CHAPTER FIVE
*******
Hayyyy Buhay nga naman oh ang bilis ng araw Biro mo 5 months na noong nag punta ako sa Party na yun at nung nakita ko ng malapitan yung Asawa ni Chairman (a/n: ammm yung chairman po ay yung may-ari ng KWON ACADEMY yun lang po salamat) sa party
grabeh nung nakita ko siya ng malapitan ay nagulat ako kasi ngayon lang ako nakakita ng Dyosa Pramissssss Hones toh!!!! hahahahahaha naging si Honesto tuloy ako ay hindi pala Honesto Honesta pala hahahahahaha
Okay tama na nga yan balik na tayo
"So nandito nanaman ang hampaslupa" sabi ni Sooyun , Oo si Sooyun yan yung anak ni Chairman hindi ako ah! at ang taong gumulo sa buhay ko at ang taong nagpaalis sa akin sa Grupo, Oo sadly umaklas na ako bilang isa sa "THE PHANTOM SIX" nakakalungkot ngang isipin kasi napilitan lang ako Kung umalis sa grupo dahil Kay Samantha dapat nga mawawala ang grupo kasi gusto rin ni Jhanniel na umaklas pati rin si Danica pero pinigilan ko sila at ang pinalit ko sa pwesto ko ay si Samantha masakit man isipin pero ganoon talaga wala ang magagawa Kung di umalis kasi pag di ako umalis ay hindi na ako makakapag-aral dito sa School na ito, ganto kasi yung nangyari
-----FLASHBACK----
2 weeks na ang nakakaraan nung pumunta ako sa Party at nung Nag-aral na ang pinakamasamang taong nakita ko sa buhay ko Si Samantha ang Anak ng May-ari ng School ewan ko nga Kung bakit ang laki ng galit niya sa akin ewan ko akala ko pa naman ang bait bait niya kasi mukha siyang Anghel pero kabaliktaran pala iyon kasi Siya ay isang Demonyo oo tama kayo sa pagkabasa Demonyo yung taong iyon akala mo Kung Sino makaasta purket anak lang siya ng May-ari eh kala mo Kung Sino
"Hoy Ikaw na Hampas lupa" tawag sa akin, speaking of the devil nandito siya at ang tawag sa akin ay Hampaslupa grabe diba napakasama ng ugali
"FYI may pangalan ako kaya huwag mo akong matawag tawag na Hampaslupa Ms. Kwon " sabi ko sa kanya, akala niya hindi ako lalaban ha si Gabriela Silang Ata to Djoke lang hahahaha
"Aba sumasagot ka pa ha may pa FYI kapang nalalaman Jan baka paalisin kita sa School ko " sabi niya sa akin
"Hindi naman nakapangalan Sayo toh paano magiging Sayo" bulong ko pero mukhang narinig ata kasi parang nag-iba yung mukha niya mukha na siyang Dragon hahahahaha nagagalit ata hahahaha
"Ha! Anong sabi mo?!" tanong niya wohhh buti na lang hindi niya narinig
"Ah ang sabi ko ho ANO.PO.BA.ANG.KAILANGAN.NIYO.SA.AKIN" sabi ko sa kanya
"Kung Gusto mo pang makapag Aral dito!" sabi niya, ay ganunan pabitin lang
"Ano?" sabi ko sa kanya
"Kung gusto mo pangang mag-aral dito " sabi niya ulit, Ano toh Sirang plaka kailangang paulit ulit hindi naman siguro siya unli noh
"Ano nga sabi eh! " sabi ko sa kanya na may halong kairitahan, eh kasi banaman paulit ulit eh!
"Kung Gusto mo pa talagang mag-aral dito ay may isa akong kundisyon ......
"Ano bayung kundisyon mo?" tanong ko sa kanya
"UMALIS ka na sa THE PHANTOM SIX" sabi niya sa akin, Hindi ko gusto ang sinabi niya bakit niya ako pinapaalis sa grupo at may gana pa siyang sabihin na Kung gusto ko pang mag-aral dito huh Ano siya boss Kung makasabi siya akala mo Kung Sino
"Ano ako Tanga! Bat naman ako aalis sa Grupo Aber! " sabi ko sa kanya Letscheng toh kala mo Sino
"Eh Kung ayaw mong umalis sa grupong iyon, pwede ka nang umalis dito" sabi niya sa akin, Aba G*ga toh ah unting unti na lang masasabunutan ko na tong babaeng toh
"Bakit naman ako aalis Saan ba ako pupunta " sabi ko sa kanya
"Eh hindi ka lang pala Tanga na hampaslupa Boba pa" sabi niya ulit sa akin Aba sumusubra na toh
"Gag* ka " sabi ko sa kanya at susugudin ko na sana ng pigilan niya ako
"Sige ituloy mo tingnan natin Kung Sino ang kawawa, Kits mo yun" sabi niya sa akin at may tinuro siya sa itaas kaya napatingala ako ng di oras at nakita ko yung CCTV
"Sige gawin mo tingnan natin Kung Sino ang kawawa sa sting dalawa at Sino rin ang mapapaalis sa School na ito at mawawalan ng trabaho ang Tatay niya at pwede ko rin ikaw kasuhan pagtinuloy mo" sabi niya sabay smirk sa akin, nakakyamot talaga siya grabe di ko na Keri teh! malolokesh akosh ditosh sa bakulaw na babaeng toh grabeh talaga
"Ano natameme ka ata bakit takot ka bang mapaalis sa School na toh at mawalan ng Trabaho ang Tatay-tatayan mo" sabi niya sa akin bakit niya alam na ampon lang ako
"Hindi ako natatakot na mapaalis ako dito at mawalan ng trabaho si Papa at higit sa lahat hinding hindi ako natatakot Sayo!" pasigaw Kong sabi sa kanya at siya naman ay tumatawa lang
"Hahahahaha nakakatawa ka talaga Marinna hindi ka natatakot sa akin eh Kung ipapatay ko kaya kayo ng Tatay Tatayan mo ha! Ano hindi ka pa natatakot?!" Sigaw niya sa akin at ako naman ay natahimik sa sinabi niya eh paano banaman Kung totoohin niya ang sinabi niya eh kasi isa kasi siyang Demonyita Kaya kaya niyang pumatay ng Tao natatakot ako sa kanya baka kasi gawin niya yun
"Kaya Kong gawin iyun sa inyo, kaya pumayag ka na " sabi niya, no choice ako kasi pagtumanggi pa ako baka gawin niya talaga iyun kaya no Choice ako Kung di sundin iyun
"Oo pumapayag na ako, pero sa isang kundisyon" sabi ko sa kanya, Hah! akala niya siya lang ha pwes ako rin meron
"Ano Iyun Ms.San Agustin?" sabi niya habang naka smirk pa
"Papayag lang ako basta huwag mo kaming papakielamanan at huwag mo kaming guluhin iyun lang" sabi ko sa kanya
"Iyun lang ba SIGE payag ako doon, basta BUKAS dapat wala ka na sa Grupo" sabi niya sa akin sabay alis
--------End Of Flashback-------
So iyun nga ang nangyari
"Ano nanaman ba ang kailangan mo sa akin?" tanong ko sa kanya
"Wala lang " sabi Niya sa akin, tingnan mo tong babaeng toh nakaka P**a na talaga siya bwiset
"Eh Kung wala ka namang kailangan aalis na ako" sabi ko sa kanya at umalis na ako pero napahinto ako ng nagsalita siya
"Wait Iimbitahin pala kita sa Sabado may parting gaganapin at imbitado ka " sabi niya sa akin at lumapit sa akin
"Oh eto yung invitation " sabi niya at sabay bigay niya sa akin ng invitation
"Aasahan kita doon na makakarating ka" sabi niya sabay alis, Ano na naman ba ang balak niya sa akin hayyy makapunta na nga sa room baka ma late pa ako
-------------------------------------------
H1 P0h
YULSIC_FAMILY