3

1K 61 2
                                    

The most overwhelming feeling is to have the love of your life, tell her parents that she doesn't want to lose you, that she will fight for you. After all it takes a lot of courage for you to finally set the record straight. Pero ang nararamdaman ko ngayon ay labis na pagka-overwhelm, in love and happiness.

Yakap ko pa din si Glaiza habang nakaluhod kami at nag-iiyakan. Nang tumigil na ako sa pag-hikbi ay siya namang pag-tayo ni Glaiza, inilahad nya ang kamay sa akin, kinuha ko ito at muli kaming nag-yakapan.

Nanunuod lang sila Nanay at Tatay habang sila rin ay naiiyak na, I quickly stopped crying after realizing na nakakahiya na kela Nanay at Tatay.

"Love, enough crying please. Umoo na nga ako eh." Masuyo kong pinahid ang mga luha nyang umaagos mula sa mata nya.

Tatawa-tawa naman din niyang pinahidan ang kanyang mga luha.

"Mahal naman eh, siyempre, di mo maiaalis sakin ang maiyak sa tuwa."

"Ay sus, nambola ka pa love love." natatawa kong tugon sa kanya.

Agad ko siyang hinalikan sa kanyang pisngi bagay na ikinapula ng buo nyang mukha. Ang cute nya talagang kiligin.

"O pano, mga anak, maiwan na muna namin kayo ng tatay nyo." Sambit ng nanay ni Glaiza.

Nagpaalam na kami sa kanila at inihatid sila ni Glaiza sa pintuan. Naiwan akong naka-upo sa couch. Napapangiti pa din ako sa mga pangyayari. Glaiza, went back to sit on the couch with me.

"Love, thank you for being very bold and brave today." I said as she hugs me from the side.

"Para sa'yo mahal ko. Lahat gagawin ko wag ka lang mawala ulit sa akin." as she held me tight in her arms.

"Hindi pa din ako makapaniwalang magiging Mrs. Galura na ako."

"Maniwala ka, mahal ko. For keeps na tayo, may forever sa RaStro." Natatawang sabi sa akin ni Glaiza.

Natawa na lang din ako sa itinuran nya sa akin.

**********************
A few months later

"Excited ka na ba mahal ko?"

Tanong sa akin ni Glaiza. Aattend kase kami sa isang presscon upang ibunyag ang tunay na estado ng relasyon namin. Napagdesisyunan naming umamin na sa mga Rebel Babies namin at sa harap ng buong Pilipinas at Mundo.

"Yes, love. Matagal ko nang hinintay to. Ang sabihin sa buong mundo na magiging Mrs. Rhian Denise Howell - Galura na ako." nginitian ko naman siya ng malapad. Nakausap na namin ang aming mga management teams.

Noong una ay ayaw nila ang pag-amin namin. Pero tulad nga ng sinabi ko sa kanila, malalaman at malalaman din nila. Ayaw ko lang magtago sa mga fans namin, alam ko namang hindi lahat ay matatanggap kami ni Glaiza, pero ayos lang sa akin. Hindi naman kami nabubuhay para diktahan nila.

Ang mahalaga, both of our families supports us. We held hands the entire ride going to the hotel kung saan gaganapin ang pa-presscon namin. I held her hand tighter at naramdaman ko naman ang pag-kalma nya.

"Love, ikaw ata ang kinakabahan." natatawa kong sabi sa kanya.

"Mahal ko, natatakot lang ako na mawalan ka ng mga projects. Alam ko kase mahal mo talaga ang trabaho mo."

Tinignan ko siya ng matama at natawa ako sa kanya.

"Love, Rhian Ramos will be fine with out the spotlight at si Rhian Denise Howell, handang-handa na maging Mrs. Galura. No project or meron, I still have you. I win anyway."

"Mahal ko, ang swerte ko talaga sa'yo. Pengeng kiss nga dyan." Nagpapacute nanaman siya.

I pulled her in for a gentle kiss on her lips. Agad din naming pinutol ito, dahil nasa venue na kami. Pagbabang-pagbaba namin ay agad kaming sinalubong ng mga fans, press people and other paparazzi. Nakayuko kami ni Glaiza na naglalakad. May mga management team kami na pinalilibutan kami, para di kami makuhanan ng picture.

Dating TagpuanWhere stories live. Discover now