Chapter 1

19 0 1
                                    

Chapter 1

...

Katatapos ko lang mag-ayos ng gamit. Yung mga damit ko nilagay ko na sa bagong aparador. Tiningnan ko yung buong kwarto. Hindi maipagkakaila na mas maliit ito kumpara sa dati. Kalilipat lang namin dito sa probinsya. Ibang-iba talaga dito, wala man lang taxi o fx. Ang medium of transportation nila dito tricycle o di kaya'y jeep. Hayyssst wala din mall dito. Goodluck nalang sakin sa pag-aadjust sa bagong environment. 

"Ethan, Tresh, Trisha! Bumaba na kayo, kakain na!" sigaw ni mama na kasalukuyang nasa kusina.

Paglabas ko ng kwarto, nakasalubong ko yung dalawa kong kapatid. Fraternal twins sila.

"Kuya, takbo!! Andyan sa likod mo yung mumu!" sigaw ni Trisha sabay takbo nila pababa.

Multo daw eh. tsss.

....

"Malapit lang yung school dito. Diyan ka na lang sa may private school Ethan, tapos yung kambal doon sa may Central school," sambit ni Papa habang kami ay nasa hapagkainan.

"Sakto lang pala itong napili nating bahay, Dan. Makaka menos tayo sa gastos sa pamasahe ng mga bata," sabi ni Mama sabay ngiti kay Papa.

Tumingin ako sa harapan ko at nakinig sa usapan nung kambal na busy na nag-uusap tungkol dun sa batang lalaki na nakilala nila kaninang umaga. Buti pa sila may bago ng kalaro. Hayyy, mga bata talaga.

"Oh ano Ethan?" tanong ni mama sakin

"Ahh, opo sige," sagot ko na may pag-aalinlangan.

"Ethan, naiintindihan mo naman siguro ang sitwasyon natin ngayon diba? Kung bakit kailangan nating magtipid araw-araw?" tanong ni Papa habang nakatitig sa akin.

Napa- isip din ako. Tama nga naman si Papa. Yung kambal nga eh, naka adjust na, ako pa kaya na mas matanda sa kanila?

"Oo, Pa. I understand," sagot ko.

"Very well, then," sabi ni Papa.

....

3:00 pm na.

Hindi ko namalayan na nakaidlip pala ako. Dahil na rin siguro sa pagod. Pagkasilip ko ng bintana…

Ayun! Naglalaro na naman yung dalawa kasama nung batang lalaki. Dinig na dinig dito yung tawa nila.

Naligo ako, tsaka ako bumaba sa sala. 

"Ethan, go see your siblings! Mukhang nag-eenjoy sa labas yung dalawa kasama yung bago nilang kalaro. Ang saya naman nila," masiglang sambit ni mama pagkababa ko.

Si mama nagpapasaring pa eh. Kumamot lang ako ng ulo.

"Labas ka rin minsan. Make some new friends! Malay mo diyan mo lang makikita yung future girlfriend mo?” sabi ni mama sabay kindat.

"Ma naman eh."

Tinulak niya ako palabas. Sinubukan kong iresist pero hindi ko nakayanan yung pangingiliti ni mama.

Kinuha ko yung bike ko tsaka lumabas ako ng gate. 

"Tresh! Trisha! Wag kayong pumunta sa may kalsada. Delikado!" sigaw ko sa kanila.

Napatingin yung dalawa pati na rin yung kalaro nilang lalaki. Inaasahan kong “okay kuya” ang isasagot nila subalit…  

"Get lost!" sabi ni Tresh sabay walk out. 

Anak ng... Hayyy, hindi pa ako nasanay. -__- Ganun talaga si Tresh. Minsan matigas ang ulo pero mabait naman talaga siya. Nakakatanda si Tresh kay Trisha ng limang minuto.

“Sige kuya. Don’t worry!” sambit ni Trisha sabay habol kay Tresh.

Si Trisha naman good girl talaga yan, laging tinatandaan mga bilin ko sa kanila.

Yung batang kalaro nila, nakatitig lang sa akin.

“Uhmmm... Hindi mo ba sila susundan? At eto oh panyo. Uhmmm… pakipunasan mo na lang muna yung uhmm… ilong mo. May konting uhog kasi na lumalabas,” sabi ko. Maingat kong pinili yung mga salitang ginamit ko para din naman hindi siya mapahiya. Normal naman sa mga bata na magkauhog eh. Sino ba ang hindi?

Nagulat yung bata at biglang pinunasan yung ilong gamit yung laylayan ng damit tsaka tumakbo palayo.

“Uhmmm… okay,” sabi ko habang tinititigan ang likod ng bata. Ibinulsa ko na lang ulit yung panyo.

Nagtuloy na akong mag explore sa lugar. Hindi naman nakakalito ang mga daan dito kaya naman madali lang kabisaduhin. Pagkaliko ko sa isang kanto nakita ko yung grocery store.

Bumili ako ng Snickers at Oreo.

Pagkalabas ko, nakita ko yung babaeng nasa harap ko na may nahulog sa hinahawakan niyang plastic bag.

Dali-dali kong nilapitan yung nahulog na bagay. Isang pack ng…

.

.

.

.

. nagulat naman ako.

.

.

. Oh sh*t! Isang pack ng Napkin!!! O.O

Ano na? Ibabalik ko ba o hindi? Lumalayo na yung babae. Nagtatalo yung isipan ko.

“Ethan, magpakagentleman ka nga! Isauli mo na! Magmadali!!” sabi ng mabuting konsensya ko.

“HAHAHAHA. Isasauli mo, Ethan? Baka isipin pa ng mga tao na binili mo nga yan kasi hinawakan mo. Iwan mo na lang dyan! Bahala na yung babae. Kasalanan niya naman eh. Hinulog niya eh. HAHAHA!” sambit naman ng isa pang boses sa isipan ko.

Umiling ako. Ano bang gagawin ko?

Tsk… Bahala na nga!

...#

School Days 2014Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon