Eksprikitik 2

12 0 0
                                    

*Tinginingnginingningning

"MAGENDA!!"

Dali-dali akong pumunta ng kwarto ni Lola Pusot ng sumigaw sya.

"Lola! Ano po iyon?" Sabi ko ng makita ko syang nakaupo sa kanyang papag.

"Paabot nga ng remote ng TV. Bilis! Ambagal! Yung inaabangan kong K-drama'ng si Lee MinHo!" Lintik na gurang ito kala mo walang paa at kamay! Kala mo naman may asim pa, kulubot nanaman ang balat. Nakasimangot kong kinuha ang remote ng kanyang Adidas Limited edition TV.

"Ano ba kasing K-Drama yan!?"

"Goblin."

Binato ko sa kanya ang remote.

*********

"Ate naman sige na, matagal nanaman akong bumibili sayo ng shoktong ah. 150 nalang ang mahal naman ng 180 mo." Ang hirap naman makipag tawaran sa huklubang ito, Napahawak ito sa kanyang sintido na tila iniisip kung bumili ako sa kanya.
*Finger cross*

"Eh hendi pwidi maluge ako day a'y, Sampo lang tobu ko dyan." masungit na sabi ng matanda, napakamot ako sa aking ulo at nagmamakaawang tumingin sa kanya.

"Sige na po ale lagi naman po akong bumibili ng shoktong sa enyu ah. Sige na po 200 nalang ang kwarta ko bibili pa po ako ng bigas at ulam ng anim ko pang kapatid." maluha-luha kong sabi sa kanya, mukha namang gumana dahil mukhang naaawa na ang kanyang tingin.

"Owh syah gise, 150 nalang dats paynal!" Ayos.

"Salamat po! Mabuhay po kayo hangga't gusto niyo!"

"Aba't ang batang 'to! hala sige lumayas-layas ka diyan!" itinaboy aklo ng matanda. Ngiti ngiti akong naglakad papa-uwi habang iniinom ang shoktong na binili ko.

"Ang sarap talaga ng sho--" natigilan ako ng may sumulpot na papel sa mukha ko. Teka ano 'to?

Wanted: Personal Jalalay
Age: 18-20 yrs old
Can do list: All around House yaya.
Requirements:
Biodata
NSO
Police Clearance
Form137
Form138

Note:Dapat may asim ka pa,at kung required ka. Aba! Tumawag kana sa 099966969699.

Teka. Aba! Pasok ako dito aa!pero teka! Bakit kailangan pa ng Form137 at Form138? Sira ba ulo nila? Pero okay lang maganda naman ako eh.
Kinuha ko ang aking 3310 na cellphone latest ito simula nung 1990's.

Dialing...

Ring....

"Lohe!! Sino kabang esturbu ka! Hah!?" Chineck ko kung tama ba ang number na dinayal ko, Napakamot nalang ako sa aking ulo dahil tama naman. Siguro may tama lang sa utak ang natawagan ko.

"Hoy! Mag A-apply ako bilang magandang Yaya!" balik kong sigaw sa katawagan ko. Aba! Syempre ako din dapat makisigaw.

"Ay! Giaatay ka day! Mag A-apply ka pala! Aba! Sya sige'ng batang hayop ka! Punta ka sa Adress na ito. Chat nalang kita i-kikiss ko lang yung bebelabs ko! Babush!"

"T-teka! San-- *toot* *toot*"aba't tangina nya? Anueraw binabaan ako? Jojobagin ko toh!

*Nyihahaha*

Message:

  Punta U d2 sa B9 L69 Maharot Street, Tanginang Village,Makati City.

Sana gwapo boss para pwede landiin.

EksprikitikTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon