Dayserei's pov.Papunta na kami ngayon sa bahay ng mga salvador, nakapagreport sila saamin dahil umalis daw ng bahay ang kanilang anak na babae at hangang ngayon ay hindi parin umuuwi.
24hrs bago namin hahanapin si jean salvador baka sa barkada lamang kasi siya natulog.
'Buti naman dumating na kayo, please tulungan niyo po kaming hanapin ang anak namin'
Pagmamakaawa sa amin ng ina pagpasuk namin sa kanilang tahanan.
'Opo tutulungan namin kayo, pero bago yun pwede ba naming malaman kung anung nangyari bakit siya umalis?'
Tanong ko sa kanila, dahil hindi naman yun aalis ng basta nalang na hindi nagpapaalam sa magulang at hangang ngayon ay hindi pa umuuwi.
Tumingib ang babae sa kanyang asawa na para bang humihingi ng permiso kung sasabihin ba nito.
Tumango na lang ang lalaki bilang sagot.'Pi-pinagalitan ko lang naman yung anak ko dahil sa mababa yung nakuha niyang grades'-pagputol sa sinasabi dahil umiiyak na ito.'hindi ko namang aakalain na maglalayas siya ng ganoong gabi na, dumating ang asawa ko at sinabi kong mababa nga po ang grades na nakuha ng anak namin, kaya galit na tinawag ng asawa ko si jean pero hindi parin po lumalabas, kaya ayun po inakyat nalang namin sa kwarto niya ngunit wala na po siya doon'
Paliwanag ng ina habang umiiyak.
Hindi kaya natakot ito sa gagawin ng kanyang ama kung kaya't umalis siya.
:&(:('May iba pa siya sigurong kinakatakutan, bukod sa pagalitan niyo siya ginang?'
Tanong naman ni banjo, na minsan lang ito magsalita sa mga ganitong pangyayari kung kaya't alam kong maay ipinupunto pa siya at parehas kami ng iniisip.
Nagkatinginan ulit ang mag asawa pero sa oras na ito ay ang ama na ang sumagot.
'Sinasaktan ko siya kapag mababa ang nakukuha niyang grado sa eskwelahan'
Nakayukong sabi ng ama saamin.
Tama nga kami, sinasaktan niya nga ito. Kya naman pala umalis dahil sa pananakit nito.'Hindi niyo dapat iyong ginagawa ginoo, dapat nga pinagsasabihan niyo lang siya ng makapag motivate sakanya para tumaas ang kanyang grado hindi yung sinasaktan niyo siya'
Singhal sa mag asawa ni banjo, kaya pinigilan ko na lamang siya baka may masabi pa ulit.
'Hindi naman namin sinasadya iyon huhuhu'
Iyak na sabi sa amin ng ina.
Ako na lang ang sumagot dahil baka magsalita na naman si banjo ng hindi dapat.'Sa susunod po, huwag niyo ba sanang uulitin iyon dahil may kaso na po tayo para diyan. Hindi dapat sinasaktan ang anak'
Mahinahong sabi ko sakanila, sa totoo lang pwede silang makulong dahil sa ginagawa nilang pangsasakit sa anak pero may chance pa naman na magbago sila, kaya dapat mahanap na namin si jean.
'Patawad Ma'am, hindi na po mauulit. Sana tulungan niyo parin po kaming mahanap ang aming anak'
'Tutulungan parin po namin kayo sa abot ng aming makakaya.'
Tugon ko sa kanila tumayo na kami ni banj upang magpaalam sakanila.
'Salamat po sa inyong cooperasyon, aalis na po kami.'
Paalam ko at nakipagkamay sakanila, ganoon din ang ginawa nj banj kahit hindi na siya umimik pang muli.
'Anong unang gagawin natin?'
Tanong ko agad kay banj pagkalabas namin sa bahay ng mga salvador.
'We will just wait the 24 hours'
Nakangising tugon niya, pero hindi ko nalang iyon pinansin.
Anong bang binabalak niya, ngayon ko lang siyang nakitang naging ganito.**
Jean's pov.
'Asan ako?'
Agad kong tanong ng mapagtanto kong nasa isang kwarto ako.
Paano ba ako napunta dito?
Ang natatandaan ko lamang ay nasa isang park ako,tapos may isang lalaking nag abot sakin ng panyo at?
Oh My gulay?
Wahhhhhh yung lalaki?
Siya ang nagdala sakin dito.Napaakip nalang ako sa bibig ko dahil sa mga iniisip ko.
Hindi naman siguro ako gagahasain diba?
Wahhhhhhh gusto ko ng bumalik sa pamilya ko,kahit bugbugin pa nila huwag lang akong marape.'Gising kana pala?'-nakangising tanong nito saki kaya naman na pa tayo ako dahil sa gulat.
'Anong ginawa mo sakin?sino ka?'
Kaagad kong tanong sakanya, ngunit nakangisi lamang ito na nakapagpataas ng balahibo ko.
Hindi ko lubos maisip na ganito ang mangyayari sa akin, sana hindi nalang ako umalis ng bahay.'Huwag kang mag alala binibini, nais ko lamang tulungan ka dahil sa pagmamalupit ng mga magulang mo saiyo.'
Sinasabi niya iyo sa akin habang palapit sa kinatatayuan ko.
Paano niya nalaman ang problema ko?
Sino ba talaga siya?'Paano?'
Agad kong tanong, hindi na ako nah isip pa kung bakit niya ako gustong tulungan.
BINABASA MO ANG
PANYO KO, BUHAY MO
Horror'Ito gamitin mo' Napatingin ako sa nag salita at kinuha din ang kanyang iniabot sakin,Isang panyo,panyong puti kaya pinunas ko na iyon sa mga luhako .'tha---'hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil na wala na siya sa kanyang puwesto kanina. Pagti...