Chapter 3

42 4 2
                                    

Author's note: Mag-enjoy po sana kayo sa update ko!😊😊

**
Third Person's POV:

"Oh shit!" daing ng dalaga nang mapaupo ito sa sahig ng mall dulot ng pagbunggo sa kanya ng isang lalaki.

Maging ang mga kaibigan niya ay gulat na gulat rin sa nangyari. Pero mas nabigla sila sa posisyon ng kaibigan nila at ng nakabunggo dito nang lingunin nila ito. Nakahiga si Lovely sa sahig ng mall habang nakapatong sa ibabaw niya ang lalaking nakabunggo sa kanya...

Lovely's POV:

"GET.THE.HELL.AWAY.FROM.ME" kalmado kong sabi sa lalaking nakapatong sa ibabaw ko at dinidiinan ang bawat salitang binibitiwan ko.

Hindi ito sumagot. Nanatili itong nakapatong sa ibabaw ko at kahit na naiilang na ako sa posisyon naming dalawa, nanatili pa rin akong kalmado at expressionless.

"I said get away from me!" Hindi ko na napigilan ang mapasigaw dahil iritang-irita na talaga ako sa lalaking to.

Hindi pa rin ito umimik at tinitigan pa rin ako na para bang inaaral nito ang bawat anggulo ng mukha ko.

"Can't you understand? I said get away from me! Are you deaf or.."
Hindi ko natapos ang sasabihin ko dahil bigla niya akong hinalikan sa labi. I froze. Hindi ako makagalaw sa pwesto ko na para bang nakastuck na ako dito.

After 15 seconds parang nahimasmasan ako sa spell na nararamdaman ko kanina. Kinuyom ko ang mga kamao ko and I punch this man's face very hard, sapat na para dumugo ang mga labi nito. Agad itong tumayo mula sa pagkakapatong sa akin at hinawakan ang mga labi niyang may dugo. Mukhang biglang-bigla ito sa ginawa ko. Pinandilatan niya ko ng mata at ako naman ay napasmirk na lang sa reaksyon niya.

Mayaman ako, marami ang gustong kumidnap sa akin mula pa nung bata pa'ko kaya natural lang na alam ko ang self defense diba?

"Masakit ba?" I said sarcastically sa bwiset na lalaking nasa harapan ko.

"Hindi, pwedeng isa pa?" tumingin ito sa akin saka ako nginisihan.

"You want another punch?" sabi ko at itinaas ang kinukuyom kong mga kamao.

"Another kiss? Pwede?" what the heck?! This guy is really getting into my nerves.

"Kiskisin mo mukha mo!!" Sabi ko sa walang hiyang lalaking yun at saka tumalikod. Pero napatigil ako sa paglalakad dahil sa huling mga salitang binitiwan niya...

"I enjoyed that kiss Miss Sungit!"
paglingon ko sa lintek na lalaking yun tumatakbo na ito palabas ng mall. Hindi ko na lang ito pinansin at naglakad na ko sa mga walang kwenta kong mga kaibigan. Ni hindi man lang nila ako tinulungan.

"Ayyiee!! Nakita na niya ang love of her life niya. Ngiting-ngiti eh no??" Pang-aasar ni Leady sa akin, ang BESTFRIEND ko raw sa grupo, WORST FRIEND ka'mo. Pero anong sabi niya nakangiti ako?

"Hindi ako ngumingiti." I shortly answered.

"Ngumiti ka kaya kanina, may picture pa nga ako eh at may video pa ng buong pangyayari. I will make this as 'My Day' on Facebook. Hahaha!!!" Pinakita niya sakin ang picture at pati na rin ang video. Hahablutin ko pa sana ang cellphone niya pero pinigilan ako ni Pauline.

"At anong gagawin mo ha? Idedelete mo yung picture at video no??" Tiningnan ako ni Pauline ng mapang-asar and then she did her "famous grin".

"Oh eto idelete mo na" inabot ni Leady ang cellphone niya sa'kin. Kinuha ko ito kaagad at idinelete ang picture at video ko dito.

"Tingnan niyo na ang 'My Day' ko girls," kinuha nila ang kanya-kanya niyang mga cellphone at tiningnan ang 'My Day' ni Leady. Tumingin silang lahat sa'kin at saka nagtawanan, syempre maliban kay Kyla.

Falling Inlove Thru NeargroupWhere stories live. Discover now