CHAPTER TWENTY-ONE

605 8 0
                                    



Ilang araw na rin mula ng madiskubre kong di pa ako nakaka move on kaya heto nililibang ang sarili ko sa mga bagay bagay. Bar, shopping, gawa ng project, nanood ng Tv, Social media. Pero heto pa rin di pa rin mawawala ang sakit sa tuwing naaalala ko ang tawanan niyong dalawa ang kamay niya naka sabit sa braso mo. Naninikip ng dibdib ko sa tuwing maalala ko yon. Nandito kami nila Sam at Clark sa Bar dahil nag aya ako. Gusto kong makalimot, kahit sandali lang...

Nandito kami sa table namin at lasing na kami. Marami rami na kasi ang nainom namin. Malabo na ang paningin ko pero nararamdaman ko parin naman ang paligid ko. Tumayo ako at sinabihang sa dance floor lang ako. Di naman sila umimik kaya dumiretso nako sa dance floor.

Sumayaw ako ng sumayaw gusto kong mawala man lang kahit saglit sa isipan ko yun. Naramdaman kong may brasong pumulupot sa bewang ko at inilalapit ako sakanya, parang yinayakap niya ako mula sa likoran. Lilingon sana ako sa lalakeng nasa likuran ko pero hinigpitan naman niya ang braso niya sa bewang ko para hindi ako makalingon.

Sumayaw nalang ako kahit pa naroon pa rin ang braso ng lalakeng yun. Dahil narin sa kalasingan agad akong napagod, at nahihilo narin ako, parang nagiging dalawa na yung mga tao sa paligid ko. Gusto ko nang matulog, pupunta na sana ako sa table namin pero malapit akong natumba pero nasalo naman ako ng lalakeng nasa likod ko. Bago pako mawalan ng malay ay narinig ko muna ang sinabi niya.

"Goodnight, My angel. "  



DONT FORGET TO VOTE, COMMENT, FOLLOW AND SPREAD THE STORY!

The Angel's RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon