The first meeting

8 0 0
                                    

(year b.C. in Europe)

Nag punta ang batang Marie sa kanyang paboritong lugar na nasa loob ng gubat. Pinupuntahan nya lang ito sa umaga bago mag bukas ang Inn at Bar ng pamilya nila na may kasamang delivery, sa tanghali kapag oras ng pahinga ng mga trabahador at sa gabi kapag tulugan na ang kanyang mga magulang.

Ang paboritong lugar ni Marie ay isang malawak na pwesto na may ilog na abot tuhod ang lalim, dalawang punong putol na ginagawa niyang upuan at ang pinaka paborito nya ay ang mga alitaptap na naglalabasan gabi-gabi.

Biglang may narinig ang batang Marie sa likod niya; isang boses na parang umiiyak. Hindi natakot si Marie at tumayo sya mula sa pag kakaupo para tingnan kung sino ito. Dahan dahang nag lakad si Marie para hindi siya marinig at mapakiramdaman. Sinundan lamang ni Marie ang boses at saglit lamang ay nakarating siya sa isang mataba at malaking puno. Tiningnan niya ang likod ng puno at nakita niya ang isang batang lalaki na umiiyak.

"bakit ka umiiyak?"

Nagulat ang batang lalaki at madaling pinunasan ang kanyang mga luha.

"hindi ako umiiyak!!"

"hindi rin naman ako bulag at binge para hindi malaman na umiiyak ka!"

Napatahimik lamang ang batang lalaki nung makasagot si Marie. Nakapamewang at nag buntong hininga si Marie. Biglaang hinila ni Marie ang kamay ng batang lalaki at dinala sa kanyang paboritong lugar. Nanlaki ang mga mata ng batang lalaki at ngumiti na halos abot tenga na.

Pinaupo ni Marie ang batang lalaki sa isa sa mga putol na puno at nagsimulang mag tanong.

"bakit ka umiiyak kanina?"

May pagdadalawang-isip muna ang batang lalaki bago sumagot.

"Napahiwalay kasi ako sa kasama ko habang nag lalakad kami sa bayan. Biglaan kasi nag siksikan ang mga tao at naipit ako kaya hindi ko na alam kung sanako napunta."

"Wag ka mag-alala, tutulungan kita hanapin ang kasama mo. Pero saglit lang, dito kaba nakatira?"

"hindi; nag babakasyon lng kami dito pero hindi ko alam kung saan kami tumutuloy."

"hindi mo ba kasama ang mga magulang mo?"

"hindi. Susunod na lng daw sila" Malungkot na pag sagot ng batang lalaki.

Naglakihan ang mga mata ni Marie nung may biglaan siyanh narinig... tunog ng isang kumakalam na tiyan. Tiningnan ng batang Marie ang batang lalaki at nakita niya na namumula ang mga pisngi nito.

"hintayin mo lang ako dito, babalik din ako agad"

Tumakbo papalayo si Marie habang naka-upo lamang na nag hihintay ang batang lalaki. Makalipas ang ilang minuto ay natatanaw na ng batang lalaki si Marie.

"ito oh, kainin mo, masarap to"

"ano yan?"

"hindi ko rin alam, wala kasing tinitindang ganto sa bayan pero prutas siguro to kasi pinitas ko to sa puno"

"hindi mo pala alam kung ano yan tapos papakain mo sakin?"

"wag kana maarte, kainin mo na lang to. Ipapakain ko ba to sayo kung hindi ko alam na nakakain ito"

"sige, pag kakatiwalaan ko ang sinabi mo"

Kinagatan ng batang lalaki ang pruyas at biglaang nag lakihan ang kanyang mga mata at bilisang inubos ang nasa kamay nya at humingi ng humingi ng panibago kay Marie.

"diba masarap?"

Tumango lang ang batang lalaki habang sarap na sarap sa pagkain. Pagkatapos niya kumain ay sinuggest niya na bigyan nila ng pangalan ang prutas. Sumangayon naman si Marie at nag simula mag isip ang dalawa.

"dahil mukha syang bell, lagyan kaya natin ng bell ang pangalan nya, ano sa tingin mo? uhm, ah, ano nga pangalan mo?"

"Ako si Matthew Crest"

"Ako naman si Marie Tettamanti"

"Marie, sabi mo dahil hugis bell ang prutas na to ay lagyan natin ang pangalan nya ng bell, diba?

"oo"

"ano sa tingin mo kung pangalanan natin syang Bell fruit? dahil prutas sya na hugis kampana."

"Maganda!"

Nagtawanan at nagngitian ang dalawa pagkatapos mag isip ng pangalan para sa prutas.

~~~~~~~~~~~~~~~~~

Thank u for reading, pls comment, vote, follow or add to your reading list. Support me pls <3

This is my first time writing a story about a girl and a boy's romance.

The Kingdom where Love begunTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon