Chapter Thirty Two

350 10 0
                                    

Forgetting Regret Sandoval – Chapter Thirty Two

I went home early. Hindi na ako nagpahatid kay Von dahil sinundo ako ni Kuya. Pumasok si Kuya sa kwarto ko at nakatayo lang habang nakatitig sa akin.

"Did you cry?"

Hindi ako sumagot.

"Regret?"

Hindi pa rin ako sumasagot. Dahil alam ko naman na kahit hindi ako magsalita, alam na niya kung ano ang problema ko.

"What happened?"

Doon lang ako nakagalaw at nakatingin sa kanya. Biglang may tumulong luha sa mata ko. Nilapitan naman niya ako kaagad saka niyakap.

Bakit ba ako nasasaktan sa ganito? Bakit ba ang dali ko magpaapekto?

Ayoko na.

Ayoko na umiyak. Ayoko na masaktan.

Napapagod na ako.

***

"Kaia, bilisan mo na d'yan!"

Mabilis kong kinuha ang blending brush para i-blend ang natitirang eyeshadow sa mata ko. Hindi na ako kumuha ng make-up artist dahil hassle pa. And besides, I know how to fix myself. Mas importante siguro 'yun.

Bumaba ako ng kwarto at nakita kong ready na talaga 'yung pamilya ko. Nakangiti akong sinalubong ni Kuya.

"Huwag muna tayo mag-dramahan okay?" Paalala ni Mommy.

Sabay-sabay kaming pumunta sa garage. Ngayon lang ulit kami nagsama as a family. 'Yung hindi talaga pumasok sa trabaho para lang may oras sa pamilya.

Pagkarating sa school, ang dami na kaagad estudyante. Nahirapan pa nga akong hanapin 'yung mga ka-block ko sa sobrang dami ng tao. My heart is pounding and I don't know why. Dapat nga hindi na ako kabahan dahil finally, ga-graduate na ako.

"Kaia!" Lumingon ako para makita kung sino ang tumawag sa akin.

Nakita ko sila Hanz na kasama ang pamilya at ibang blockmates.

"Sa Baccalaureate Mass, black pa buhok mo. Anong nangyari?"

I changed my hair color to something lighter. Ash gray na kasi ito ngayon.

Nagtawanan naman sila. "Huwag niyo na asarin si hapon. Mamaya, mapaginitan tayo ni Alvarez e."

Namula ako sa sinabi nila, walang saysay ang sinabi ni Kyle dahil mas lalo pa nila akong inasar. I glared at Hanz who is laughing his ass off. Wala na siyang paki kung marinig siya ng ibang tao.

I smirked. "Where is Mich?" I asked, doon lang siya tumigil sa pagtawa. "I wonder where she is."

Natahimik siya at hindi nagsalita kaya siya naman ang pinagtitripan.

"Anyway, saan na ba tayo?" He suddenly asked, trying to change the topic.

Pupunta pa kami sa college namin para doon ganapin ang sariling graduation.

"Dad, una na kayo. Washroom lang ako."

Tumango naman sila at sinabihan na huwag masyadong matagal.

I chose to walk at the other side of our building because for sure, no one is there. Habang naglalakad ay natanaw ko ang isang lalaki na papalapit nang papalapit sa akin. He's also a student because he's wearing a toga.

Nung mas lumapit pa siya, nakita ko na ang mukha niya.

God.

Why is he here?

Kumabog ang dibdib ko at parang nalito ang isip ko. Hindi ako makapagisip nang maayos. Hindi ko alam kung tatalikod ba ako o magpapatuloy sa paglalakad.

Lalagpasan ko na sana siya pero narinig ko ulit ang boses niya.

"Kaia..."

Fuck.

His deep voice echoed inside my head. Nagpaulit-ulit sa sistema ko ang pangalan ko na binanggit niya.

"Kaia, please let's talk."

Naramdaman kong hinawakan niya ako sa palapulsuhan at para akong nakuryente sa hawak niya. Nanginig ang tuhod ko sa hindi malamang dahilan.

Hinigit niya ako at niyakap ng mahigpit.

Napapikit ako ng mariin.

"I miss you, Kaia..." He whispered.

I wanted to answer. I wanted to tell him that I missed him too. Pero hindi ako makapagsalita. Parang may humaharang sa akin na kausapin siya.

"Kaia, hindi na ba nating pwedeng ayusin 'to?" He asked, almost begging for my answer.

I didn't answer his question. Pero nakita ko na lang ang mga kamay kong unti-unting umangat at hinapit siya papalapit.

"Regret..."

That's the first and only word that I said. Hindi ko masundan kahit ang dami kong gustong sabihin.

"Hindi na ba talaga pwede?"

Napaisip ako at natahimik ulit.

Sa totoo lang, hindi ko talaga alam. Hindi ko alam kung mas gusto ko bang mahalin niya ako o kalimutan siya. Hindi ko alam kung tatanggapin ko siya o papakawalan na.

Because to be honest, loving Regret is too painful.

"A-Ayoko n-na..."

Humigpit ang yakap niya sa akin.

"Mahal kita..."

Tumibok ng malakas ang puso ko. Halos tumigil ang mundo ko sa sinabi niya.

"Ang sakit mo magmahal." I whispered. Hinayaan kong tumulo ang luha galing sa mata ko. "Ang sakit mo pala magmahal, Regret."

Bumitiw ako at nakita kong namumula ang mata niya.

Mapait akong ngumiti saka lalagpasan sana siya pero nagsalita na naman siya.

"Nasaan na 'yung sinabi mong hindi mo ako iiwan? Na hindi mo ako susukuan? Na mahal mo ako?"

Humarap ulit ako sa kanya. Nakatingin na din pala siya sa akin. Kung ako siguro 'yung dating Kaia, malamang tuwang-tuwa ako na tinitignan niya ako ng ganito.

"Hindi ko rin alam, Regret." Napapagod kong sagot. "Hindi ko alam kung nasaan na napunta 'yon. Hindi ko rin alam kung dapat pa ba kitang mahalin... iyakan... habulin."

I placed my right hand above my chest. "Kasi pagod na pagod na 'to."

Tumalikod na ako para umalis.

Pero hindi pa ako nakakalayo, nahawakan na niya ang balikat ko at pinaharap sa kanya. Nanlaki ang mata ko nang hawakan niya ang mata ko at binaba ang mukha sa akin.

He tenderly kissed me on the lips. I was about to push him but he wrapped his left arm around my waist. Napapikit ako.

Bakit ba ang hina-hina ko pagdating sa kanya?

Ilang segundo ang lumipas bago niya bitawan ang labi ko.  Rinig ko ang hingal sa aming dalawa.

"I'm sorry for all the shits, Akia..." He whispered while slowly caressing my cheeks. "For the last time... Hindi na ba talaga pwede? Hindi ba tayo pwedeng magsimula ng bago?"

Hindi ko alam kung bakit napaisip pa ako sa tanong niya.

Sasagot na sana ako pero nagsalita siya.

"Napalitan na ba ako?"  He asked again. "Is it Von?"

Doon lang ako nalinawagan.

Umiling ako saka dahan-dahan siyang tinulak palayo sa akin.

"No..." I answered. I looked at him intently then I smiled bitterly. "But I want to."

Forgetting Regret SandovalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon