Simula

201 44 7
                                    

Simula

Nagpakawala ako ng isang malalim na buntong hininga bago inilayo ang sarili sa computer. Katatapos lang naming magskype ng papa pero himbis na sumaya ako dahil after a week ay nakausap ko na rin siya sa wakas, hindi ko magawa. Hindi ko magawang matuwa dahil nakita ko nanaman ang bago niyang pamilya. Ang dahilan kung bakit kami inabandona ng papa.

Kinuha ko ang isang kahon na nakapatong sa ibabaw ng cabinet. Mapait na ngiti ang gumuhit sa labi ko nang kuhanin ko ang kaisa-isang litrato ni papa na naipuslit ko nung oras na sinusunog ni mama ang lahat ng gamit na naiwan ni papa sa'min. Kumawala ang luha ko habang tinitignan ang larawan ng isang masayang pamilya. Isang masayang pamilya noon.

Mabilis kong ibinalik ang kahon sa lugar nito nang marinig ang boses ni mama sa labas. Hindi niya dapat iyon makita dahil pag-aawayan nanaman namin iyon. Naalala ko tuloy yung araw na ginamit ko ang apelyido ni papa nung nagkaroon ng census sa lugar namin. Tatlong araw niya akong hindi kinibo, and yeah! It feels like hell. Pinutol niya na talaga ang ugnayan nila ni papa. Wala na as in. Ako lang talaga 'tong kumikilala sa kaniya bilang ama ko. Kahit masakit.

"Nak! Si Calix nasa baba. Hinahanap ka.", ani ni mama kaya agad akong tumingin sa salamin para ayusin ang sarili.

"Nandyan na."

Tinapunan ko pa ng isang tingin ang repleksyon ko sa salamin bago kinuha ang sling bag at ang isang brown envelop na naglalaman ng requirements para sa papasukan naming university ng mga kaibigan ko.

Pagkababa ko sa salas ay naabutan ko si Kuya Jocco na masinsinang kinakausap si Calix. Hindi manlang nila napansin ang pagbaba ko. Gaano kaya kaseryoso ang pinag-uusapan ng dalawang 'to?

"Oy ano yan ah! Kuya! Tinuturuan mo bang mangchics yang si Seb?", tanong ko kay kuya kaya napunta ang pareho nilang atensyon sa'kin. Ngisi lang ang isinagot ni Kuya sa tanong ko.

Tinignan ko si Calix. "Seb. Iwas sa bad influ.", ani ko na parang kaming dalawa lang ang nasa salas.

Tumawa naman si Kuya sa sinabi ko. Psh, baliw talaga. Nagawa pang tumawa matapos ko siyang sabihang bad influence? Though totoo naman yun.

"'Di ako bad influence ah! Hindi ko rin tinuturuan si Calix kung pa'no mangbabae. Ako ang nagpapaturo sa kanya kung paano mambabae. Diba p're?", nakatawa parin si Kuya saka inakbayan ang napipilitang tumawa na si Calix.

"Kuya, ligwak si Seb pagdating d'yan. Saka, hindi mo na kaya kailangang magpaturo kung paano mambabae. Diba favorite hobby mo yon? Ang mambabae?"

Nagmake face si Kuya na tinawanan lang namin ni Calix bago tumayo at nakipagbrofist sa bestfriend ko. "Ingatan mo yan brad."

Tumango si Calix. "Kelan ko ba pinabayaan yan?", ani n'ya bago tumingin sa direksyon ko. Unconsciously ay napaihip ako sa bangs ko bago lumapit sa kanila. "Tara na Seb. Wag mo na kausapin si Kuya, baka mahawa ka ng sakit n'yan eh."

You play, I win.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon