTING!!"

sigaw ko ng tumahimik ung crowd.. i don't mind kung para akong nag-e-eskandalo dito kahit ung mga katabi ko, hindi ko na pinansin, dahil mukha pa yatang natuwa sila sa akin.. humarap kasi dito sa lugar namin si Kai - at kung hindi ako nagkakamali, tumingin yata siya sa akin.. nag-assume na kung nag-assume, pero i try to smile at him and i was shocked because he smiled back!!

One Piece of Paper - (EXO FANFIC)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon