Kabanata 1

113 39 7
                                    

Kabanata 1

Naalimpungatan ako matapos marinig ang malakas na kulog. Tag-ulan na. Ang malas naman ng unang araw ng pasukan. Tsk.

Bumangon ako saka tiniyak na maayos ang kama pati na rin ang sarili ko bago lumabas ng kwarto.

"Ang aga mo naman Jai.", ani ni Kuya na naabutan kong kasalukuyang nagkakape. Hinanap ng mga mata ko si Mama pero nabigo ako. Mukhang tulog pa siya. Alas singko palang ng umaga, masyado pa ngang maaga para sa pagbangon niya.

Kumuha ako ng tasa saka pinagsilbihan ang sarili ko. "Hindi na 'ko makatulog eh. Ang ingay ng kulog, sabayan pa ng ulan.", ani ko sa kaniya.

Tumawa ng nakakaloko si Kuya bago inilapag ang tasa sa lamesa at binalingan ako. "May kulog at ulan bang hindi maingay?", aniya kaya inirapan ko siya.

"Ang aga-aga mo mang-asar!", singhal ko.

Nagkibit-balikat lang si Kuya bago bumalik sa pagkain niya.

- - -

Bawat estudyante ay kaniya-kaniyang diskarte para makapasok ng university ng hindi nababasa nang mainam ang suot na uniporme. Mula sa lugar na kinaroroonan namin ni Calix, nasaksihan namin ang isang eksena kung saan sunud-sunod na nagpasukan mula sa entrance gate ang mga mamahaling sasakyan. Maingay man ang dulot ng ulan, dinig na dinig padin ang malakas na pagbusina ng mga sasakyan na iyon. Nang maipark ang mga kotse, isa-isang naglabasan ang mga nagmamay-ari nito. Dumako ang tingin ko sa may-ari ng isang Mercedez benz. Malawak ang ngiti nito na nakipaghighfive sa mga kasama. May lumabas na babae mula sa isang porsche car at lumapit sa kanya. Hinalikan siya nito sa labi ng mabilis bago tumakbo papalayo sa natulalang lalaki.

Napailing ako sa pagkadismaya.

PDA.

Mahigpit na ipinagbabawal ang PDA sa apat na sulok ng paaralan pero ano nga bang magagawa ng patakaran na yun laban sa anak ng nagmamay-ari ng unibersidad na 'to?

Nabaling ang atensyon ko kay Calix nang magsalita ito.

"Andyan na sila Seb.", aniya.

Awtomatikong dumako ang mata ko sa entrance gate ng paaralan. Napangisi ako nang makita sila. Si Rod at Mac ay nagsisiksikan sa iisang payong habang si Tope naman ay maginhawa dahil solo niya ang kanyang payong. Malawak ang ngiti nito na nakatingin sa'min. Kumaway ako sa kanila.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 06, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

You play, I win.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon