Tama ako, mahirap ang buhay college… Mahirap pero hindi sa paraan na sinabi ko sa taas… Mahirap dahil ang apat na taon na yon, ang magiging pundasyon sa susunod na mga dekada ng buhay ng tao… Mahirap dahil sa apat na taon nayun, dekada ng buhay mo ang nakasalalay…
Mahirap magcommute… Oo, lalo na kung habang buhay mo to gagawin… commute ka pag papasok ka ng trabaho (kung magkakaron ka ng matino kahit di ka nakatapos), commute pag manganganak na asawa mo… commute pag may emergency na kailangan puntahan… commute… commute… Hindi lang pagkakaroon ng sariling sasakyan ang sinasabi ko, kundi pagkakaroon ng direksyon sa buhay… Dapat ikaw ang maghawak ng manibela ng buhay mo, wag mong hayaang habang buhay kang nagcocommute at nakikisakay sa buhay ng iba na sila ang nagmamaneho… May sarili kang buhay, kaya simulan mong pag-aralang idrive to…
Wag na lang sumagot ng recitation… Pero pwede kaya yun pag lipas ng panahon… Tatanungin ka ng anak mo,
“Papa di ba dapat engineer ka, bakit yung daddy ng kalaro ko naging engineer…?”..
“Papa di ba sabi mo dapat sa bank ka nagbibilang ng pera, bakit yung tama sa tong-its binibilang mo…?...
Sa mga ganun klaseng tanong, pass pa din ba isasagot mo? Hindi nawawala ang tanong sa buhay, at hindi ko din sasabihin na dapat lagi mong alam ang isasagot sa tanong… Minsan, sapat ng alam mo na may mga bagay kang di alam, dahil posibleng maghanap ka ng paraan para malaman ito… Minsan, sapat ng handa ka… Hindi mo man masagot ng buo yung tanong, eh sinubukan mo… yun ang mahalaga…
Natatakot ka sa exam… na hindi mo naisip na mas malaking exam ang nag-hihintay sa’yo… ang buhay ay isang malaking exam… tayong lahat ang student at ang bawat buhay natin ang exam.. Hindi na siya multiple choice o true or false… lahat essay… lahat nakabase sa gagawin o hindi natin gagawin… lahat nakabase sa desisyon… walang directions, pero kailangan natin ipasa… dahil kung babagsak tayo, maaring yung mga anak natin ang magdusa… May time limit din.. iba-iba nga lang ng bilis at tagal… may mga agad natatapos… meron din naman nagtatagal… may mga di nakakatapos pero meron din nagtatagumpay agad, na may mahabang oras pa silang natira para maglibang…
Marahil nagtataka ka o naguguluhan sa mga sinasabi ko… pero isa lang naman ang gusto kong sabihin sa’yo… Seryosohin mo ang buhay kolehiyo… dahil yun ay isang paghahanda… paghahanda sa mga mas malalaki pang bagay na parating sa buhay… paghahanda para sa kung anong takbo ng buhay magkakaroon ka…
Sabi nga, ang College days daw eh parang pagsakay ng jeep, sa pag-aabang mo, madami ng jeep ang dumadaan, may mga puno na, may maluwag… maaring di ka sasakay kasi hindi yun ang pupuntahan mo… di ka sasakay kasi masikip na… minsan malilibang ka na sa pag-aabang na di mo napapansin, madaming jeep ang dumaan, kasama ang jeep na dapat mong sakyan… at madami na din tao ang nakarating sa dapat nilang puntahan dahil pinili nilang mas maagang mag-abang at sumakay ng jeep…. Nangg magdesisyon kang sumakay, tsaka mo malalaman na sa bawat minute na sinayang mo ay oras na dapat malayo ng nilakbay mo… Hanggang malaman mo na huli na, dumating ka man sa destinasyon mo… wala ka ng aabutan… dahil huli na ang lahat….
GUSTO NYO BANG planuhin ang future nyo?? kung gusto nyo mag bago na kayo at simulan ang magandang kinabukasan hindi lang para sayo. kundi para din sa magiging anak mo in the future..
ako cii xheo