Alexander's POV
Nandito kami ngayon sa may rooftop ng mga kings. Nagpaplano kami kung anong gagawin namin sa mga babaeng yun.
Tignan lang natin kung anong mangyayari sa kanila.
Carl's POV
Nandito kami ngayon sa tambayan. Nagtataka lang ako kung bakit nagpatawag ng ganitong meeting ang leader namin.Sinabi niya sa amin na kailangan daw naming magantihan yung mga babaeng yun.
Hays kung sana tumabi na lang sila edi sana hindi to mangyayari sa kanila. Sayang magaganda pa naman sila at sexy.
Siguradong war na talagang ito. Sana lang malagpasan nila ito.
Laverden's POV
Maaga kaming pumasok ngayon para maiwasan namin yung mga kings na iyon. Akala mo naman kung sinong siga eh estudyante lang din naman sila ah.
Ang tataas lang ng mga tingin sa sarili nila.
Pumunta na agad kami sa mga classroom namin. Pero nagulat ako ng wala man lang tao sa loob nito. Napaaga siguro kami ng pasok namin.
Pero mas nagulat ako ng pagkabukas ko ng pinto ay may bigla na lang bumuhos sakin. Isang malagkit na pintura.
Argh! lagot sakin ang may gawa nito. Isa lang ang nasa isip ko ngayon ang mga king.
Pumunta na ako sa may cr para magbihis at magpunas para malinis yung malagkit na pintura na nailagay sa mga katawan ko. Buti na lang at may extra pa akong damit dito sa bag ko.
Bella's POV
Nandito na ako ngayon sa loob ng classroom namin. May mga ilang bumabati sakin at ngumingiti.
Pumasok na rin yung kinaiinisan kong lalaki. Nakangisi siya at saka ako binati.
Aba himala binati niya ako. Pumasok na din yung professor namin at saka siya nagturo.
"Miss Kim" biglang tawag niya sa akin please answer this question dagdag niya pa.
Biglang nagtawanan yung mga classmates ko. "Miss Kim you have stained"sabi pa nong teacher namin.
Napapahiya naman akong tumakbo palabas. Nagtataka lang ako kung paano nagkastained eh wala naman ako ngayon.
Kaya pala ngingisingisi siya kanina eh may masama pala siyang pinaplano. Humanda siya babawian ko din siya.
Tumakbo Na lang akong patungong cr dahil sa kahihiyan at dahil na din sa inis sa lalaking yun.
Agad-agad akong pumasok sa loob ng cr ng mga babae alangan namang cr ng mga lalaki diba?
Wala pa man din akong pamalit nito.Iisa palang kase ang palda ko plano kase namin ng mga kaibigan ko na next week palang bumili ng mga extra namin tulad ng uniform since bago pa lang kami.
Kaya naman naisipan ko munang lumabas ng cr at humiram ng palda sa mga kaibigan ko baka sakaling meron silang extra.
Ngunit nagulat ako nang paglabas ko sa cr ay meron ng nakalagay ng nakaplastic na palda mukhang bago pa naman kaya hihiramin ko nalang.Nilinga-linga ko muna kung meron mang tao pero nabigo lang ako. Kaya thank you na lang don sa may-ari.
Kyle's POV
Nandito ako sa may cr oo tama ang iniisip niyo ako nga yung naglagay nong palda para may magamit siya.
Alam kong napahiya siya dahil sa ginawa ko kaya nakokonsensiya na ako sa dahil doon.
Kaya agad din akong lumabas ng classroom para sundan siya.
YOU ARE READING
Boys and Girls Group Clash
Teen FictionSa isang university uso roon ang mga grupo grupo kaya may dalawang grupo. Ano kayang mangyarari sa kanila? May magbabago kaya sa kanila. Mafafall kaya sila sa isa't isa? Sino-sino kaya ang magkakatuluyan?