21- My LOVELY Doggy

4 0 0
                                    

Chapter 21

Carla's POV

Nagising ako ng may naramdaman akong nakakakiliti sa pisngi ko

"Stop" Naiinis kong sabi

"ARF!ARF!" tsk!, anong bang problema ng asong to?!, wait?...MAY ASO SA LOOB NG KWARTO KO!!

Napabagon ako ng may nakita akong aso sa kama ko.. Sa unang pagkakataon ay nagningning ang mata ko ng makita ko yung aso, JUST OMG!!, It's so cuteeee!!!!

Sa tingin ko isa itong Pomeranian, kulay brown sya na nahaluan ng white , god!! It's so cute, bago ako Bumaba ay nagpunta muna ako sa C.R para gawin ang morning routine ko, paglabas ko dito ay kinuha ko ang cute na tutang ito,

"Mom!, Kanino po itong aso!" Nga pala nandito parin kami sa resort pero dun kasi sa bahay namin na katabi ng resort,

"Ewan ko princess, Pagpasok ni RJ kanina dala-dala nya nayan pero hindi daw galing sakanya yan" e kanino galing tong mga to?

Napagpasyahan kong pumunta sa kwarto kung nasaaan si kuya RJ,

*KNOCK*KNOCK*

"PASOK!" Binuksan ko ang pinto at nakita ko syang nakatapat sa laptop nya, sinilip ko kung ano yung ginagawa nya pero agad nya ito sinara kaya pasimple akong umiwas ng tiningin dun.

"Kanino galing tong aso?" Pagtatanong ko at sabay laro sa paa nung little dogging kulay brown, sya lang kasi yung abot ko

"Ahh si Lovely ba?" Tumango ako at tinignan sya

"Ewan magtetext daw sya kung kanino galing yan" sabi nito at pinagpatuloy ang ginagawa sa laptop nya...

Lovely muhkang hindi madaling hulaan kung kanino to galing ah,

Bumalik ulit ako sa kwarto ko at ibinaba ang dalawang ako, nung binaba ko sila hindi sila nagkulet naka-upo lang sila at nakatingin sakin, ang behave nila...

nagvibrate yung phone ko pero message nalang yun

From: James

                  Nakita mo na ba si Lovely?, nagustuhan mo ba sya?, regalo ko sya yan alagaan mo ah

To: James

                   Oo naman akong bahala sakanya salamat nga pala.

From: James

                   ;)......

Napagpasyahan kong bumaba kasama yung aso, pagbaba namin nakita ko silang kumakain na, di man lang ako inalok, hala! Wala pa palang pagkain yung aso ko huhu! Kailang kong bumili ng gamit nya, Oo tama!

Ibinaba ko muna sila sa sala at pumunta sa dining area,

"Ahh, May tanong po ako" sabi ko at sabay upo sa tabi ni kuya RJ,

"Ano yun?" Pagtatanong ni kuya Allan at sumubo pancake nya, kumuha narin ako ng akin

"May alam po ba kayong bilihan ng mga gamit ng aso dito?" E pano ko maaalagaan yung aso ko kung wala syang gamit dito huhu, nawo-worried tuloy ako sakanya:::(

"Meron ng kasama yang mga dog food at yung mga kailagan nyan" ani ni Kuya Rj

"Bakit parang galit ka?" Kunyari naiiyak kong sabi, kaya kunyaring nabilaukan sya

"Hindi bagay sayo" iniripan ko nalang ito at kumain, napagpasyahan koring ilakad muna ito sa labas ng resort naman may fresh air syang maramdaman may pahinga naman kasi kami ng isang araw at hanggang ngayon lang yun kaya I want to spend my day with this little dog, Ay! Si bes nga pala pupuntahan ko, dun kasi sya nag-stay sa room ko sa loob ng resort sabi ko dito nalang sya sa bahay matulog eh ayaw nya kaya hinayaan ko nalang.

Ilang saglit lang at natapos nadin akong kumain kaya bumalik ako sa taas kasama si Lovely at naligo, matapos kong maligo ay kinuha ko ang peach color na beach dress lagpas tuhod nagsuot din ako ng sandals na brown kinuha ko ang sunglasses ko at isinuot ito kinarga ko si Lovely at lumabas na kami ng kwarto..

"Mommy! Lalabas lang po kami sandali ni Lovely dyan lang po" pagpapaalam ko, nakita ko na nag tombs up sya kaya lumabas na kami..

"Now baby, Saan mo gustong pumunta kasama si mommy ha?" Sabi ko at iniharap ito sakin,

"Arf!Arf!" At dinilaan ako sa muhka, HAHA ang cute nya nga, naglakad na ako at pumunta kami sa dalam pasigan..

"Want to down?" Parang akong tanga dito noh?

"Arf!Arf!" Nung ibinaba ko sya ay nagsimula na syang maglaro, hindi sya masyadong lumayo sakin ha, Saan kaya nabili to ni James, Speaking of that pokemon, nakita ko syang kumakaway mula sa malayo kaya kumaway din ako..

Nagmakalapit ito sa puwesto ko ay biglang may tumahol sa baba namin kaya napatingin kami...

"So you meet your Mommy na ha" sabi nito at ikinarga ito, pipigilan ko sana sya pero huli na nakarga nya na e

"Hi Baby!, How's your day with your Mommy Carla?, Happy ba? Alam mo namang masungit nyang mommy mo kaya wag ka masyadong makulit" pabulong kunyari nito sabi kaya natawa ako, kind weird ha?!







To be continue.......

A/n: So yun pasensya napo kaya kung may kung ano-anong pangalan ang meron dyan, napagkamalan ko po kasi itong story kong isang on-going palang po iyon, nagulat na nga lang po ako nung nakita kong dito ko naitype yun at pagpasensyahan nyo napo yung mga grammar, typo, at spelling sensya napo... ( Smile happily:) )

Choose One OnlyWhere stories live. Discover now