CHAPTER TWO
****************************
*ringggggg* *ringggggg*
bwiset!!! na alarm clock na toh!!! natutulog pa yung Tao eh!!! pinatay ko na yung alarm ko at tumayo na ako at lumabas na ng kuwarto, pagkalabas ko ay nakita ko yung kusina namin ang kalat puro mga bote ng beer at mga plastic ng mga chichirya Hayyyy malinis na nga tong mga kalat na mg ito,
Pagtapos Kong iligpit lahat ng kalat ay nagluto na ako ng agahan namin, ng natapos ako ay lumabas na si Papa
"Anong agahan?" tanong niya sa akin
"Itlog at sinangag ho mauna na PO kayong kumain maliligo muna PO ako" sagot ko sa kanya at nag nod na lang ito at pumasok muna ako ng kuwarto ko at kinuha ang dapat kunin at pumasok na ako sa banyo at naligo, pagtapos Kong maligo ay nakabihis na ako palabas na naka uniform ang cute nga ng uniform namin kasi naka longsleeve na blouse at may jacket ito na color Pink at with matching Pink na strip na necktie at ang skirt namin ay katulad din nung color ng skirt at two inches below the knee yung skirt namin ang cute nga kasi parang pang Korean at Japanese yung uniform namin ang cute niya talaga pramise!
Okay balik na tayo sa kuwento so kumakain na ako, matapos akong kumain ay nagpaalam na ako Kay Papa, Naglalakad lang ako kasi malapit lang ang School ko sa Bahay ko Siguro mga 20 minutes lang ang paglalakad ko at makakarating na ako habang naglalakad ako ay biglang tumunog yung cellphone ko
*ring**ring* tunog ng Cp ko at sinagot ko na
"Yeoboseyo" sabi ko, marunong nga pala akong magkorean dahil tinuturo rin minsan sa school namin ang magkorean ay oo nga pala hindi ko nga pala na sabi sa inyo na karamihan na nag-aaral dito ay mga Koreano kaya nagtuturo rin sila ng Korean language at tinuturuan din ako ng mga kaibigan Kong mga baliw na magkorean
"Unnie malapit ka na ba?" tanong ni Kyla sa akin
"Malapit na ako! BAKIT" sagot ko
"Basta Unnie bilisan mo na Ppali! Ppali!" sabi niya sa akin
"O SIGE na SIGE na bababa ko na " sabi ko
"Sige unnie hihintayin na lang kita sa gate! " sabi niya at binaba ko na at kumaripas na ako ng takbo at Maya Maya pa ay nakarating na ako at nakita ko na si Kyla na naghihintay sa labas ng gate
"Hi Unnie!" bati agad sa akin ni Kyla
"Unnie pagod na pagod ka ata ah!" tamo tong taong toh tanongin banaman ako na 'pagod na pagod ka ata ah!' Shungang toh
"EH SHUNGA KA PALA EH!!! IKAW SIGE TUMAKBO TINGNAN NATIN KUNG DI KA MAPAGOD!!!!" sigaw ko sa kanya nakakabwiset kasi tatanong nalang GANOON pa sino ba naman ang hindi mabwibwiset
"Ay hehehehe sorry Unnie (^___^V)" sabi niya habang naka peace sign
"BAKIT mo ba ako pinagmadaling pumunta dito? Ano bang meron?" tanong ko sa kanya
"Ah ka~~" naputol yung sasabihin niya dahil dumating na yung iba pang mga baliw
"Anong nangyayari dito? BAKIT ganyan ang mukha mo ngayon leader Kay aga aga nakabusangot ka?" tanong ni Jhanniel sa akin
"Tanongin niyo si Kyla ng malaman niyo!!! BWISET!!!!!" pasigaw Kong sinabi sa kanila
"Kyla Ano ba kasing nangyari? BAKIT bwiset na bwiset Sayo si Noona ?" tanong ni Harvy Kay Kyla at sinabi naman ni Kyla ang lahat
"EH SHUNGA KA NGA TALAGA!!!" sigaw sa kanya ni Dyosang Michaela bakla kasi si Michael tapos gusto niyang itawag sa kanya ay Dyosang Michaela hindi ito alam ng mga magulang niya lalo na ang daddy niya pati narin sa buong school hindi nila alam na bakla siya at kaming Lima lang ang nakakaalam noon kasi sabi namin walang taguan ng sikreto sa amin at alam din nila na Ampon ako at ayun nga Sayang nga siya dahil isa siya sa heartthrob sa kanilang tatlo at ang daming nagkakandarapa sa kanila kahit nga mga senior namin dito sa school nagkakandarapa sa kanila eh
"Ano ba kasi yung sasabihin mo?" tanong ko na Kay Kyla ng mahinahon
"Wala lang Unnie gusto ko lang pumunta ka agad dito sa school" sabi niya ABA walangyang toh!
"ABA Hayop toh ah" sabi ko at dapat sasakalin ko na si Kyla pero pinigilan ako nung apat
"Bitawan niyo ako papatayin ko na Yang babaeng iyan " sabi ko at sila namang apat habang pinipigilan ako ay tumatawa
"Unnie joke lang yung sinabi ko nung una hehehehehe ang totoo kasi ay may pinapasabi ang principal natin sa ating Anim na magpeperform daw tayo BUKAS ng sayaw " sabi ni Kyla
"Hala ano bang meron BUKAS? at BAKIT BUKAS na agad eh hindi pa nga tayo nagprapractice eh" tanong ni Danica
"Unang una sa lahat Kasi BUKAS na pupunta dito si Tito Yuri at kailangan daw ay may magpeperform at pangalawa naman ay kaya ko tinawagan si Unnie na bilisan niya ay dahil kailangan panating magisip ng mapeperform" paliwanag ni Kyla
"So hindi pala tayo makakapasok sa mga klase natin kasi buong araw ay magpapractice tayo ganon ba!?" tanong ni Jhanniel
"Yes at sinabi na ng principal na excuse daw tayo sa lahat ng subject" sabi ni Kyla
"So Ano naman ang i-peperform natin?" tanong ko
"Kung sumayaw na lang kaya tayo" suggest ni Harvy
"Sige ayun na lang pero ang tanong dito anong sasayawin natin at hindi naman ako agad agad makakapag-isip agad ng choreography nagagawin natin?" tanong ko
"Eh Kung yung sinayaw na lang natin nung nakaraang taon" suggest ni Jhanniel
"SIGE!!!!" sabay sabay naming sinabi at pumunta na sa practice room dito sa school at nagsimula na kaming magpractice ng magpractice,
Ng natapos kami ay maggagabi na kaya sabi ko sa kanila maaga nalang pumunta dito sa practice room BUKAS para makapagrehears pa kami BUKAS at pagkasibi ko noon ay nagsi-uwian na kami at ng nakarating na ako sa bahay ay nakita ko na nandito na si Papa kaya binati ako
"Magandang gabi po Pa" bati ko
"Magandang gabi rin, kumain ka na Jan nagluto na ako at kumain na ako ikaw na lang ang kumain Jan matutulog na ako at oo nga pala gumising ka ng maaga " sabi niya sa akin at nag nod na lang ako pagkaalis niya ay pumasok muna ako sa kuwarto ko at nagbihis na ng pangtulog at pumunta muna ako sa kusina para kumain at pagkatapos Kong kumain ay nanood muna ako at after ng ilang oras ay naisipan ko nang matulog kaya pinatay ko na ang T.V at pumasok na ako sa kuwarto ko at humiga na sa kama at nakatulog na ako
--------
(3rd PERSON'S P.O.V)
Sawakas na karating na rin ako dito sa Pinas at baka mamaya pa dumating yung gang at ang Sicababy ko
Nauna akong umuwi dito dahil gusto ko ng makita ang anak ko sana mapatawad niya ako sa pag-iwan namin sa kanya pagnapasa amin na ulit siya ay hindi ko na siya pababayaan pang muli at magiging masaya na kami muli dahil mabubuo na ang pamilya ko
MARINNA SOOYUN KWON
Hintayin mo ako at magkikita mo na rin kami ng Mommy mo
End of P.O.V
--------------------------------------------
Hi Guy's hulaan niyo Kung sino yung naghahanap Kay marinna
yun lang and thank you for reading this story
PLEASE VOTE ♥♥♥
YULSIC_FAMILY'S