Celestine's POV"Don't be deceived by his/her features. You don't know who they really are" Sabi ng aming English Teacher na si Sir Arnold bago sya umalis sa aming classroom.
Sadyang di ako ganun katalino kumpara sa ibang babae kaya kailangan kong ipasa ang Semester na ito dahil Grade 10 na ang papasukin ko sa susunod na taon.
Nagbabatuhan, Naguusap, at Nagaasaran ang aking mga kaklase samantalang ako heto nag aaral pa din. Kailangan kong ipasa ang Entrance exam upang matanggap ako sa Unibersidad na gusto kong pasukan.
*Ringggggggg
Tumunog na ang bell Takdang maari nang umalis ang mga estudyante! Lumabas na ng eskwelahan
"Celestine!" Sigaw ng isang pamilyar na boses
"Janellaaaaaaaaa!!! Ano na?! Buti naman at buhay ka pa!" Excited kong sabi sakanya
"Malamang ako pa ba?! Tara sa Bahay!" Sabi nya at hinigit ako. Kakagaling lang ni Janella sa Venice, Italy. Oo sobrang yaman ng babaeng to, Di ko nga alam kung anong okasyon ang meron sa bahay nila ngayon.
Sakay kami ng isang itim na kotse papunta sa village nilang pang yayamanin hahaha!
"Golden Village"
Village palang ginto na ang dating mga nakatira pa kaya?Pinag buksan kami ng pinto ng Driver ni Janella at eto... Nasa harap ko ang mala palasyong bahay nila Janella. Ngayon nalang ulit ako nakapunta dito. Kadalasan kasi sa bahay namin natambay si Janella.
"Good Afternoon po Tito Tita!" Bati ko sa magulang ni Janella. At binati rin nila ako pabalik.
"Anong okasyon dito?" Tanong ko habang nililibot ang bahay nila Janella. Sobrang laki at ang laki din ng pinagbago kumpara sa dati. Kakaiba ang disenyo ng bahay nila ngunit pamilyar ito. Siguro dahil sa sobrang adik ako sa Tv namin hmmm.
"Wala lang nag pakain lang si mommy" Sabi nya at umupo sa Lamesa
"May mga bisita ba kayo mamaya?" Tanong ko
"Si daddy lang meron pero mamaya pa sila so kain ka lang dyan. Enjoy!" Sabi nya at masayang masaya.
Mukhang may fiesta sa bahay nila Janella. Ang sasarap ng pagkain nila dito. May mga pudding pa. Grabe. Iba na si World.
"Janella paihi naman oh" Sabi ko sa sobrang dami kong kinain di ko alam kung iihi ba ako o tatae. Pero mukhang tinatawag ako ng kalikasan.
"Sige may CR dyan pag kanan mo umakyat ka nalang sa kwarto." Sabi nya at umakyat na.
Pati ba naman cr nila cr pang hotel. Aa yan nasa bahay ba ako? or nasa Hotel?
"SUCCESS!" Bulong ko sa sarili ko. It turns out na hindi pala ako iihi. Tinawag lang talaga ako ng kalikasan :(
Umakyat na ako sa hagdan. Ang daming pinto aa. Sa pag kakatanda ko sa kanan ang kwarto ni Janella.
Dumiretso ako sa kanan at binuksan ng bahagya ang pinto.
"Ay Jusme!!!!" Gulat na gulat kong sabi nang may humawak sa balikat ko.
"Ma'am hindi po dyan ang kwarto ni Ma'am Janella sa kaliwa po." Sabi nya
Sumunod nalang ako kay Ate. Grabe naman. Pwede namang sabihin hinawakan pa balikat ko lamig lamig pa ng kamay.
Pumasok na ako sa kwarto at nadatnan ko si Janella na kilig na kilig. Wtf
"Janella ano yan?" singit ko at ginitgit sya sa laptop nya
Hayst. Sabi ko na nga ba e.
"Kachat mo nanaman si Lesur?" Tanong ko
"Kailan ba kayo magkikita ng lalaking yan? Ilang buwan na kayo mag kachat e" Katwiran ko
"Hintay lang enebe" Sabi nya. Walangya yan landi talaga ng babaeng to
Pagod na Pagod na ako nakakabwiset. Lutang na Lutang na din ako.
"Celest! Celest! Celest! Ano game na ba bukas?" Paulit ulit na sigaw neto ni Janella
"Ah O-oo" Sabi ko nalang. Lutang na talaga ako. Hayst Ayoko na ngaaaa
"Hinihintay na pala ako ng nanay ko Janella pahatid mo na ako sa Driver mo!" Sigaw ko sakanya. Actually di talaga ako tinatawag ni Mama e. Sadyang na O-Op lang ako sa babaeng to. Nandito ba ako?
"Ggegegege tawagin mo nalang si Ate Stella" Sabi nya nakatingin parin sa Laptop nya. Hays
Bumaba na ako pero nalimutan ko kung saan nga ba yung labasan. Hinahanap ko ang pinaka magandang pinto baka kasi yun yung labasan.
.... Aksidente akong napasok sa library nila. Nakita ko ang isang Painting na hindi ko maipaliwanag kung anong itsura. Baka lutang na talaga ako. Sinarado ko agad ang pinto at hinanap na ang exit sa bahay nila.
***************
"Ate Celestine!" Sigaw ng kapatid ko na si Charlotte"Ang panget mo!" Sigaw ko at hinug sya.
"Kumain ka na ba?" Tanong nya
at tumango naman ako. Mukhang kumain na to di na kasi tinotopak.Dumiretso ako sa kwarto at huminga ng malalim.
Wala na akong pasok kunabukasan kaya. Okay lang kahit anong oras ako gumising.

BINABASA MO ANG
Gold Fades, Blood remains
Mistério / Suspense"Just show me what you got, let's have a show" -The black paper with the golden writings Gold fades, blood remains So precious and elegant yet that mark leaves a special color. The bloody red color. Make it red and you're dead. Don't let "valenio"...