Nagising ako dahil sa pagdampi ng malamig na hangin sa aking katawan. Nakita kong nakabukas pala ang bintana ng aking kwarto.
Nilapitan ko ito para isara. Ewan ko kung bakit pero naramdaman ko na lang ang sarili ko na dumungaw sa bintana.
Kinilabotan ako sa aking nakita.
Kulay dugo ang kalangitan.
Ngayon lang ako nakakita ng ganito sa tanang buhay ko.
Nadagadagan pa ang kilabot ko ng marinig ko ang malakas na mga alulong ng mga aso.
Bigla ko isinarado ang bintana at bumalik sa aking higaan.
Alam kong hindi ako dapat matakot pero hindi ko maipaliwag ang aking nararamdaman.
Biglang tumigil ang ingay sa labas, pinakikiramdaman ko muna.
Nang maramdaman kong wala nang ingay sa labas, kusang kumilos ang aking mga paa palabas ng kwarto.
Naglakad ako pababa sa hagdan at tinungo ang pintuan palabas ng bahay.
Immanuel..
Narinig kong may bumubulong sa akin.
Immanuel...
Unay mahina ngunit nang di kalaunay unti-unting lumalakas.
Immanuel...
Binuksan ko ang pinto at nagtungo sa kalye ng aming subdibisyon. Wala akong nakitang kahit ano. Ngunit nakapagtataka dahil walang ni isang bahay ang nagbubukas ng ilaw.
Tanging ang liwanag ng buwan ang nagbibigay liwanag sa paligid.
Immanuel...
"S-sino ka?" nauutal kong tanong.
Immanuel....
Nagpalingon lingon ako sa paligid pero wala akong nakita.
"S-sino yan?"
Immanuel...
"Hoy! Gabriel. Gago ka rin talaga eh ano! Lumabas ka dyan kung ayaw mong hindi na kita tutulungan sa mga assignments mo."
Naisip ko ang bestfriend ko. Siya lang naman kasi ang alam kong maaaring mantakot sa akin ng ganito eh.
Immanuel...
"Hoy! Lumabas ka na nga dyan! At saan mo naman nkuha yang pangalan na yan! Ambaduy bro sobra!"
Immanuel...
Paglingon ko sa bahay namin may naaninag akong pigura ng isang taong nakatayo sa may pintuan. Unti-unti syang lumalapit sa akin.
Nanlaki ang mga mata ko at mas lalo pa akong kinilabotan ng makita kong hindi sya naglalakad at hindi nakapatong ang kanyang mga paa sa lupa.
Immanuel.. Halika.
Sobrang nakakatakot ang kanyang boses. Inilahad niya ang kanyang kanang kamay. Nakasuot siya ng isang mahabang itim na damit at may hood. Para siyang myembro ng isang kulto.
"S-sino ka??"
Halika! Samahan mo ako.
Halika sa iyong kaharian.
Ikaw ang maghahari sa mundo.
Ak....