Chapter 1

10 0 0
                                    

Cayla's POV

7:30 A.M. Kailangan ko ng bumangon para agahan ang pagpasok ko sa school. Ayokong madatnaan ako ng mga tao dahil panigurado ako nanaman ang number 1 na pag uusapan sa school. Hindi ko alam kung bakit ako target nila. Wala naman akong nakikitang pagkakamali sa kabuuan ko. Waa naman akong diperensya sa utak or kahit saan. Magaling naman ako sa school kaso pati ang mga teachers ko pinag iinitan na din ako ng ulo. Buti nalang, may savior ako. Ang aking mga lokarets. Sila nalang talaga ang mga karamay ko bukod sa pamilya ko.

Nakita kong nag vibrate ang phone ko at tumatawag ang kuya kuyahan ko/bakla. Agad ko namang sinagut at baka kase sigawan pako pag pinatagal ko pa.

"Oh kuya Ced. Balita?"

["Bruha wag mokong mabali-balita jan at baka masugod kita sa kwarto mo. Bilisan mo at kanina pa kami nag aantay ng mga kapwa mo bruha dito"] Naiimagine ko kung paano nanaman niya ako iniirapan sa tuwing naiinip siya.

"Oo na eto na kikilos na ako bakla. Kung ayaw mong naiinip pwede naman kayong tumuloy muna dito at uminom ng kape."

[" Hindi na, bilisan mo nalang at baka masugod na kita jan sa kwarto at ako magbibihis sa'yo"] Hindi ko alam kung bakla ba to o lalaki. Di man lang mandiri sa mga sinasabi.

"Kadiri ka kuya. Tandaan mo bakla ka parin kaya mandiri ka naman kahit sa daliri mo lang galing." Panloloko ko.

[" Wag na madaming salita babae ka. Ang oras ko ay mahalaga kaya wag mo kaming pinag aantay dito sa baba"] Sagot niya at binabaan na ako ng telepono.

"Tss. Eh sino ba kase may sabing sunduin niyo pa ako at makisabay sakin pag pasok" bulong ko. Nung nalaman nilang napapadalas ang pagbully sakin sa school, sinimulan na din nila akong ihatid sundo sa school at sinabi ko naman na maaga nalang ako papasok at uuwi. Pumayag naman sila sa gusto ko pero pinilit parin nilang makisabay na sa akin sa pagpasok.

Pumasok na ako sa banyo at naligo. Pagkatapos ko maligo, ginawa ko na ang morning routine ko sa kwarto. Bumaba na ako at nakita ko si manang na katulong namin dito sa bahay. Naghahanda na siya ng umagahan pero sinabi kong mauuna na akong umalis.

"Hindi ka ba kakain muna bago pumasok?" Pahabol ni manang.

"Hindi na po manang. Sa school na po ako kakain tska naghihintay na po yung mga kaibigan ko sa labas"

"O cge. Mag iingat ka dun ha. Yung mama mo natutulog pa at maya maya pa siya aalis."

"Pasabi nalang po mauuna na ako."

Lumabas na ako ng bahay at tumambad naman sakin ang pangbabatok na gawa ng kuya ko/bakla. Nang babatukan ko naman siya pabalik, agad siyang umakto ng karate style na parang may ahas na tutuklaw sayo.

"Ano bang ginawa mo at napakatagal mong bumaba? Hilain ko brace mo eh."

"Eh bakit ba reklamo ka ng reklamo?" Sagot ko sa kaniya. "Lika palit tayo ng kaluluwa. Magiging Cayla Santos kana at ako na magiging baklang Cedrick Joshua Perez."

"Magsasagutan nanaman kayo jan?" Singit ni Ashley kasama ang kakambal niya na si Sheila. "Pumasok na nga kayo sa sasakyan kung ayaw niyong masagasaan ko kayo kung di pa kayo titigil."

"Good morning Sheila." Bati ko sakanya
"Good morning din Cayla. Alam mo bang napanaginipan ko yung chinito na sinasabi ko say—-."
"Bati lang Sheila." Pagpigil ni kuya Ced sakanya habang pinasubo kay Sheila ang isang buong pandesal sa bunganga niya habang kami ni Ashley ay natatawa na umiiling nalang.

Si Ashley De Pastro ang parang nanay nanayan namin. Si Sheila De Pastro naman ung tahimik lang pero wag ka, pag nagsimula yang magsalita hindi mo na mapapatigil yan. Si kuya Ced naman ang kuya kuyahan ko na baklang malandi. Lahat na ata ng Senior boys sa school namin eh pinagnanasahan niya. Pero nagpapasalamat ako kase nakilala ko sila.

Nakarating kami sa school ng walang galos sa katawan ni Kuya Ced ang maarteng bakla na kala mo'y napakakinis ng balat, puro naman libag ang katawan hahaha.

"Punta muna tayo sa Caf. Tutal sarado pa naman yung classroom" Panimula ko sakanila. Sumunod naman sila saakin at umorder ng pang breakfast meal. Umupo na kami sa dulo kase dun ang pwesto namin. Wala pang may sumubok na umupo doon dahil pwesto daw namin yun. Eh ano ngayon? Kadiri na ba kami?. Tsk.

Nagsimula naman mag kwento si Sheila tungkol sa napaginipan niya dahil ito kaseng si Kuya Ced muntanga, nag open up pa tungkol sa chinitong crush niya sa Senior High at ito namang si Sheila, walang tigil kakakuwento sa nangyari saknila nung chinito din sa panaginip niya. Kitang kita naman sa mukha ni Kuya Ced na naririndi na siya and si Ash naman walang pakialam. Ako nalang tuloy ang nakikinig saknya kaya wala sa oras na hinanda ko ang tainga ko para sa babaeng toh.

"Tapos nahawakan ko yung kamay niyaa!!! Potah ang lambot para—" udlot na sabi niya.

"Paano mo mahahawakan? Panaginip yun gaga!!" Sabay batok kay Sheila na halos masubsob na sa lamesa sa lakas ng epekto ng batok.

"Kung ayaw mong makinig bakla ka" Sabay tayo at hablot ng sapatos ay aktong ibabato na sa bakla. "Lumayas ka dito tangina ka!!" Dugtong nito.

Napatingin naman dito ang mga grupo ng kababaihan na akala mo'y clown sa kakapalan ng mga make up. Nakataas nanaman ang mga kilay na parang sinasabit sa sampayan at hindi masungkit sungkit.

"Look whose making noise here. Ang aga aga nakakabingi ang mga boses." While nakapamewang sa bewang na parang size 12 lang.

Binato naman ni Ashley yung headset na napulot niya kanina sa daan doon sa grupo nila Mika na panay ang reklamo sa kaingayan namin kuno.

"Ayan! Mag headset ka para di mo marinig. Wag kana din mag ingay, para kang daga na naistock sa sticky rat traps." Pambabara ni Ashley sakanila.

Si Mikaela Concepcion, ang leader ng grupo ng mga Clown ay este grupo ng mga babaeng bully sa school kasama ang kaniyang mga apat na alagad. "Don't mess up with me" ang kota nya. Mayaman ang pamilya nila i know at yun ang ginagamit niya na nagpapalakas sakniya at kapag nagalosan ang kaniyang balat, ihanda mo na ang pera mo pampagamot sa kaniyang Oh So Kinis Skin.

Umalis na kami doon dahil nagsisimula ng mapuno ng mga estudyante ang cafeteria. Tumambay muna kami sa garden na kami lang din ang nakakapunta.

"Natahimik ka?" Tanong sakin ni Kuya Ced. Napatingin naman sakin sila Ashley at Sheila na nacucurious din. "Wala." Maikling sagot ko sakanila pero parang di sila naniniwala sakin.

"Natatakot ka dahil nagsisimula nanamang manakot yung mga human clown na yun? Naandito naman kami eh. Tska kung wala man kami sa tabi mo, matuto kang ipagtanggol sarili mo dahil hindi sa lahat ng oras kami ang poprotekta sayo." sagot ni Sheila.

Napabuntong hininga nalang ako. Sa katunayan ayaw kong manlaban sa kanila dahil alam kong lalala lang ang magiging sitwasyon. Kung lalaban ako, mas guguluhin lang nila ako.

Tumayo na kami at pumunta sa classroom. Inaasahan kong magbubulungan nanaman ang mga klasmeyt ko at ako ang pag uusapan at tama nga hinala ko. Hindi ko naririnig ang usapan nila pero alam kong ako talaga ang topic nila. Hindi man nila sinasabi pero un ang nakikita ko sa mata nila na masama ang tingin sakin.

Pinandilatan nalang sila ng mata ni Kuya Ced na siya namang bahagyang ikinatuwa ko. Umupo nalang kami sa dulo at hinayaan ang mga matang nakatingin sakin. Kung magiging assumera ako eh iisipin kong they're just insecure because of the beauty that i have.

Nakinig nalang ako sa teacher ko at hinayaan ang mga bubuyog na nagbubulungan parin nang may pumasok na limang babaeng rainbow.

Bakit sila nandito?

Innocent AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon