Chapter 1

13 0 0
                                    

It's been a year.

And this day this is our Third anniversary.

"Babe nasan kana? " kausap ko sa cellphone si Darius. Hinihintay ko kasi sya dito sa may mall.

Naka suot ako ngayon ng dress na medyo maikli talaga. Nag heels narin ako pero hindi gaano mataas.  Nag ligay din ako ng make up kahit di ako marunong na marunong. Aaminin ko hindi ako sanay sa mga ganito.

Pero para sa kanya gagawin ko ang lahat.

Gusto ko namang mag mukhang presentable sa mga tao lalo na sa kanya. Anniversary namin ngayon kaya pinag handaan ko talaga.

"Gianna! I'm here" sabi ng isang lalakeng mukhang fictional character haha.

Pumasok na ko sa kotse nya at nginitian sya.

"Kanina kapa ba?" tanong nya. Napatingin naman ako sa kanya. Ayan na naman yang ngiting yan, bakit ka ganyan Darius ha?

Bago ko pa sya masagot. Naramdaman ko na ang mga labi nya sa labi ko. Pero mabilis lang kasi nasa public place parin kami.

"I miss you" he said while smiling.

"I know" i said na parang inaasar sya.  Napa ngiwi naman sya na parang natatawa sakin.

"Saan pala tayo pupunta?" tanong ko habang nag didrive sya

Pero napatingin sya sakin o sa suot ko?  Parang nainis sya na ewan.  Bumaba sya ng kotse at pinababa rin ako. 

May kinuha syang kung ano sa likod ng sasakyan.

"Bakit may problema ba? "

Nagulat ako ng ilagay nya sa bewang ko ang black na jacket nya. Habang naka ngiti na ewan.

"Teka anung ginagawa mo? "

"Pinoprotektahan ka. Hindi mo naman kailangan mag suot ng mga sexy na damit para mabighani mo pako"  sabi nya habang naka ngiti o nakangisi?

"Teka hoy! Hindi ako nag susuot ng sexy na damit" sigaw ko

"Talaga? Eh ano toh ang ikli kaya ng dress mo" pang asar nya pa

"Naka heels kapa"

"Bakit masama ba? " napa buntong hininga naman sya

"Hindi ka sanay sa ganyan" sabi pa nya.

"Edi sasanayin ko" bwelta ko pa

Lumapit pa sya sakin at tinignan ako. Tapos ayan na naman yung ngiti nya.

"Alam mo gianna. Hindi mo kailangan gawin pa yan. Kahit mag mukha kapang bruha o lusyang, kahit pa basahan lang ang suotin mo. Sayo at sayo parin ako maakit"

"Sayo lang ang mga mata ko" tinuro nya ang mga mata nya habang naka ngiti.

"Isipan ko" tinuro nya naman ang ulo nya haha.

"Lalong lalo na ito" sabay hawak nya sa kamay ko at itinapat ito sa dib dib nya.

Hindi ko ma explain kung anong nararamdaman ko ngayon.
Ang alam ko lang, masaya ako kasama sya.

Sino bang mag aakala na magugustuhan ako ng lalakeng toh?

Sa tuwing kasama ko sya, pakiramdam ko ako ang pinaka ma swerteng babae sa buong mundo.

Sa tuwing hahalikan nya ako sa labi hindi ko mapigilang kiligan na para bang highschool student palang.

Sa tuwing yayakapin nya ako at hahawakan ang mga kamay ko.  Pakiramdam ko ligtas ako na walang mangyayareng masama kapag nandyan sya.

"Darius... " malambing kung sabi

"Yes babe? " ngisi nya pa

"Ang corny mo" sabi ko ng natatawa tawa pa.

Bigla naman syang sumimangot.

"Ano?? Pinag handaan ko kaya yung linyahang yun tssk" sabi nya  na para bang naiinis.

"Oh sya sorry na hahahaha"  tawa ko pa at sinamangutan nya naman ako na para bang nag papa cute.




Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 19, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Never had youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon