Broken 2

117 5 0
                                    

Bestfriend’s POV (Surprise pa kung sino siya eh :D) nilagay ko na po picture ni Bestfriend =)

Hayyy nako, ganyan kabulag sa pag-ibig yang bestfriend ko na si Mayrish, paano ba naman inis na inis na ako sa kanya ! Mali mali, hindi pala sa kanya, sa puso niya na pilit pa rin na minamahal si Cedrick na iniwan na naman siya. Well, hindi ko naman siya masisi kasi totoo naman lahat yun e, ako pa mismo ang saksi sa mga pinagdaanan nilang pagsubok. Oo, aaminin ko na ako rin hindi naniniwala na hindi mahal ni Cedrick si Bess kasi napatunayan ko na mahal talaga niya sa mga pagsubok pa lang na dinaanan ni Cedrick e parang dumaan na siya sa butas ng karayom e, alam mo yun? Hindi kaya siya kasya dun pero nakalusot siya. Syempre bestfriend ko yan, dadaan muna sa’kin mga manliligaw niya aba ayaw kong nakikita na umiiyak siya kaya kung sakaling paiyakin man siya, mananagot sa’kin ang mokong na dahilan ng pagluha niya. Ewan ko ba bakit kailangan kong magpanggap sa harap niya. Siguro hindi pa talaga eto ang tamang panahon para malaman niya ang totoo. Tutulungan ko muna siyang mkaget-over kay Cedrick para naman bumalik na ang mga ngiti niya at ang sigla ng mga mata niya <3

5 months na din simula nung maghiwalay kami ni bess, Oooops hindi po kami magboyfriend/girlfriend ibig kong sabihin dito eh nung magkahiwalay kami ng landas, college na e. Unfortunately mag-kaiba kami ng school na pinasukan. Pareho kaming naging busy sa pag-aaral e. October na pala at eto magkikita na kami ulet ni Bess ! sana naman ok na siya. Sana talaga *crossed fingers*. Nakakasawa na kasi mga kwento niya eh. Haaaay at syempre mas maganda na yung Ok na siya para iwas pag-aalala na din ako J

Ok. Inhale..... Exhale..... ihanda mo na din ang tenga mo Kaizer !  

“Syet ! What a shit deal, knowing that it all started with a deal is a bull shit! “

“Ano bessy, hindi kba tlga titigil sa kakangawa jan?”

“Bess, alam mo naman mga pinag-daanan namin ni Cedrick diba? Masakit lang kasing isipin na lahat ng iyon gawa-gawa lang niya at ng bwiset niyang barkadahan !”

“Jusko naman Bess! ilang buwan nba? Ilang buwan na ang nakakalipas simula ng inamin niya yan sa’yo ha? Anim na buwan ! anim ! Anim na buwan na din akong nakikinig sa paulet- ulet mong kwento!!!”

“Almost 2 years niya akong niloko, what do you expect na maging reaction ko after all ng mga pinag -samahan naming dalawa? Alam nating dalawa na pati ang sarili niyang tatay na ayaw sa’kin e walang nagawa sa love namin para sa isa’t isa dba? Tas sasabihin niya na hindi niya talaga ako mahal? Dafuck ! Hindi ako naniniwala bess.”

Tang-ina bess!” sinampal sampal ako ni bessy

“Hoy ! kanina pa ako dakdak ng dakdak dito eh nakatulala ka lang naman?” hala, imagination ko lang pala yun memorize ko na kasi ang mga linyang sasabihin ni bessy, bawat mag kakausap kami yan lang lage ang sinasabi niya pero ngayon parang iba ang aura niya.

“Uy bess, haha pasensya kna ha? Natulala ako sobrang ganda mo ksi e, lalo ka pang gumanda ohh.” Ang totoo niyan palusot lang yan, maganda talaga kasi si bessy e.

“ asus ! ang galing mo talaga mambola ! kaya type ka talaga ni Dione e”

“hooooooooooooy ! tumigil ka nga jan ! alam mo naman na bakla yun bess e -.-” Si Dione nga pala, kapit-bahay nila bess na obsess sa’kin, akalain mo yun? Sa dinamidami ng pwedeng magkagusto sa’kin e yung bakla pa? naman !

Nagkwentuhan kami ni bess & bonding moments, sa wakas wala siyang naikwento na tungkol sa nakaraan nila ni Cedrick. Sobrang happy ko at sa tingin ko ok na at moved on na siya. Nag-enjoy naman ako kasi kitang-kita na sa mukha ni bess na Masaya siya at bumalik na ang kinang ng mga mata niya, <3 <3 <3

A/N: Please Vote guys click the Vote button on the upper right side, pampagana lang para alam ko kung may nagbabasa pa ba =) Comments are highly appreciated too <3

-MGU 

Sorry for the BROKEN HEARTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon