Cayla's POV
Pumasok ang mga grupo ng babae sa aming silid. Hinanap ako ni Mika at saka ngumisi. Hinarap niya ang aming guro atsaka ngumiti ng matamis.
"Ms. Concepcion, magandang umaga. Ano ba ang maitutulong ko sa inyong apat?" Tugon ng aking guro sa kanya.
"Gusto kong lumipat ng section. At itong section na ito ang napili ko". Saka tumingin saken. Napabuntong hininga na lamang ako dahil alam kong gusto lang nila akong pagtripan. Gagawa at gagawa sila ng paraan para lamang pagtripan at guluhin ang buhay ko.
"Ito ba'y ipinaalam ninyo sa inyong guidance counselor?". Pagtatanong ng aming guro sa apat. "Kase kung hindi pa, hindi kayo dapat pa naandito. Pumasok muna kayo sa inyong mga klase bago kayo lumipat rito". Pang uutos niya.
"Pero Ms. De Leon, dito lang din naman ang pupuntahan namin after naming ipaalam sa guidance ang paglipat namin. Ayaw mo nun? Advance kami sa inyo at useless din ang pagtuturo ng teacher dahil we will be no longer staying there for good". Saka ngumiti ng peke.
"Okay, okay. Nauubos ang oras natin. Humanap na kayo ng mauupuan at maupo. Ms. Concepcion, just please don't make any troubles here. Please".
Tumango na lamang si Mika at dumiretso sa gawi ko. May bakanteng limang upuan sa likuran ko at doon sila naupo. Tinapik niya muna ako ng bahagya sa pisngi bago tuluyang naupo sa kanyang upuan. Rinig ko naman ang hagikhikan ng tatlo sa ginawa ni Mika sakin.
Wala na lamang akong nagawa kundi ang bumuntong hininga at makinig sa aming guro. Hindi ako makapag focus dahil sa pananadyang pagsipa sipa ni Mika sa likuran ko. Halos nadudumihan na ang laylayan ng uniporme ko at ng bag ko. Sarap siguro nito putulan ng paa kaso mabait ako sa mga hayop.
"Kumuha ng isang pirasong papel dahil magkakaron tayo ng short quiz. Ang makakuha ng 15 points pataas ay ang mauunang makakalabas sa silid na to at maagang mag lulunch". Anunsyo ni Ms. De Leon.
Kinuha ko na sa bag ko ang isang pad ng papel at walang balak bigyan ng mga papel ang mga clown sa likuran ko. Sila lang ang mga estudyanteng mayayaman pero hindi makabili ng tawas at papel.
"Hoy! Penge nga kaming apat rito sa likuran. Wag kang madamot". Habang sinasabunutan ako sa ulo. Sinabing wala akong balak pero sobrang sakit naman ng paraan nyang pag hawak sa buhok ko. Bibigyan ko na sana siya ng apat na pirasong papel kaso may pumigil sa kamay ko.
"Miss, wag mo siyang bibigyan hangga't hindi siya humihingi sa maayos na paraan". Saka siya humarap kay Mika. "At kayo, kanina ko pa kayo napapansin e. Ganyan ba kayo pinalaki ng magulang niyo o sadyang mga hayop lang kayo na hindi marunong makisama sa kapwa niyo tao?" Bulong niya sa apat. Binitawan naman ako ni Mika na halos masubsob na ako sa lamesa ko. Walangya talaga.
"Sino kaba? Obviously, bagohan ka lang rito kaya dimo kilala kung sino binabangga mo." Pag aangas niyang sagot. "Tsk. Miss, kung gusto mo namang nirerespeto ka ng mga tao, dapat ganun ka rin". Pagsasagot ng lalake pabalik. "Gusto mo pala ng papel e, ba't di ka humingi ng maayos?"
"Dahil gusto ko ng papel". Sagot ni Mika. "Hihingi ako sa paraang gusto ko".
"Gusto mo bigyan kita ng isang pad para di ka makanakit ng kapwa mo estudyante? Hindi na kapwa tao ha kase parang di ka naman tao e." Pang aasar niya kay Mika.
"Tao ako!" Pagsigaw niya kaya't naagaw ang atensyon ng mga kaklase ko sa pagitan nila Mika at ng bagohang lalake.
"Anong nangyayare diyan? Ms. Concepcion! Hindi ba't sinabi ko naman na wag kang manggugulo rito? Umupo na kayo dahil kung hindi, hindi na kita palalabasin dito sa subject ko". Pang uutos ni Ms. De Leon. Kinuha naman ng lalake ang isang buong pad niya saka niya binigay kay Mika at ngumiti ng bahagya.