Chapter 1:

72 10 5
                                    


Third Person's POV:

-US(Abby's House)

I can swear, I can joke
I say what's on my mind
If I drink, if I smoke
I keep up with the guys
And you see me holding up my middle finger to the world
Fuck your ribbons and your pearls
'Cause I'm not just a pretty girl


Kumakanta ang dalaga habang nakasandal sa headboard ng kanyang kama at may headphones pa itong suot-suot kaya hindi niya naririnig ang pagtawag kanyang pangalan mula sa kanyang pintuan. Tanging ang musika lang mula sa kanyang telepono ang kanyang pinapakinggan.

"Alexandra Bernadette Brailyn Ysabel Sy!!! Open this door!!!" Doon lamang siya natauhan nang tawagin siya ng kanyang ina. Alam na alam niya kung paano ito magalit kaya nung tinawag ang buo niyang pangalan nagsimula na siyang kabahan. Binuksan na niya agad ang pintuan at tinanggal ang kanyang headphones.

"Goodmorning my beautiful mother! Sorry po kung natagalan bago ko nabuksan yung pintuan. Nakikinig po kasi ako ng music. Sorry na po mommy!! Alam niyo naman pong mahal na mahal ko kayo diba?" lambing niya dito para mabawas-bawasan ang inis ng kanyang ina sa kanya.

"Hindi mo ko madadaan sa mga paglalambing mo ngayon Abby. Bumaba ka na at magsimulang kumain dahil may importante akong sasabihin sayo", utos ng kanyang ina sa kanya. Kinabahan siya bigla at napaisip...

'Ano kayang sasabihin ni mommy?'  tanong niya sa kanyang isipan.

Lumulutang ang kanyang isipan habang sya'y kumakain dahil iniisip niya pa rin ang sasabihin ng kanyang ina. Hanggang sa makatapos siyang kumain ay ito pa rin ang iniisip ng kanyang isipan.

Agad siyang nagtungo sa opisina ng kanyang ina at kumatok...

"Mom? It's me beautiful daughter Abby? Are you there?", pagtawag nya rito. Hindi naman siya nabigo dahil agad siyang pinapasok ng kanyang ina.

"Come in, anak." tugon nito sa kanya.

Pumasok siya agad at umupo sa upuan na kaharap ng kanyang ina.

"Ano po ba ang sasabihin nyo mommy?" tanong niya rito. Nagsisimula nang mamuong muli ang kabang nararamdaman niya kanina nang hindi siya sagutin agad ng kanyang ina.

"Maghintay ka lang muna dyan anak, pinapunta ko rito ang mga kaibigan mo dahil kasama rin sila sa sasabihin ko." Hindi na siya umimik pagkatapos ng sinabi ng kanyang ina at matiyagang hinintay ang kanyang mga kaibigan.

'Ano kayang sasabihin ni mommy at bakit kasama pa ang mga kaibigan ko?' tanong niyang muli sa kanyang isipan.

Marami ng namumuong katananungan sa kanyang isipan pero mukhang dumating na ata ang kanyang mga kaibigan dahil bigla na lang may kumatok sa pinto.

"Pumasok kayo, the door is open." sabi ng kanyang ina. Hindi nga siya nagkamali dahil mga kaibigan niya ang pumasok. Agad naman silang bumati isa-isa.

"Goodmorning po Tita Alice!"pagbati ni Lovely sa kanyang ina. Lovely ang tawag nilang magbabarkada sa kanya pero Lovi Venice Lyndrea Park ang tunay nitong pangalan. Pumapangalawa ito sa pinakamayaman na miyembro sa kanilang grupo dahil anak ito ng may-ari ng pinakasikat na mga Winery at Publishing Company.

Si Alexandra Bernadette Brailyn Ysabel Sy o mas kilala sa tawag na Abby naman ang anak ng may-ari ng pinakakilalang Airlines sa buong mundo at mga schools.

"Hello po Tita" mahinhin na bati ni Kyla sa kanyang ina at prenteng umupo sa tabi ni Lovely na nakaupo na ngayon sa sofa. Siya naman si Kyla Celestine Ledesma, anak ng may-ari ng pinakasikat naman na mga Pharmaceutical Companies sa buong mundo.

"Naks Tita, lalong gumaganda ahh" pambobola ng ni Pauline sa kanyang ina na agad namang ngumiti dahil sa kanyang narinig. Mikaela Pauline Smith, Bars naman ang business ng pamilya nila.

"May ice cream po ba sa fridge niyo Tita?" nasapo na lang nila ang sarili nilang mga noo dahil sa tanong ni Chaessy na kasalukuyan namang hinihimas-himas ang kanyang batok. Chaessy Marie Mendoza, restaurants ang business ng pamilya nila.

"Takaw mo Chaes" sabi ni Leady kay Chaessy. Siya rin ang nambatok kay Chaessy. Wanna know who she is? She's Mina Leady Naviguel Velasco, Five-star Hotels owner ang kanyang mga magulang.

"Ingay niyo!" mataray na usal ni Kian. Kiziah Andrea Nhatalia Lee is her name, her family owns the most famous fashion lines in the whole world.

"Napaghahalataan ang kulang sa tulog ehh" mapang-asar na wika ni Paulina sa kanya na nakapagpa-irap sa mga mata ni Kian. Alexa Paulina Cruz, ang pamilya naman niya ang may-ari ng Cruz Medical Hospital. Business partners ang pamilya nila ni Kyla kasi ang pamilya nito ang sumusupply sa mga gamot nila rito.

"Bakit niyo pala kami pinatawag Tita Alice?" sa wakas ay nagtanong rin si Ahlea. Last but not the least member of the group, Ahlea Kathryn Rodrigueza, engineering firms is their family business. No wonder na math wizard siya.

"Okey ipinatawag ko kayo dahil may iaannounce akong importanteng bagay. All of you are going back to the Philippines."wika ng kanyang ina na nakapagpanganga sa kanilang lahat.

"What!"


(A\N:Lame po ba?? hehe, first time po kasing magsulat ng story. Susubukan ko pa pong iangat ang writing skills ko para sa inyo..salamat po kung may nagbabasa man)


Falling Inlove Thru NeargroupWhere stories live. Discover now