Sa isang university,doon nag-aaral ang mga magkakaibigan. At dito na magsisimula ang lahat.
LAVERDEN's Pov
Ang aga kong nagising First day kase eh. Pagkagising ko tinignan ko na agad yung mga kwarto ng mga kaibigan ko. Oo tama nga kayo nasa iisang bahay lang kami este (mansion) pala.Binigay nila itong mansion namin noong nakagraduate kami ng second year highschool. Buti nga binibigyan pa nila kami ng mga bahay namin at saka ng mga allowance namin kahit na wala kami doon sa palasyo.
Pero hindi pa pala sila gising kaya ayun kinatok ko yung mga pinto nila. May bigla akong naisip na magandang ideya para magising agad sila kaya bumaba agad ako para kumuha ng susi para mabuksan ko yung mga pinto nila saka ako naghanda ng maligamgam na tubig para nakaligo na agad siya. Oh diba ang ganda ng evil plan ko.
HAHAHA(evil laugh)😈binilisan ko na ang pagakyat ko para maisagawa ko ang aking evil plan. Una kong binuksan yung kwarto ni Mia tahimik akong pumunta sa gilid ng kama niya at saka ko iyon binuhos sa mukha niya yung maligamgam na tubig. Tawang tawa talaga ako sa ekspresyon ng mukha niya. Ang sarap niya talagang asarin kahit kailan.
Mia's POV
Ang bad talaga ni Laverden Kate kahit kailan HUHU😥 ang lamig😱Pag talaga ako nagising ng maaga gagawin ko din lahat yun sa kanya.😣 Ewan ko ba kung bakit ko yun naging kaibigan eh. Pero masaya naman ako na naging kaibigan ko siya. Maganda rin naman kase siya kasama eh m. Siya rin yung mga nanlilibre sa mga lakad namin eh diba nga sila yung may may-ari ng mga malls dito. Kaya siguro swerte ako sa kanila. Nagpapasalamat talaga ako dahil naging magkakaibigan kami.BELLA's POV
Nagising ako dahil sa sinag ng araw na nagmumula sa bintana ko. Haluh late na yata ako. Kaya agad-agad akong bumangon at saka naghilamos. Bumaba na agad ako ng hagdan para makakain na rin at sa pagbaba ko, nakita ko na agad sila na nakangiti ng pagaasar sa akin. Ano kayang meron? Sabi ko sa utak ko. Saka sila sabay- sabay na nagtawanan HAHAHAHAHA😂Nakakainis talaga sila kahit kailan ano ba kaseng nakakatawa?Joker na ba ako?at tawang tawa sila sa akin kahit na wala pa akong ginagawa?
Nung umupo ako may ibinigay sa akin si Elisse pagtingin ko salamin pala. Tinignan ko sa salamin yung mukha ko at doon ko nakita yung maraming bubble gum sa buhok ko kaya pala ang bigat ng ulo ko pagkagising ko.
At pagkatapos non nag walkout na agad ako. Ay walkout agad? Eh diba yun na din naman yung tawag doon?I hate them na talaga😡hindi na yata ako papasok. Magmumukmok na lang yata ako dito sa kwarto ko. Buti na lang at medyo madaling matanggal yung mga bubble gum na nakadikit. Kundi nasira na yung buhok ko. Magpapasalon na lang ako para maayos tong buhok ko. At hindi ako mapagkamalan na bruha😂.
NICA's POV
Ang bilis niya talagang maasar. Asar talo kase. Pinanood na lang namin siyang magwalk out. Kainis kase si Elisse eh ang kj niya talaga ang ganda na sana ng plano namin eh kung hindi niya yun ginawa. Pag siya yung nang-aasar hindi naman siya inaano pero pag siya ang inaasar namin pikon.Pumunta na agad kami sa aming mga kwarto para maligo at saka magbihis ng school uniform. Baka kase malate kami. Masyado kase kaming naaliw sa kanya.
At school....
Pagkapasok na pagkapasok pa lang namin sa school ay madami na kaming nakita na mga estudyante na nakatingin sa amin. Sanay na naman na kami na pinagtitinginan eh. May mga iba na naiinis sa amin dahil tingin ng tingin sa amin yung mga boyfriend nila. Akala mo naman kung mga gwapo kaya FYI lang hindi namin sila gusto. Kung ayaw niyong tumingin sila sa iba edi itali niyo sila. Hahaha siyempre jwk lng yun no.
Pagkatapos nong nangyari na iyon nagkanya kanya na kaming pasok sa mga classroom namin. Nakalimutan ko palang sabihin sa inyo na hindi kami magkakaklase. Buti na nga lang para may makilala naman ako na bagong kaibigan. At malay mo makilala ko na din si prince charming. Naglakad na ako papasok sa classroom namin. Pagkadating ko doon wala pa yung adviser namin at saka ako umupo sa may bakanteng upuan."Pwede ba akong makiupo?"tanong ko doon sa lalaking nakaupo. "Sure"sagot naman niya. At sakto namang dumating yung adviser namin. "Meron tayong bagong transferee" sabi nong teacher at saka niya ako tinawag sa harapan. As usual tulad ng ginagawa pag bagong pasok nagpakilala na ako. I am Nica Joy Kim "Nica" for short. Sabi ko saka agad ma umupo. Doon ako umupo sa may pinakalast nakakasawa na kase sa harapan eh laging ikaw na lang ang tinatawag pag recitation. Iniisip ko lang kung ano na kayang nangyari sa mga kaibigan ko.
Joyce 's POV
Unang araw ng klase namin ngayon at namimiss ko na ang mga kaibigan ko. Nakakainis sino ba kase ang nag-ayos ng mga magkaclassmate dito at hindi ko sila kaklase. I miss them damn so much. Highschool pa lang kami noon nang naging magkakaibigan kami. Laging sila ang kasama ko kaya naman hindi ako sanay na hindi ko sila kasama. At ang lalo pang nakakainis ay itong katabi kong lalaki.Flashback....
Papasok pa lang ako ng may makabangga akong isang lalaki dahil sa kakamadali ko. Mahulog tuloy yung mga dala kong gamit. Ni hindi niya man lang ako tinulungan at wala man lang akong narinig na kahit anong sorry mula sa kanya. Oo inaamin ko hindi rin naman ako tumitingin kaso lang yung lalaking yun.
At sa halip na tulungan ako ay tumakbo na lang siya palayo sa kinaroroonan ko.End of flashback....
Bakit ba nagfaflashback pa rin sa akin yung nangyari kanina. Sa tuwing naaalala ko yun mas lalo lang akong naiinis dito sa katabi ko.
Saglit akong napatingin sa kanya. Habang ako ay inis na inis sa kanya siya naman ay nagising ngisi.
Habang patagal ng patagal akong napatingin sa kanya bakit parang gumagwapo siya sa paningin ko?
Erase. Erase. Erase ano ba itong naiisip ko? Hindi siya gwapo ok mayabang lang sabi ko sa sarili ko.
Kurt's POV
Nandito ako ngayon sa classroom namin kung saan may katabi akong baliw.Saglit akong napatingin sa kanya at napagtanto ko na maganda rin pala itong babae na to. Napangisi na lang ako ng maalala ko yung nangyari kanina kung saan inis na inis pa rin siya sa akin. Gusto ko na ngang matawa eh dahil sa itsura niya kanina. Ang cute niyang asarin.
Halos pulang pula na nga yung mukha niya dahil sa galit eh.
YOU ARE READING
Boys and Girls Group Clash
Novela JuvenilSa isang university uso roon ang mga grupo grupo kaya may dalawang grupo. Ano kayang mangyarari sa kanila? May magbabago kaya sa kanila. Mafafall kaya sila sa isa't isa? Sino-sino kaya ang magkakatuluyan?