Kabanata Tatlo:Next Target

2 1 0
                                    

Dayserei's pov.

Nakarating na kami dito sa makati kung saan ang may napatay.

Nakita na namin ang katawan ng babae,muntik na nga akong napasuka dahil sa nakita ko.
Isa lang ang masasabi ko walang awa ang may gawa nito.

Napakabrutal ng pagpatay dito sa babae,tadtad ng saksak pati mukha hindi mo na ito makikilala,nakalabas na pati dila nito mukhang sinakal pa ito.

Akala ko magiging parehas naman ito sa naunang mga namatay,pero hindi pala.
Mas grabi na ito,psycho yata ang may gawa.

'Nakilala na ba kung kanino ang katawan na ito?'

Tanong ko sa mga naunang pulis dito,yung ibang pulis naman ay tinitingnan kong may mga naiwang bakas ang killer.

'Hindi pa ho ma'am'

Sagot sakin,nakita ko namang lumapit na si parts doon sa ibang pulis para magtanong.

Kaya linapitan ko nalang ang bangkay ng babae,naka surgical mask naman ako para hindi ko maamoy,at naka gloves.

Tiningnan ko ng maigi ang katawan ng babae,
Wala talaga makikita kahit ano mangbakas ng killer,napakatalino ng may gawa nito.

Habang iniinspect ko ang buong katawan niya ay may nahagip ang mata ko.
Isang panyo?
Isang panyong kulay pula na akala mo dugo,o baka dugo talaga?.

Kinuha ko iyon at tiningnan ng maigi,dugo nga.
Parang may kaparehas ng panyong ito ah?hindi ko matandaan kung kanino ko iyon nakita pero pamilyar talaga sakin ang desenyo na nakalagay dito.

'Ano yan?'

Nabigla ako ng may nagtanong sakin kaya naihulog ko ang hawak kong panyo.
Si parts pala.

'Obviously panyo ito'

Sagoy ko na natatawa.

'Ewan ko sayo parts'

'Oh anong balita?sino daw ang may ari ng katawan?'

Tanong ko nalang sakanya.

'Primary suspect natin sa pagkamatay ng mag asawa noon'

'What?'

Bigla kong sagot.
Kung siya ang pumatay,bakit ngayon napatay na siya?
Sino ba talaga ang killer na ito.

*
Banjo's pov.

'Any lead?'

Agad kong tanong dito sa isang kasamahan ko.
Sila kasi ang nauna samin kaya alam kong may alam na sila dito.

'No sir.pero yung primary suspect po natin sa pagpatay sa mag asawa.'

Ha?tagal na yun ah,pero hindi pa din namin matukoy kung sino ang killer,hindi pa din namin nahahanap ang ex ng lalaki.

'So,anong meron doon?'

Tanong ko

'Siya po ang nag mamay ari ng bangkay'

Nakayukong sabi niya sakin.
Paano ngyari yun.
Siya ang pumatay sa mag asawa pero ngayon siya na ang napatay.

Hindi nalang ako sumagot at napatingin naman ako kung saan si parts ngayon,nasa may bangkay pala siya.
Agad akong lumapit ng may nakita siyang isang panyo.

'Ano yan?'

Tanong ko dito.
Kaso binalang naman ako sa pagsagot.

Nang sinabi kong ang nagmamay ari ng katawan ay ang suspek namin sa pagpatay sa mag asawa ay nabigla siya.

Alam ko naman kasing gusto na naming mahuli ang pumapatay pero mukhang pinaglalaruan pa kami..

**
Jean's pov.

'Ano na naman ba ito jean ha?ang baba ng mga grades mo,pinapaaral ka namin,nagtatrabaho kami para mapag aral ka tapos ito lang ang maibibigay mong grades samin.75?'

Galit na sigaw sakin ni mama,sanay na ako diyan lagi naman eh.
Lalo na pag nalaman pa ito ni papa tiyak bugbug na naman abutin ko nito sa kanya.

Ano bang magagawa ko kung mahina utak ko,buti nga may 75 pa eh.

Lumabas na si mama ng kwarto pagkatapos niyang sabihin iyon.

*Beep Beep*

Napatayo ako bigla ng marinig kong may nagbusina,andyan na si papa lagot na naman ako nito.

Rinig na rinig ko ang pagsumbong ni mama kay papa tungkol sa nakuha kong grade.
Ganyan naman lagi sila eh ako nalang lagi.

'Jean'

Sigaw ni papa mula sa baba,

Natatakot na ako,
Hindi ko alam gagawin ko.
Ayukong bugbugin naman ako ni papa,ayuko ng magkapasa

Natingin ako sa may bintana namin.


Andito na ako sa park ngayon nag siswing lang.
Ayoko munang umuwi,natatakot pa ako.

Oo lumabas ako at sa bintana ako dumaan rinig ko pa nga ang sigaw ni papa eh.

Napaiyak naman ako sa naisip ko,ayoko na ng buhay na ito,nakakasawa na ,minsan naiisip kong mas mabuti nalang sigurong mawala na ako.

Patuloy lang ako sa pag swing dito sa park habang tumutulo ang mga luha ko.
Hindi ko mapigilang kamuhian sila,bakit sila ganoon?diba dapat sila pa ang mag motivate satin para maging mataas pa ang grades natin.
Pero sila pa ang unang nanghuhusga sayo.
Napaka unfair.

   'Sayo na lang tong panyo ko'

Napatingala ako sa taong naglahad ng kanyang puting panyo.
Pagkakuha ko nuon ay nakita ko siyang ngumisi ng nakakakilabot,pero hindi ko nalang ito pinansin at pinunasan ko na lamang mga luha ko.

***

Enjoy reading
Sorry sa typos

PANYO KO, BUHAY MOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon