ANO KAYA FUTURE KO IN COLLEGE?

86 1 0
                                    

SA TINGIN NYO MAKAKTAPOS KAYA KAYO NG PAG-AARAL IN THE FUTURE? ako hindi ko alam pero binabasa ko na kung ano yung magiging future ko kapag hindi ko inayos ang pag-aaral ko...  Mahirap mag-aral… Maaring sasang-ayon sa akin lahat ng nag-aaral na nagbabasa nito, lalo na yung nasa kolehiyo… Iba ang buhay kolehiyo… Hindi ko pa nga din maikumpara ang college days ko kasi nasa unang taon pa lang ako… Iba ang College days pero magiging masaya ito kung kasama mo mga kaibigan mo…  yung tipong tinutulungan ka.. sa hirap at sa ginhawa

at dinadamayan ka sa problema.... kayo ganun bah mga kaibigan nyo? sa kin swerte  ako ng nasa buhay ko sila.. pag kakaibigang sama sama.

Hindi biro ang pumasok ng maaga araw-araw… Mondays to Fridays… Minsan hanggang Saturday pa… 4 na taon… 48 months… 192 weeks… 1, 344 days… Halos yan ang araw na titiisin mo bago matapos ang kurso… wala pang kasamang summer yan… Teka, pagpasok pa lang yan… paano pa yung iba…

Magcommute papasok… sasakay ng jeep, makakatabi ng di maganda ang amoy… o ng nagtitinda ng taho… o ng ibon na may kulay green at yellow… nagtitinda ng tuyo, tapos swerte ka pa dahil yung ale na akala yata eh palengke yung jeep bumili ng 10 pesos na tuyo, habang nilalagay sa maliit na plastic yung alamang eh nagpreno ang jeep para magsakay.. ayun tumapon sa’yo, amoy tuyo ka pagpasok mo ng first period mo, hanggang makauwi ka sa inyo… o di kaya maulanan, o maputikan sa tricycle habang nagmamadali pumasok para di malate, na kahit mukhang pinaglumaang door mat ang uniform mo dahil sa putik at kalawang ng nakakatetanong tricycle eh di mo na ininda…

Manginig ang tuhod, balakang, hita, ribs, spinal cord, talampakan, alak-alakan… idamay na din ang bungo at utak kapag ganadong magparecitation si sir at ma’am… kulang na lang eh magdikit ang baba at clavicle mo sa pagyuko wag ka lang matawag… Pasimpleng titingin sa teacher kung sino ang pinaghahandaan nyang sagpangin, este tawagin ng bwenas naman na nagtama mata nyo… dali-dali mong binaba ang tingin mo, pero huli na… Nahuli ka na.. at ikaw ang tinawag… sinubukan mong hanapin sa utak mo kung ano ba yung sagot… nabasa mo ba yun? Iniisip mo na kaya mo sagutin yung tanong… ayaw mong mapahiya… isip… isip… malamang nabasa mo yun… pero sumuko ka… naisip mo, niloloko mo lang sarili mo, ni hindi ka nga nagbasa nung nakaraang gabi.. mahirap eh.. ayaw pumasok sa utak…

Reports, assignment, project…. kahit paghirapan mo, ganun pa din naman… mababa pa din nakukuha ko… hahanap na lang ako ng gawa na… ang dami naman sa net… malamang di naman alam nila ma’am at sir na may google …. o wikepedia… dun na lang makakuha… ganun din naman yun… di naman nila yun mababasa… iisipin nila mahaba yung ginawa ko, pinaghirapan ko to.. It’s always the quantity that counts…

Quiz… Exam… hays.. magpapaquiz at magpapaexam, di naman tinuro… Exams… board type… milyong-milyong disorder… MS… pag-aralan ang makakapal na libro na makapal pa sa utak na meron ka.. kaya mas maganda pa eh gumamit ng kodigo… magsulat ng mga sagot sa maliit na papel, idikit sa panyo tapos kunyari magpupunas ng pawis, idikit sa sapatos at magkunwaring mahilig umupo ng nakadekwatro… idikit sa hita, itago sa bulsa… kung gusto mo sa mismong sclera mo na isulat yung kodigo mo… Mangopya… pasimpleng sumulyap pag di nakatingin si ma’am at sir… ang dami naman namin… di nya kami lahat matitingnan ng sabay-sabay… magsulat sa desk gamit ang sign pen… magradyo sa ibang block, kung isang block lang kayo, eh ang malas nyo… … o kumuha na lang ng special exam at magpanggap na masakit ang 3rd distal metacarpal o naramdaman na nagkaischemia ang isa sa lobes ng liver…

ANO KAYA FUTURE KO IN COLLEGE?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon