2

965 60 10
                                    

"B?" Natameme ako sa sinabi nya, di ko alam kung san kami pupunta, pero mukang sa Tagaytay kami, pupunta.

"Whiwhi, sa dating tagpuan nyo, andun siya ngayon. Hinihintay ka. I-drop off lang kita dun." She said finally.

I knew where it was, Java Jazz Cafe in Tagaytay. My heart was beating triple time, hindi ako mapakali.

"B, I don't know what to say. Kinakabahan ako. Pero higit sa lahat, nasasabik akong makita siya." Pag-amin ko kay Bianca na ngayon ay nagmamaneho pa din.

"Whi, remember the times na nag-iiyak ka? Dahil biglang hindi ka na nya pinapansin?"

"Yes, B. How can I forget it? Sobrang sama ng loob ko nun sa kanya." I said it to her na may pag-aalinlangan.

"Wag mo nang uulitin yun, kagagahan na yun." sabay ngumisi siya at biglang hagalpak ng tawa.

"Ugh, B! Akala ko pa naman, may i-aadvise ka." I pouted at her.

"Biro lang, Whiwhi. Basta try to listen to her, wag kang magpadala sa galit at tampo na nariyan sa puso mo, hear her out at kung ano man ang desisyon mo, matatanggap nya." she smiled

After one more hour of driving, we reached Tagaytay. Niyakap ko muna si Bianca bago ako tuluyang bumaba ng sasakyan niya.

"Thank You, B." I smiled at her.

"Welcome, Whiwhi. Sige na go na. Andyan na ang princess charming mo, hinihintay ka na." Sabay tawa nya.

Napailing na lang ako sa kanya at tsaka ako naglakad papasok sa cafe. Sinipat sipat ko ang paligid, sa dulong corner, kung saan kami laging nauupo, andun sya naka-upo. Nakatitig sa kawalan, suot ang kanyang black na wayfarer shades at hoodie.

Tila natutulog ito, naisip ko, pagod ata sa taping at kakahintay na din siguro sa akin. Agad ko nang tinungo ang table kung saan sya nakaupo. Pag-lapit ko, tsaka ko siya napansin na nagpahid ng luha.

"Hi, I thought you didn't want to see me na. I sent you a message on your Instagram at sa facebook mo, pati sa viber mo. Pero ni hindi mo man lang sineenzone." Sabi nya sa akin na may himig ng pagtatampo.

"Uhm, sorry, I wasn't online. You could have sent me a text or called me, you know?" I answered her as I took a seat across her.

"I should have. Yes. Kaso hindi ko sure kung sasagutin mo o kung nakablock na ba ang number ko." sagot naman nyang may pag-aalangan.

"I would never do that." sagot ko na sa kanya.

Maya-maya pa ay may waiter na lumapit sa amin, para iserve ang mga pre-ordered nyang food at coffee.

"Kumain muna tayo, please. Gutom na gutom na ako." mahina nyang sabi.

Tumango lang ako sa kanya at tsaka ko siya tinignan ng mataimtim.

"Talagang, hindi mo tatanggalin yang shades mo habang kumakain?" mahina kong sita sa kanya.

Agad naman siyang napatigil at nagtaas ng tingin sa akin. Tinaasan ko naman siya ng isang kilay ko, mukha kaseng ayaw nya tanggalin nang makita naman nya ang pagtaas ng isang kilay ko ay dali-dali naman nyang hinubad ang shades nya at yumuko't nag-iwas ng tingin sa akin.

Natatawa ako sa ikinikilos nya, she was very careful, it was as if she was scared to do anything that will hurt us both, kilala na nya ako, medyo sensitive din ako minsan eh. Pero pag nagalit naman ay kala mo dragon na hindi mo mapa-amo. Beast mode talaga. Namumugto ang mga mata nya, halatang galing lang sa pag-iyak.

Napailing na lang ako sa kanya, bago ako sumubo ng pagkain, she ordered us our favorites, Ham and Bacon Breakfast Platter, Pandesal Special na may palamang Kesong Puti at dalawang baso ng cold coffee.

Dating TagpuanWhere stories live. Discover now