Chapter Thirty Three

355 11 0
                                    

Forgetting Regret Sandoval – Chapter Thirty Three

"Saan ka ba nagpunta?"

Nginitian ko lang 'yung blockmates ko. Buti na lang at mabilis akong nakapagaayos at nakabalik. Pumunta ako sa mga magulang ko na kanina pa naghihintay. Nakakunot ang noo ni Kuya kaya baka alam na niya kung ano ang dahilan.

"Idol." Nakarinig ako ng tawag sa kung saan. Hindi ko alam kung sino 'yon kaya hindi na ako lumingon. Saka malay ko ba. Mamaya hindi naman pala ako 'yung tinatawag. "Idol Kaia."

Napatingin na tuloy ako sa gilid ko. At laking gulat ko na nasa tabi ko pala si Hanz.

"Anong tawag mo sa akin?"

"Idol Kaia. Idol kita e." Sagot niya. "Pero nasaan si Von? Bakit wala dito?"

"Akala ko ba friends kayo?" Tanong ko sa kanya. Lagi niya kasing pinagkakalat na magkaibigan sila ni Von kasi daw laging pinapakopya ng assignment. Ang bibo lang talaga ng isang 'to. "Saka bakit mo ba sa akin tinatanong? Tanong mo sa bestfriend niya."

Nagtataka rin ako. Bakit nasa tabi ko nakaupo si Hanz e Inares apelido nito? Dapat din nasa kabila siya dahil lalaki siya.

Oh, I forgot. Masyado nga palang extra ang taong 'to.

"Ang sungit mo talaga, Idol." Inakbayan niya ako. "Nahahawa ka sa bestfriend mo."

Nagpintig ang tenga ko.

Hindi ako nakapagsalita kaagad. I am this affected when it comes to him. Masyado kaagad akong naaapektuhan kapag nakokonekta sa kanya ang mga bagay-bagay.

"Ay, bakit ka natahimik? Mahal mo pa?" Tanong na naman niya. "Pero si Von kasama mo lumabas ng bar?"

Nanlaki ang mata ko at wala sa sariling tinulak siya. He knew about that?! And... How?!

"What?"

Ngumisi siya. Ang sarap niyang pukpukin ng heels dahil sa nakakalokong ngisi niya. "Alam ko ang bawat galaw mo, Kaia." Kinilabutan ako sa sinabi niya.

"Ang creepy mo!"

Bago ko pa siya mabato, tumakbo na siya pabalik sa upuan niya. Hayop talaga!

The ceremonies started peacefully. Ang lakas ng tibok ng puso ko at hindi ko alam kung bakit. Maybe because after a long shitty ride, I'm finally here.

Habang hinihintay tawagin ang pangalan ko, hindi ko mapigilang lumingon sa paligid.

Manliligaw pero wala rito?

I know he's aware of this event. Kasama ko pa siyang bumili ng dress na suot ko. But where is he? Saan napunta ang mga sinasabi niya? Tss. That's why I don't trust people already. Iba ang ginagawa sa mga lumalabas sa bibig nila.

When I heard my name, I immediately went up the stairs. My friends cheered for me—even that jocular Hanz shouted my name.

Pagkatanggap ng diploma, humarap ako sa audience. Bago pa ako makaalis, may nakita akong lalaking nakatayo mula sa dulo ng hall. Based on his height, I know who he is. It was the guy who's fucking my mind a while ago.

Kung hindi lang kailangang bumaba, mas tinitigan ko pa siguro 'yung lalaking 'yun. Akala ko hindi na dadating e.

It's not as if I want him to be here. Understood naman siguro na dapat nandito siya since... He's courting me.

***

"Congratulations, Kaia!"

I smiled at my family. Sinalubong ko sila ng yakap. Ang loko-loko kong Kuya, ginulo ang buhok ko. Hindi niya ba alam kung gaano katagal ko 'tong inayos?

Forgetting Regret SandovalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon